Pagiwas sa Chronic Venous Disease

Sanhi at Sintomas ng Chronic Venous Disease

4/17/2024

7 Paraan Para Maiwasan ang Varicose Veins

Ano-ano ang mga paraan upang maiwasan ang varicose veins?

  1. Regular na pag-eehersisyo
  2. Pagpapanatili ng magandang kalusugan
  3. Pag-iwas sa pag-upo at pagtayo nang matagal
  4. Pagtaas ng mga binti
  5. Pananatiling hydrated
  6. Pagkain ng mga high-fiber food
  7. Pag-iwas sa pagsusuot ng masisikip na damit

 

Overview

  • Ang artikulong ito ay tungkol sa mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng varicose veins. Ang mga ito’y nakakatulong para maging maayos ang iyong kalusugan at ang daloy ng iyong dugo.
  • Kabilang sa mga rekomendasyon ay ang regular na pag-eehersisyo, pagkakaroon ng tamang timbang, pag-iwas sa pag-upo at pagtayo nang matagal, pagtaas ng mga binti, pag-inom ng tubig, pagkain ng mga high-fiber foods, at hindi pagsusuot ng mga masisikip na damit.

 

varicose veins

Introduction

Ang varicose veins ay ang mga ugat na lumalaki, namimilipit, na nakikita sa ating mga balat, at madalas ay lumilitaw sa mga binti 1. Ito ay dahil ang mga valves sa loob ng mga ugat, na nagpapanatili ang daloy ng ating dugo, ay hindi gumagana nang maayos. Kaya naman ito ay nagbibigay nang hindi magandang pakiramdam para sa mga taong mayroon nito.

Mabuti na lang at may mga paraan upang maiwasan ang varicose veins. Ang mga paraan na ito ay binubuo ng iba’t-ibang lifestyle adjustments at habits para sa magandang pagdaloy ng dugo.

Kaya naman, ang pag-unawa at pagsunod sa mga ito ay hindi lamang nakakatulong para maiwasan ang varicose veins, kundi para maging maayos ang ating kalusugan.

 

ehersisyo

Regular na Pag-eehersisyo

Ang mga physical activities tulad ng paglalakad, pagjogging, pagbike, o paglangoy ay nakakatulong para lumakas ang mga muscles sa iyong binti, na nagbibigay ng magandang suporta para sa mga ugat, kung saan pinapadali nito ang pagbalik ng dugo sa iyong puso. Ang mga activities na ito ay nagagawa ring paganahin ang “calf muscle pump” kung saan nagko-contract ang iyong mga laman binti, at pinipiga nito ang mga ugat. Dahil dito, ang dugo’y bumabalik paakyat sa iyong puso.

Kaya naman ang pagsama ng regular na pag-eehersisyo sa iyong gawain ay isang hakbang para mapanatili ang kalusugan ng iyong mga ugat, na nakakatulong para makaiwas sa panganib na hatid ng varicose veins.

 

kalusugan

Pagpapanatili ng Magandang Kalusugan

Ang pagiging overweight ay puwedeng maging rason ng venous insufficiency, kung saan nade-develop ang varicose veins 2. Ito’y nagdudulot ng karagdagang pressure sa iyong mga ugat, lalo na sa ibabang bahagi ng iyong katawan.

Ang additional pressure na ito’y nakakapanghina sa mga valves sa loob ng mga ugat, na nagpapahirap naman sa kanilang maiwasan ang pagbalik ng dugo. Dahil dito, puwedeng maipon ang dugo sa mga ugat na nagdudulot ng paglaki, pamimilipit, at pag-umbok na mga katangian ng varicose veins.

 

pag upo ng matagal

Pag-Iwas sa Pag-Upo at Pagtayo nang Matagal

Hindi masyadong gumaglaw o kumilos ang mga muscles 3 sa iyong binti kapag ika’y nakaupo. Ang mga muscles, lalo na ‘yong nasa binti, ay mahalaga para bumalik ang dugo pataas sa puso. Ito’y kadalasang tinatawag na “calf muscle pump”. Kaya naman kung walang masyadong paggalaw, ito’y nagdudulot nang mas mabagal na daloy ng dugo.

Ang consistent pressure naman mula sa matagal na pagtayo ay puwedeng magbigay ng stress sa iyong mga ugat 4. Maaaring magdulot ito sa paglaki at paghina nila. Ito ay dahil nawawala ang kanilang kakayahang bumalik sa normal na hugis, kung saan naaapektuhan ang hitsura ng mga ugat.

