Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Para sa mabigat, masakit na mga binti at varicose veins
Ang numero unong nirerekomenda ng doktor. Di kailangan ng reseta para sa paggamot sa mga malubhang na sintomas ng venous insufficiency. 1
Paano nga ba nakakatulong ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)?
Ang mga venoactive na paggamot, tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), ay idinisenyo upang makatulong na mapabuti ang kalusugan ng ating ugat sa binti sa pamamagitan nang pagpapalakas ng tono ng ating mga ugat, na patuloy na humihina habang lumalala ang chronic venous insufficiency. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay may dalawahang mekanismo nang pagaksyon; ito ay anti-inflammatory at venoprotective na direktang binabawasan ang sakit at pamamaga; pinoprotektahan din nito ang mga capillary o maliliit na daluyan ng dugo upang mapabuti ang sirkulasyon sa maliliit na ugat at venous tone para sa mas mabuting kalusugan ng ugat at pag-alis ng mga sintomas tulad ng pananakit ng binti, at pamamaga.
Lunasan ang pananakit ng binti mula sa loob nito
Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay napatunayan sa klinika, mabisa at maginhawang gamot na iniinom na nagmula sa mga maliliit at hindi pa gulang na mga dalandan at espesyal na ginawa para sa pinakamataas na pagpasok sa katawan. Ang pinabuting pagpasok sa katawan nito ay nangangahulugan na ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay makakarating sa mga ugat na may problema at mabisang gagamutin ang ito mula sa loob, pagpapabuti ng tono ng mga ugat, potensyal na nagpo-protekta laban sa paglala ng sakit at nagbibigay ng lunas mula sa mabigat at masakit na mga sintomas sa binti.
Ipinapakita ang epekto ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) Sa loob ng 8 linggo
Apat na linggo 4
Walong linggo 4
Pananakit ng binti
50%
63%
Pakiramdam ng bigat
50%
65%
Pakiramdam ng pamamaga
50%
63%
Pinapaginhawa ang mga sintomas
Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay ang numero unong nirerekomenda ng mga doktor. Hindi de-resetang tatak para sa paggamot sa mga sintomas ng chronic venous insufficiency. Ipinakita ng mga pagaaral sa kilinika na ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay maaaring tumulong mabawasan ang pananakit ng binti at ang mga pakiramdam ng bigat at pamamaga ng hanggang 50% pagkatapos lamang ng isang buwang paggamit. Ang mga bilang na ito ay mas mataas pa pagkatapos ng dalawang buwang paggamot. Upang makinabang mula sa iyong paggamot sa Diosmin + Hesperidin (Daflon®1000), dapat mong inumin ang iyong gamot ayon sa rekomendasyon. Siguraduhing subaybayan nang mabuti ang iyong kondisyon at makipag-usap sa iyong doktor sa pangangalagang pangkalusugan kung mayroon kang anumang mga alalahanin.
Natural ang pinanggalingan, ginawa ng siyensya
Ang aktibong sangkap sa Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang micronized purified flavonoid fraction (MPFF) 6 na naglalaman ng 90% diosmin at 10% iba pang flavonoid na ipinahayag bilang hesperidin. Ang mga flavonoid ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay kinukuha mula sa hindi pa hinog na mga dalandan na mayaman sa mga natural na kemikal ng halaman na ito. Ang mga timplada ay sumasailalim sa proseso ng paglilinis at pagpipino kung saan ang mga butil ay ginawang magbanggaan sa isa't isa sa mataas na bilis (micronization), na pinapaliit ang butil na mas mababa sa 2 μm ang laki (micronized). Ang mas maliliit na butil na ito ay nakukuha ng dalawang beses nang mas madali ng katawan at ito ay ang isang pangunahing dahilan sa bisa ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) bilang gamot para sa pagpapabuti ng kalusugan ng ugat at tono sa Chronic Venous Insufficiency at Almoranas. 6
Impormasyong pangkaligtasan:
Impormasyong Pangkaligtasan ng Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 1000mg
KOMPOSISYON: Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 1000: Micronized, purified flavonoid fraction 1000 mg: 900 mg diosmin; 100 mg flavonoids na ipinahayag bilang hesperidin.
MGA INDIKASYON: Pang lunas sa mga sintomas ng malubhang venous disease sa ibabang bahagi ng binti, tulad ng pakiramdam ng pamimigat ng binti, pananakit, at pulikat sa gabi. Pang lunas sa malubhang sumpong ng almoranas.
DOSAGE AT ADMINISTRASYON: Para sa venous disease: 1000mg araw-araw. Para sa malubhang sumpong ng almoranas: 3000mg sa isang araw sa unang apat na araw, 2000mg kada araw sa sumunod na 3 araw. Paraan ng paggamot: pag-inom.
KONTRAINDIKASYON: Hypersensitivity sa aktibong sangkap o sa alinman sa mga di aktibong sangkap nito.
MGA BABALA: Ang pangangasiwa ng produktong ito para sa sintomas ng malubhang sumpong ng almoranas ay hindi humahadlang sa paggagamot ng iba pang mga kondisyon ng puwet. Kung ang mga sintomas ay hindi humupa kaagad, ang pagpapasuri ng puwet ay dapat gawin, gayun din ang pagsusuri ng paggagamot. Excipients: sodium-free.
