Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti

Pagiwas sa Chronic Venous Disease

Gamot sa Chronic Venous Disease

9/18/2023

Paano Maagapan ang Masakit at Mabigat na mga Binti sa Oras ng Trabaho

Ang trabaho ay isang hindi maiiwasang parte ng ating buhay at karamihan sa atin ay ginagawa ito sa mahabang oras. Kung ikaw ay madalas na nagtatrabaho nang nakaupo o nakatayo, madalas mong mararamdaman ang pamimigat at pananakit ng iyong mga binti. Sa katunayan, ang sedentary lifestyle (pag-upo o paghiga) at pagtayo ng ilang oras ay parehong maituturing na panganib sa ating kalusugan, na dumadagdag sa pagbuo ng chronic venous insufficiency.1

Ang kawalan ng aktibidad, pag-upo sa tapat ng mga mesa, istasyon, o sa mga counters sa buong linggong pagtatrabaho ay parte na ng ating modernong pamumuhay, kung saan ito’y nagiging karaniwan na dahil sa pag-unlad ng teknolohiya. Ang ganitong klaseng gawain ay maaaring magdulot nang pangmatagalan at negatibong epekto sa ating buong kalusugan, na nagpapataas ng komplikasyon sa ating cardiovascular bukod sa iba pang isyu.2

Sa artikulong ito, aming ipapaliwanag sa ‘yo kung paano maaagapan ang namimigat at masakit na mga binti habang nasa trabaho, at kung ano ang maaaring magpalala ng problemang ito.

masakit na binti sa trabaho

Namamaga at masakit na mga binti pagkatapos ng trabaho: Ano ang ibig sabihin nito?

Kung ikaw ay nakatayo buong araw o ang trabaho mo’y nangangailangan na maglaan ng maraming oras na nakaupo sa tapat ng mesa, ang pakiramdam ng pamamaga at masakit na mga binti pagkatapos ng trabaho ay maaaring maging pangkaraniwang sitwasyon. Gayunpaman, kung madalas kang nakakaramdam ng kawalan ng ginhawa, mahalagang bigyan mo nang pansin ang mga maagang sintomas na maaring ikaw ay nahihirapan dulot ng venous disease, ito’y isang lumalalang sakit na kung hindi mo iiwasan o gagamutin, ay agad na magiging seryosong problema at maaapektuhan ang buhay ng taong mayroon nito. Kung madalas kang nahihirapan mula sa namamaga at masakit na mga binti, o kung napansin mo ang pagkakaroon mo ng varicose veins, maaaring ikaw ay nakakaranas ng unang yugto ng chronic venous insufficiency.

Ang kakulangan ng pagkilos sa loob ng mahabang panahon sa pagitan ng mga araw-araw na gawain ay isa sa mga pangunahing dahilan nang pagtaas ng presyon sa loob ng mga ugat. Kasama dito ang iba pang isyu, tulad ng sobrang timbang, leg surgery, o sudden trauma, at ang pagbuo ng blood clots.3

Kaya naman inirerekomenda na palaging bantayan ang iyong mga binti pati na rin ang buong kalusugan ng iyong mga ugat, lalo na kung ang iyong trabaho ay nangangailangan ng matagal na nasa parehong posisyon.

Paano humahantong sa chronic venous insufficiency ang pagtayo o pag-upo ng buong araw sa trabaho?

Kapag tayo ay naglalaan ng maraming oras sa parehong posisyon (nakatayo o nakaupo), ang paggalaw ng dugo mula sa mas mababang bahagi ng katawan (o mga binti) patungo sa puso ay maaaring bumagal, na magdudulot ng higit pang presyon sa ating mga ugat o pagipon ng dugo.

Sa isang kamakailang pag-aaral sa Brazil, napansin na mayroong "isang nabubuong epekto" para sa mga taong buong araw na nakaupo, dahil sa constant gravitational pressure, na humahantong sa pamamaga at mas malalaking binti pagkatapos ng kanilang trabaho.4 Isa pang pag-aaral ang direktang nagtala nang pagkakaiba sa pagitan ng mga taong nagtatrabaho nang nakaupo at nakatayo, at natuklasan na may mas mataas na antas ng chronic venous disease (CVD) sa mga taong buong araw na nakatayo sa parehong posisyon.5

Ang paggalaw ay pinakamahalaga pagdating sa pagpapanatili ng malusog na mga ugat, pag-iwas sa paglala ng mga venous diseases, at paglitaw ng varicose veins. Ang mga taong mayroong sedentary lifestyle ay dapat na ituring ito bilang seryosong salarin pagdating sa pagkakaroon ng chronic venous insufficiency.6

chronic venous disease at trbaho

Paano nakakaapekto ang chronic venous insufficiency sa buong araw na trabaho?

Bagamat maaring magkaiba ang kaso ng bawat indibidwal, at may pagkakaiba sa mga sintomas depende sa kalusugan ng mga ugat, narito ang mga karaniwang sintomas na maaaring maging babala na ikaw ay dumaranas ng venous insufficiency dahil sa iyong trabaho:

  • Pakiramdam na namamaga ang iyong mga binti
  • Paglabas ng dilated capillaries sa mga binti
  • Paghihirap dahil sa varicose veins sa ibabang bahagi ng binti
  • Kapansin-pansin na pagbabago ng kulay ng balat
  • Paghihirap mula sa varicose ulcer sa ibabang bahagi ng binti
  • Paulit-ulit na pakiramdam nang pamimigat na mga binti
  • Patuloy na pangangati ng balat

Sa kabutihang-palad, mayroong ilang mga payo, kasama ang mga epektibong gamot at lifestyle changes na makakatulong upang iyong labanan ang mga sintomas ng venous disease.

paano gamutin ang masakit na binti sa trabaho

Paano mapabuti ang kalusugan ng iyong mga binti at ugat sa trabaho

Kung ikaw ay nahihirapan mula sa namamagang mga binti pagkatapos ng iyong trabaho, may mga ilang payo na maaari mong sundin upang mapabuti ang sirkulasyon ng iyong mga binti.