 

pagtaas ng  binti

Pagtaas ng Mga Binti

Ang pagtaas ng iyong mga binti ay nakakatulong para mabawasan ang pamamaga ng iyong mga ugat 5. Ito’y puwede mong gawin habang humihiga o pagpatong ng mga binti sa unan. Maaari ka ring gumamit ng footstool para itaas ito.

Nakakatulong ito para maiwasan ang sintomas ng varicose veins tulad ng pamimigat, pamamaga, at discomfort. Puwede mo itong gawin sa loob ng 15-20 minutes kada araw 6. Ito’y para bumalik sa tamang sirkulasyon ang iyong dugo mula sa mga binti.

Kaya naman kung ang iyong binti ay madaling mamaga o may varicose veins, gawin mo ito araw-araw.

 

hydrated

Pananatiling Hydrated

Ang sapat na pag-inom ng tubig ay nakakatulong para gumana nang maayos ang iyong katawan 7. Nasisiguro nito na ang mga daluyan ng iyong dugo, kabilang ang mga ugat at arteries, ay malusog, nakabuka, at flexible. Ito’y nakakatulong para umikot nang maayos ang dugo at magdala ng oxygen at nutrients sa iba’t-ibang bahagi ng iyong katawan.

Kaya naman inirerekomenda ang pag-inom ng walong basong tubig kada araw para ikaw ay maging hydrated. Ngunit, magkakaiba ang kailangan ng bawat tao depende sa kanilang physical activities, klima, at pangkalahatang kalusugan.

 

pagkain ng high fiber food

Pagkain ng Mga High-Fiber Food

Ang pagkain na mataas sa fiber ay hindi lamang nakakatulong para gumanda ang iyong kalusugan 8, ito rin maganda para makaiwas ka sa varicose veins. Dahil binabawasan nito ang pag-iri tuwing ika’y dumudumi, na maaaring magdulot ng additional strain sa iyong mga ugat.

Kaya naman, ang mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng prutas, gulay, whole grains, at legumes ay nakakatulong para mapanatiling malusog ang daluyan ng iyong dugo. Ito rin ay nakakaiwas sa pagbuo o paglala ng varicose veins.

 

masikip na damit

Pag-iwas sa Pagsusuot ng Masisikip na Damit

Ang ating mga ugat ay responsable sa pagbabalik ng dugo sa ating puso. Ito’y mayroong mga valves na nasa iisang direksyon para hindi bumalik ang dugo. Ang mga damit na masyadong masikip sa iyong baywang, singit, at mga binti ay maaaring pumigil sa natural na daloy ng dugo 9. Dahil nagbibigay ang mga ito ng additional pressure, lalo na sa mga ugat na malapit sa ating balat.

Maari din itong makapagpahina sa vein walls, na nakakasira sa mga valves mula sa loob ng mga ugat. Dahil dito, naiipon ang dugo sa mga ugat imbes na bumalik ito sa puso.

Dahil dito, lumalaki, namimilipit, at mas nakikita ang mga ugat sa balat, na karaniwang kilala bilang varicose veins.

Mga Dapat Tandaan

Ang pagsunod sa mga paraan na ito upang maiwasan ang varicose veins sa iyong araw-araw na gawain ay mahalaga. Nababawasan nito ang panganib at pinapanatili ang kabuuang kalusugan ng iyong mga ugat. Dahil dito, puwedeng magkaroon ng maayos na daloy ng dugo, ginhawa at komportableng pakiramdam, at mas aktibo at malusog na pamumuhay.

Ang mga venoactive treatments tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay napapabuti ang kalusugan ng ating mga ugat sa binti sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga ito, na unti-unting humihina dahil sa chronic venous insufficiency. Bumili na ngayon para maranasan ang pinahusay na kalusugan ng ugat at maibsan ang mga sintomas tulad ng sakit sa binti, pamamaga, at varicose veins.

REFERENCES

  1. Varicose Veins | NHLBI, NIH

  2. Can Gaining Weight Worsen My Varicose Veins?

  3. Overview of the Venous System - Heart and Blood Vessel Disorders - MSD Manual Consumer Version

  4. Relationship between prolonged standing and symptoms of varicose veins and nocturnal leg cramps among women and men

  5. Elevating Legs: Health Benefits, How To, Precautions

  6. How To Elevate Your Legs | How Long for Leg Elevation

  7. Hydration: Why It's So Important - familydoctor.org

  8. Fiber intake, constipation, and risk of varicose veins in the general population: Edinburgh Vein Study

  9. Varicose veins - Diagnosis and treatment - Mayo Clinic

     

2025