PAGBUBUNTIS / PAGPAPASUSO: Dapat iwasan ang paggamot.
MGA HINDI KANAIS-NAIS NA EPEKTO: Karaniwan: pagtatae, dyspepsia, pagduduwal, pagsusuka. Bihira: pagkahilo, sakit ng ulo, masamang pakiramdam, pantal, pangangati ng puwet (pruritus), tagulabay (urticaria). Hindi alam ang dalas: pananakit ng tiyan, piling pamamaga ng mukha, labi, at talukap ng mata. Madalang ang Quincke’s edema.
KATANGIAN: Vascular protector at venotonic. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 1000 ay kumikilos sa pabalik na mekanismo ng ugat: binabawasan nito ang pagluwag at pag-ipon ng likido sa ugat; sa maliliit na ugat, binabalik sa normal ang pagiging matagusin at tibay ng mga maliliit na ugat.
PRESENTATION: Pakete ng 30 film-coated na tableta
PAG-IMBAK: Ilagay sa lugar na may temperature na hindi hihigit sa 30°C.
SERVIER PHILIPPINES, INC. Unit AD, 11th Floor, 8 Rockwell, Hidalgo Drive, Rockwell Center, Makati City, 1210.
Maaring hilingin ang karagdagang impormasyon.
Impormasyong Pangkaligtasan ng Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 500mg
KOMPOSISYON: Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 500: Micronized, purified flavonoid fraction 500 mg: 450 mg diosmin; 50 mg flavonoids na ipinahayag bilang hesperidin.
MGA INDIKASYON: Pang lunas sa mga sintomas ng malubhang venous disease sa ibabang bahagi ng binti, tulad ng pakiramdam ng pamimigat ng binti, pananakit, at pulikat sa gabi. Pang lunas sa malubhang sumpong ng almoranas.
DOSAGE AT ADMINISTRASYON: Para sa venous disease: 1000mg araw-araw. Para sa malubhang sumpong ng almoranas: 3000mg sa isang araw sa unang apat na araw, 2000mg kada araw sa sumunod na 3 araw. Paraan ng paggamot: pag-inom.
KONTRAINDIKASYON: Hypersensitivity sa aktibong sangkap o sa alinman sa mga di aktibong sangkap nito.
MGA BABALA: Ang pangangasiwa ng produktong ito para sa sintomas ng malubhang sumpong ng almoranas ay hindi humahadlang sa paggagamot ng iba pang mga kondisyon ng puwet. Kung ang mga sintomas ay hindi humupa kaagad, ang pagpapasuri ng puwet ay dapat gawin, gayun din ang pagsusuri ng paggagamot. Excipients: sodium-free.
PAGBUBUNTIS / PAGPAPASUSO: Dapat iwasan ang paggamot.
MGA HINDI KANAIS-NAIS NA EPEKTO: Karaniwan: pagtatae, dyspepsia, pagduduwal, pagsusuka. Bihira: pagkahilo, sakit ng ulo, masamang pakiramdam, pantal, pangangati ng puwet (pruritus), tagulabay (urticaria). Hindi alam ang dalas: pananakit ng tiyan, piling pamamaga ng mukha, labi, at talukap ng mata. Madalang ang Quincke’s edema.
KATANGIAN: Vascular protector at venotonic. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 500 ay kumikilos sa pabalik na mekanismo ng ugat: binabawasan nito ang pagluwag at pag-ipon ng likido sa ugat; sa maliliit na ugat, binabalik sa normal ang pagiging matagusin at tibay ng mga maliliit na ugat.
PRESENTATION: Pakete ng 30 film-coated na tableta
PAG-IMBAK: Ilagay sa lugar na may temperature na hindi hihigit sa 30°C.
SERVIER PHILIPPINES, INC. Unit AD, 11th Floor, 8 Rockwell, Hidalgo Drive, Rockwell Center, Makati City, 1210.
Maaring hilingin ang karagdagang impormasyon.
Mga Reperensiya
- IQVIA Daflon sales data MAT Q2 2021
- Adapted from Nicolaides A, Kakkos S, Baekgaard N, et al. Management of chronic venous disorders of the lower limbs. Guidelines according to scientific evidence. Part I. Int Angiol. 2018;37(3):181-254.1
- Garner RC, Garner JV, Gregory S, Whattam M, Calam A, Leong D. Comparison of the absorption of micronized (Daflon 500 mg) and nonmicronized 14C-diosmin tablets after oral administration to healthy volunteers by accelerator mass spectrometry and liquid scintillation counting. J Pharm Sci. 2002;91:32-40.
- Gilly R, Pillion G, Frileux C. Evaluation of a new venoactive micronized flavonoid fraction (S 5682) in symptomatic disturbances of the venolymphatic circulation of the lower limb: a double-blind, placebo-controlled study. Phlebology. 1994;9:67-70.
- Pascarella L, Lulic D, Penn AH, et al. Mechanisms in experimental venous valve failure and their modification by Daflon 500 mg. Eur J Vasc Endovasc Surg. 2008;35(1):102-110.
- Summary of Product Characteristics Daflon
2025