Almoranas

Pagiwas sa Almoranas

8/16/2023

Fiber: Kakampi Mo Laban sa Almoranas

Kapag pinag-usapan ang kalusugan at kabutihan ng buong katawan, "kumain ka ng mga gulay" ang palaging nasa unang listahan ng mga paalala. Bakit kaya? Sa madaling sabi, ang mga gulay ay mayaman sa bitamina at mineral.  Gayunpaman, hindi alam ng karamihan na mayroon din silang fiber. Ang fiber ay nakatutulong sa ating katawan sa maraming paraan.  Kumpara sa ibang nutrients, ang fiber ay maaaring dumaan sa iyong digestive tract hanggang sa ito’y lumabas sa iyong katawan, nang walang nagbabago.

fiber para sa almoranas

May dalawang uri ng fiber: ang soluble at insoluble fiber

Ang soluble fiber, gaya ng pangalan nito, ay maaaring ihalo sa tubig upang maging gel-like substance. Ito ay nakakatulong upang mapababa ang iyong blood sugar at kolesterol sa katawan. Ang uri ng fiber na ito ay matatagpuan sa iba’t-ibang citrus fruits, oats, mansanas, peas, barley, psyllium, at carrots.

Samantalang ang insoluble fiber naman ay makukuha sa mga mani, beans, cauliflower, patatas, green beans, whole wheat flour, at wheat bran. Ang uri ng fiber na ito ay nakatutulong sa paggalaw ng dumi sa ating tiyan sa pamamagitan nang pagsama nito sa iba pang undigested substances at digestive byproducts sa ating tiyan at bituka.

Ang mga pinagsama-samang fiber ay bumubuo ng “bulk” at kasabay ng peristalsis - ang natural na paggalaw ng iba't ibang muscles sa loob ng ating katawan na responsable sa pagusad ng pagkain - nakatutulong ito sa paggalaw ng mga waste products at paglabas nito sa ating sistema. Ang epektong ito ay nagbibigay sa atin nang pakiramdam ng kabusugan sa ating tiyan. Mapapansin ninyong mas kaunti ang iyong kinakain sa mga sumunod na oras pagkatapos mong kumain ng fiber food products. Kaya't ang pagtaas ng dietary fiber ay nakapipigil sa hirap na pagdumi.

Ang papel ng fiber sa pagpapanatili ng regular at malusog na paggalaw ng dumi ay ang dahilan kung bakit ito ay may malaking bahagi sa paggamot ng almoranas. Ang almoranas ay iniisip noon na kabaligtaran ng mga varicose veins. Gayunpaman, sa mga nakalipas na taon, lumalabas na pinabulaanan‎ ng mga pag-aaral ang teoryang ito dahil natuklasan na ang anorectal varices ay iba sa almoranas. Sa halip, sinasabing ang mga almoranas ay ang resulta nang pagkawatak-watak ng mga sumusuportang istruktura sa ating anal cushions. Nagdudulot ito ng:

  • Pag-aalis ng mga submucosal tissues na nagreresulta sa venous dilation o pagbuka ng mga ugat.
  • Pagkasira ng mga collagen fibers at fibroelastic support ng mga laman;
  • Pagkasira ng ibang anal muscles na maaaring makasira sa ating anal region.

Ang mahabang pag-ire at hirap sa pagtatae, dahil sa paglabas ng matigas na dumi, ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa puwet, na nagiging dahilan sa pag-lala ng mga sintomas ng almoranas o hemorrhoids.

Dahil ang constipation, abdominal straining, at ang pagdaan ng matigas na dumi sa anal mucosa ay maaaring maging sanhi ng mga mapaminsalang kondisyon na ito. Kinakailangan ng taong may almoranas na sumailalim sa mga pagbabago sa pagkain, dahil ang paraan na ito ay hindi magastos, madaling mabili at non-invasive.

diet para sa almoranas

Isa sa mga dietary practices na kailangan mong gawin ay ang pagkain ng fiber food products. Sa katunayan, ayon sa mga klinikal na pag-aaral, ang pagtaas ng dami ng fiber sa mga taong may almoranas ay nagresulta sa pagbaba ng kanilang mga sintomas at pagdurugo.          

Kadalasan, ang isang fiber supplement ay itinuturing na isang mabisang solusyon sa almoranas at ang mga sintomas nito. Gayunpaman, dapat tandaan na ang dietary management ay pinakamahusay na ginagamit kasama ng iba pang mga paraan ng paggamot na ginagabayan ng doktor, lalo na sa kaso ng prolapsing hemorrhoids o iba pang mas matinding uri ng almoranas.

Ang paggamot para sa mga kaso tulad ng mga ito ay nangangailangan ng pharmacological regimen. Ang isang halimbawa ay ang oral flavonoids, na malawakang tinatanggap bilang panggamot sa almoranas, lalo na sa Europe at Asia. Ito ay nagpapabuti ng ating vascular tone, nababawasan ang capillary permeability at iba pang mga anti-inflammatory effect. Ayon sa iba’t-ibang pag-aaral, ang mga flavonoids na ito ay may partikular na epekto sa pagbabawas ng pagdurugo, patuloy na pananakit, matinding pangangati, at pag-ulit ng almoranas. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon1000) ay isang oral flavonoid na may micronized purified flavonoid fraction. Ibig sabihin ang mga aktibong sangkap ay mas mahusay na nakukuha ng katawan.

Bilang buod, ang dietary fiber ay isang napakahalagang bahagi ng ating pagdyedyeta at magbubunga ng maraming positibong epekto sa ating kalusugan at kapakanan. Kaya ito ay mahalagang magawa sa pamamagitan ng pagkain ng mga prutas, mani, gulay at pagkaing mataas sa fiber. Ang pagsunod  dito ay kapansin-pansing mahalaga sa mga taong may almoranas, ngunit tandaan, ang mga pagbabago sa iyong dyeta ay dapat may kasabay na ibang over-the-counter  na gamot tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) at may gabay ng iyong pinagkakatiwalaang doktor. 

REFERENCES

  1. https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/fiber/art-20043983 

  2. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3342598/ 

  3. https://www.rima.org/web/medline_pdf/AmJGastroenterol2006_181%E2%80%938.pdf 

  4. https://medlineplus.gov/ldlthebadcholesterol.html 

  5. https://medlineplus.gov/ency/article/002399.htm 

2025