  1. Baguhin palagi ang posisyon mula sa pag-upo, pagtayo, at paglakad. Kung kinakailangan mong umupo o tumayo ng matagal sa iyong trabaho, mahalagang baguhin palagi ang iyong posisyon upang magbigay-daan sa mas madaling sirkulasyon ng iyong dugo. Pagdating sa pagpapabuti sa kalusugan ng mga ugat, mas mainam kung ikaw ay kumikilos upang mas maganda ang daloy ng iyong dugo.7
  2. Regular na mag-ehersisyo. Ang pisikal na ehersisyo ay maaaring magkaroon ng positibong epekto, lalo na ang mga nagpapalakas nang galaw, pag-ikot, at flexibility ng ankle joint,8 na maaring direktang humantong sa pagpapalakas ng calf muscle pump na makakatulong upang bawasan ang paglala ng sintomas ng chronic venous insufficiency.9
  3. Magsuot ng compression stockings. Ito ay itinuturing na mahalagang elemento sa paggamot at pag-iwas ng chronic venous disease.10 Sapagkat ito ay nagbibigay ng dagdag na tulong sa pagpapabuti ng daloy ng dugo mula sa bukong-bukong pataas at maaring tumulong sa pagbawas nang pamamaga ng mga binti.11
  4. Sundin ang healthy diet. Ang ating kinakain at iniinom upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo ay mayroon ding mahalagang papel sa pagsugpo nang masakit at mabibigat na mga binti.
  5. Regular na magpahinga. Subukan mong iwasan ang manatili sa parehong posisyon nang masyadong matagal hangga’t kaya.

Inirerekomenda din na kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa mga posibleng benepisyo ng mga venoactive na gamot para sa mabilis na paggamot ng chronic venous disease.

Alamin ang mga karaniwang itinatanong tungkol sa chronic venous disease at ang mga sagot dito. Ang venous diseases ay mga progresibong sakit na kailangang tignan nang mabuti upang maiwasan ang paglala ng ating kalusugan. Sa pagdami ng mga taong palagiang nakaupo o nakahiga, napakahalagang seryosohin ang kalusugan ng iyong ugat at gawin ang lahat upang maiwasan ito.

REFERENCES

  1. Elżbieta Łastowiecka-Moras (2021) Standing and sitting postures at work and symptoms of venous insufficiency – results from questionnaires and a Doppler ultrasound study, International Journal of Occupational Safety and Ergonomics, 27:4, 963-969.
  2. Dunstan DW, Howard B, Healy GN, Owen N. Too much sitting--a health hazard. Diabetes Res Clin Pract. 2012 Sep;97(3):368-76. doi: 10.1016/j.diabres.2012.05.020. Epub 2012 Jun 9. PMID: 22682948.
  3. Lampe, Katherine E. MPT, CWS. Lower Extremity Chronic Venous Disease. Cardiopulmonary Physical Therapy Journal: September 2004 - Volume 15 - Issue 3 - p 13-22
  4. Quilici Belczak, Cleusa Ema; Pereira Godoy, José Maria; Seidel, Amélia Cristina; Neves Ramos, Rubiana; Quilici Belczak, Sergio; Caffaro, Roberto Augusto. Influence of prevalent occupational position during working day on occupational lower limb edema. Jornal Vascular Brasileiro, vol. 14, núm. 2, abril-junio, 2015, pp. 153-160. Sociedade Brasileira de Angiologia e de Cirurgia Vascular,São Paulo, Brasil
  5. Sudoł-Szopińska I, Bogdan A, Szopiński T, Panorska AK, Kołodziejczak M. Prevalence of chronic venous disorders among employees working in prolonged sitting and standing postures. Int J Occup Saf Ergon. 2011;17(2):165-73.
  6. Eifell RK, Ashour HY, Heslop PS, Walker DJ, Lees TA. Association of 24-hour activity levels with the clinical severity of chronic venous disease. J Vasc Surg. 2006 Sep;44(3):580-587.
  7. Dunstan, D.W., Dogra, S., Carter, S.E. et al. Sit less and move more for cardiovascular health: emerging insights and opportunities. Nat Rev Cardiol 18, 637–648 (2021).
  8. Araujo DN, Ribeiro CT, Maciel AC, Bruno SS, Fregonezi GA, Dias FA. Physical exercise for the treatment of non-ulcerated chronic venous insufficiency. Cochrane Database Syst Rev. 2016 Dec 3;12(12):CD010637.
  9. Volpe, E.F.T., Resqueti, V.R., da Silva, A.A.M. et al. Supervised exercise protocol for lower limbs in subjects with chronic venous disease: an evaluator-blinded, randomized clinical trial. Trials 21, 414 (2020).
  10. Raju S, Hollis K, Neglen P. Use of compression stockings in chronic venous disease: patient compliance and efficacy. Ann Vasc Surg. 2007 Nov;21(6):790-5.
  11. How to Choose and Use Compression Stockings. (2015, June 30). WebMD. Retrieved September 19, 2022, from https://www.webmd.com/dvt/choose-compression-stockings

2025