Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
Almoranas
6/4/2024
Katotohanan sa Mga Maling Paniniwala sa Almoranas
Ano ang mga maling paniniwala tungkol sa almoranas?
- Ang pag-upo sa malamig ay nagiging sanhi ng almoranas
- Ang almoranas ay nakakahawa
- Ang mga matatanda lamang ang nagkakaroon ng almoranas
- Ang maaanghang na pagkain ay nagpapalala ng almoranas
- Ang almoranas ay permanente
Overview
- Ang temperatura ay ‘di nakakaapekto sa pagkakaroon ng almoranas. Sa halip, ang matagal na pag-upo ay maaring magpwersa sa ugat na nakapaligid sa pwet.
- Ang almoranas ay hindi sanhi ng virus o bacteria, kaya’t hindi ito nakakahawa.
- Ang edad ay nagpapataas sa panganib sa almoranas. Mas may impluwensiya ang pamumuhay kagaya ng diet at ehersisyo sa pagkakaroon nito.
- Ang maaanghang na pagkain ay hindi direktang sanhi ng almoranas. Ngunit, kapag mayroong almoranas, ito ay maaaring magpalala ng mga sintomas.
- Ang almoranas ay isang pansamantalang kondisyon. Maari itong mapabuti sa pamamagitan ng pagbabago ng pamumuhay at tamang mga gamot.
Introduction
Ano ang almoranas? Kilala din ito bilang piles o hemorrhoids sa ingles, na nakakaapekto sa kalusugan ng ating ugat sa anus at lower rectum1. It ay madalas na pinagmumulan ng hirap o sakit para sa marami. Sa pangangalaga at pag-iwas dito, mahalagang suriin ang maraming maling paniniwala na nakapalibot dito. Ang pag-aaral ng katotohanan sa likod ng mga nakakalitong ideyang ito ay mahalaga. Ito ay para maiwasan ang hindi kinakailangang impormasyon para sa tamang pangangalaga at paggaling.
Sa artikulong ito, tayo ay maghahatid ng katotohanan sa mga maling paniniwala tungkol sa almoranas. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Ang Pag-upo sa Malamig ay Nagiging Sanhi ng Almoranas
Ang temperatura ay hindi nagpapataas ng panganib ng almoranas2. Mayroong kakaunting mga pag-aaral na nagsasaliksik sa kaugnayan ng dalawa3. Habang ang pag-upo sa malamig ay hindi maganda sa pakiramdam, ito ay kabaligtaran sa pagpapalala ng kalusugan ng iyong ugat. Ang lamig ay nagiging dahilan upang gumalaw ng maayos ang ugat upang mapanatili ang init sa katawan4. Kung ikaw ay may almoranas, ang yelong nakabalot sa tela o paper towel ay maaring makatulong sa pagbawas nang pamamaga at inflammation5.
Para sa maling paniniwala na ito, hindi ang lamig ang dahilan ng almoranas kundi ang pag-upo mismo. Ang matagal na pag-upo ay may epekto sa kalusugan ng iyong ugat. Ang lower rectum ay madaling kapitan ng kondisyong ito dahil ito ang mahinang parte ng ating katawan3. Dahil din ito sa tatlong magkakaibang vein systems na nagtatagpo sa anal canal.
Ang matagal na pag-upo ay naglalagay ng bigat sa iyong puwet6. Ito ay nagdudulot nang pagkalat ng laman ng pwet, inuunat ang mga ugat sa paligid ng anus at rectum. Ito ay nagsasanhi sa kanilang pagkahina.
Ang Almoranas ay Nakakahawa
Ang piles ay hindi nakakahawa. Ito ay hindi puwedeng maipasa sa kahit anumang daan katulad ng dugo, pagtatalik, o pagbubuntis7. Maaari nitong pabulaanan ang isa pang karaniwang paniniwala na ang pakikipagtalik ay nagdudulot ng almoranas.
Ang kondisyong ito ay hindi isang anorectal infection2. Ibig sabihin, hindi virus at bacteria ang sanhi nito. Ang dalawang ito ay kadalasang dahilan kung bakit nakakahawa ang mga sakit na tigdas, bulutong8, tuberculosis, at kolera9.
Ang bacteria, isang single-cell organism,10 at ang virus, isang nakakahawang mikrobyo8, ay wala sa almoranas. Kadalasan, ang almoranas ay dahil sa iyong pamumuhay o lifestyle.
Gayunpaman, ang mga sintomas ng almoranas ay maaaring mapagkamalan sa iba pang kondisyon11. Isa na rito ay ang mga sintomas ng warts o genital warts. Ang warts o kulugo ay nakakahawang virus dulot ng human papillomavirus o HPV12. Ito ay matatagpuan sa kahit saang parte ng katawan kabilang ang iyong anal area. Ang anal warts ay isang malambot na skin growth na maaaring tumubo sa paligid o sa loob ng anus13.
Ang Mga Matatanda Lamang ang Nagkakaroon ng Almoranas
Bagama't ang almoranas ay kadalasang nangyayari sa mga taong nasa edad na 45 - 6014, ang edad ay hindi nakakadagdag sa pagtaas ng panganib nito2. Ngunit, ang matatanda ay madalas na nagkakaroon nito dahil sa paghina ng kanilang rectal walls4. Anumang edad ay maaaring makakuha ng kondisyong ito. Mas madalas, ang lifestye choices ang nakakaapekto sa pagkakaroon ng almoranas kaysa sa edad.
Karaniwang lifestyle factors ay ang poor diet, kakulangan sa ehersisyo, toilet straining o pag-ire, at matagal na pag-upo2. Para sa mga buntis, ang kondisyong ito ay maaaring mangyari dahil sa pagdadala ng sanggol15. Ito ay dahil sa pagtaas ng bigat sa iyong pelvic area.
Mula sa impormasyong ito, ang pagbabago ng pamumuhay ang pinaka nakakatulong sa pag-iwas at pangangalaga sa almoranas.
Ang Maaanghang na Pagkain ay Nagpapalala ng Almoranas
Ang maanghang na pagkain ay hindi sanhi ng almoranas. Hindi ito nakakaapekto sa mga ugat sa bahagi ng iyong rectal area4. Ngunit, ang pag-iwas sa ganitong pagkain ay kinakailangan kapag mayroon kang almoranas. Ito ay maaaring maging sanhi ng problema at pagsakit ng iyong digestive system, lalo na sa gastrointestinal tract16.
Kung ikaw ay may almoranas, ang maaanghang ay maaaring makairita sa iyong digestive tract17. Maaari nitong palalain ang pangangati at burning sensation ng iyong kondisyon. Ito ay dahil sa capsaicin na matatagpuan sa ganitong uri ng pagkain. Ang capsaicin ay isang compound na matatagpuan sa sili18. Ito ang dahilan ng burning sensation at pagkairita ng lalamunan sa tuwing kinakain natin ito. Ang pagkain ng compound na ito ay nagpapataas ng daloy ng dugo sa iyong rectal area, na nagreresulta sa pamamaga17.
Ang Almoranas ay Permanente
Ang almoranas ay isang hindi komportableng kondisyon ngunit hindi ito permanente. Gayunpaman, kung hindi maaagapan, lalala at lalaki ang iyong ugat2. Mahalagang humingi ng tulong sa doktor sa lalong madaling panahon upang mas mabilis ang paggaling.
Ito pansamantalang kondisyon dahil puwede mong mabago ang sitwasyon ng iyong namamagang ugat4. Sa pamamagitan ng lifestyle modification at over-the-counter treatments, mapapabuti mo ang iyong kondisyon16. Mga simpleng paraan na maaari mong gawin ay ang regular na pag-eehersisyo, pagupo sa sitz bath, paggamit ng hemorrhoid creams, at iba pa.
Ang isa pang paraan ay ang pag-inom ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ang gamot na ito ay ginawa upang pagalingin ang ugat ng sakit. Habang ginagamot nito ang mga nakabuka at namamagang ugat, pinalalakas din ang mga ito. Ito ay para mapabuti ang kalusugan ng iyong ugat. Ang gamot na ito ay isa ring maaasahang treatment sa pangangalaga ng matagal at paulit-ulit na almoranas.
Mga Dapat Tandaan
Ngayong alam na natin ang mga katotohanan sa mga maling paniniwala sa almoranas, mayroon na tayong katiyakan tungkol sa kalusugan ng ating ugat. Sa pamamagitan ng tamang pagsusuri, maiiwasan natin ang sobrang pag-aalala.
Kung ikaw naman ay mayroong almoranas, mahalagang tingnan ang impormasyong nakabatay sa ebidensya para sa iyong pagpapagaling. Bukod dito, ang paghingi ng payo ng doktor ay isang kinakailangang hakbang upang makatanggap ng tamang paggamot.
Sa iyong pangangalaga ng almoranas, maaari kang uminom ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) upang mabawasan ang pananakit ng almoranas. Naglalaman ng diosmin at iba pang mga flavonoids, ito ay clinically-proven sa paglaban sa paglala ng iyong sintomas. Uminom ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ngayon para mapabuti ang kalusugan ng iyong mga ugat!
REFERENCES
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268#:~:text=Hemorrhoids%20
- https://www.gleneagles.com.sg/health-plus/article/haemorrhoid-myths
- https://www.bbc.com/future/article/20120612-does-a-cold-seat-give-you-piles
- https://hemorrhoidsurgeonmd.com/time-to-debunk-6-hemorrhoid-myths/
- https://healthmatch.io/hemmorhoids/hemorrhoids-ice-packs#cold-or-warm-compress-for-hemorrhoids
- https://www.paonessacrs.com/the-link-between-prolonged-sitting-and-hemorrhoids/#:~:text=How%20sitting%20causes%20hemorrhoids,blood%2C%20and%20you%20have%20hemorrhoids
- https://www.vinmec.com/en/gastroenterology-hepatobiliary/health-news/answer-are-hemorrhoids-contagious/#:~:text=The%20answer%20is%3A%20Hemorrhoids%20are,factors%20to%20form%20the%20disease
- https://www.genome.gov/genetics-glossary/Virus
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/157973#hazards
- https://www.genome.gov/genetics-glossary/Bacteria
- https://www.verywellhealth.com/hemorrhoids-contagious-5218000
- https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/warts
- https://www.thehaemorrhoidclinic.com/conditions/anal-warts/#:~:text=%231%20What%20Is%20The%20Difference,are%20not%20at%20all%20contagious
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK500009/#:~:text=Hemorrhoid%20disease%20is%20a%20common%20anorectal%20disorder%2C%20affecting%20millions%20in,and%2065%20years%20of%20age
- https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/hemorrhoids
- https://www.tampacolorectal.com/blog/hemorrhoid-myths-debunked-separating-fact-from-fiction
- https://www.nthponline.com/blog/avoid-these-foods-if-youre-struggling-with-hemorrhoids
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6273101/#:~:text=Capsaicin%20is%20a%20compound%20found,in%20the%20study%20of%20pain
2024