Paginhawain at bawasan ang pamimigat at sakit ng mga binti gamit ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)​

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang gamot na iniinom lunas para sa mabigat at masakit na mga binti, barikos at iba pang sintomas ng ugat sa binti. 1​

Alamin ang ibig sabihin ng iyong mga sintomas​

Mabigat, Masakit na binti?

wave icon

Ang mga binti na mabigat, masakit, at namamaga ay maaaring resulta ng pagipon ng likido sa mga binti dahil sa hindi maayos na sirkulasyon ng dugo. Ang pagtaas ng likidong ito ay humahantong sa mga sintomas ng Chronic Venous Insufficiency, isang kondisyon na nakakaapekto sa kalusugan ng ugat ng binti na lumalala sa paglipas ng panahon. 2​

Malusog na mga ugat

Ang malusog na mga ugat ay may maliliit na balbula (valves) na pumipigil sa pagdaloy ng dugo pabalik sa paa.​

Hindi malusog na mga ugat

Kapag ang pader ng mga ugat ay nasira, at ang mga balbula (valves) nito ay hindi rin gumagana, ang dugo ay maaaring dumaloy pabalik sa mga ugat, na magreresulta sa pagipon sa binti at humahantong sa mga lumaking ugat at hindi komportable na mga sintomas na maaaring lumala sa paglipas ng panahon.​

Mga Sintomas ng Mahina na Daloy ng Dugo

wave icon

May mga palatandaan at sintomas na maaaring magturo sa mahinang daloy ng dugo sa mga binti. Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sumusunod na sintomas sa iyong mga binti o bukung-bukong dapat ka nang humanap ng lunas dahil maaari itong lumala sa paglipas ng panahon.​

feet of a heavy painful swollen leg

Mabigat, Masakit o Namamaga na Mga Binti

Pagod na mga binti

Pamumulikat o pananakit ng binti

Spider or Varicose veins

Pamilyar ba ang mga ito?​

Kung madalas kang nakakaranas ng kahit isa sa mga sintomas na ito, sagutin ang konting katanungan upang magabayan ka sa susunod mong mga hakbang.​ ​ Simulan ang pagsusuri ng iyong sintomas.

Simulan ang pagsusuri ng iyong sintomas.

Gamutin nang Maaga ang Iyong mga Sintomas​

wave icon

Ang mabigat, namamaga at masakit na binti ay maaaring mga maagang palatandaan ng chronic venous insufficiency. Kapag hindi ito nagamot, ang mga sintomas na ito ay maaaring mas lumala, na humahantong sa spider veins, barikos, at mga ulser sa binti. Ang iba't ibang antas ng sakit ay inilalarawan ng grado C0-6 depende sa kalubhaan ng mga sintomas tulad ng ipinapakita dito:​

Stage 0

Mabigat, Masakit na Binti

image

Iba pang impormasyon

Stage 0

Mabigat, Masakit na Binti

Sa unang antas, walang nakikitang mga palatandaan ng venous disease. Gayunpaman, ang pinsala ay maaaring nagsisimula nang maipon sa loob ng ugat. Ito ay humahantong sa venous reflux – o pagbalik ng dugo pababa - at ang dahilan kung bakit dapat mong simulan ang paggamot, kahit na ang iyong mga sintomas lamang ay mabigat at masakit na mga binti.​

image

Isara

Stage 1

Spider/Reticular Veins

image

Iba pang impormasyon

Stage 1

Spider/Reticular Veins

Ang pagwawalang-bahala sa mga paunang sintomas ay maaaring maging sanhi ng paglala ng kondisyon, na humahantong sa mga sirang daluyan ng dugo o "spider veins" at nakikitang mga ugat. Ang mga ito ay hindi karaniwang masakit, ngunit isang mahalagang tagapagpahiwatig ng mga problema sa ugat ng binti. Mahalagang huwag pabayaan ang maagang senyales na ito dahil maaaring mabilis na umunlad ang kondisyon.

image

Isara

varices visibles en la pierna

Stage 2

Nakikita na mga varicose veins

image

Iba pang impormasyon

Stage 2

Nakikita na mga varicose veins

Kapag hindi naagapan, ang Stage 1 ay humahantong sa Stage 2 kung saan ang mga ugat ay nagiging di-pangkaraniwang lapad, nakaunat, at nakakurba. Ang mga halata, nakaumbok na mga ugat sa mga binti at bukung-bukong ay isang malinaw na tanda ng chronic venous insufficiency.​

image

Isara

Stage 3

Pamamaga ng bukung-bukong at binti

image

Iba pang impormasyon

Stage 3

Pamamaga ng bukung-bukong at binti

Ang pamamaga (edema) ay maaaring lumitaw sa ikatlong antas sanhi ng pagtaas ng presyon at pagtagas bilang resulta ng karagdagang pagkasira ng mga pader ng ugat at balbula (venous walls at valves).​

image

Isara

Stage 4

Mga pagbabago sa balat

image

Iba pang impormasyon

Stage 4

Mga pagbabago sa balat

Ang patuloy na mahinang sirkulasyon ay maaaring humantong sa ika-apat na antas, na makikitang may pagitim ng balat sa paligid ng iyong mga bukung-bukong (hyperpigmentation), pamumula, pagkatuyo, pangangati (venous eczema), pagtigas ng malambot na mga laman at ang pagbuo ng mga mapuputing patse.​

image

Isara

Stage 5

Mga ulser na gumaling

image

Iba pang impormasyon

Stage 5

Mga ulser na gumaling

Ang ikalimang antas ay ang pagkakaroon ng bukas ngunit gumaling na mga bahagi ng balat na tinatawag na mga ulser. Ang mga ito ay maaaring masakit at makakaapekto sa kalidad ng buhay, na nagpapahirap sa iyong paggalaw.​

image

Isara

Stage 6

Mga aktibong ulser

image

Iba pang impormasyon

Stage 6

Mga aktibong ulser

Kung umabot ka sa antas na ito, magkakaroon ka ng mga bukas na sugat na tinatawag na ulser sa iyong mga binti. Sa loob ng antas na ito, mayroong higit na pagkasira sa sirkulasyon at pagtaas ng pagtagas ng likido sa mga maliliit na ugat.​

image

Isara

Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga palatandaan at sintomas na ito, dapat kang komunsulta sa doktor tungkol sa mga opsyon sa paggamot.​

Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga sintomas at paglala nito, maaari mong bawasan ang posibilidad na lumala ang iyong kondisyon at bawasan ang epekto sa iyong pang araw-araw na buhay.

MGA KADAHILANANG PANGANIB NA MAARI MONG MAKONTROL​

Ang pagtayo ng matagal

Ang pagiging sobra sa timbang

MGA KADAHILANANG PANGANIB NA DI MO MAKOKONTROL​

Edad

Kasarian

Genetika

Mga Sanhi na Nakakaapekto sa Sirkulasyon ng Dugo​

wave icon

Mayroong ilang mga pangunahing dahilan para sa Chronic Venous Insufficiency. Ang ilan sa mga ito ay maaaring hindi mo makontrol, ngunit ang iba ay maaaring mong magawan ng mga hakbang para mabago ito. 1​

wave icon

Ang mga babae ay karaniwang mas may posibilidad na magkaroon nito. Ang pagkakaroon ng katulad na kondisyon sa pamilya, gayundin ang simpleng pagtanda ay maaaring magpataas ng iyong mga pagkakataong magkaroon ng mga sintomas.​ ​ May mga bagay sa iyong pamumuhay na maaring gawin upang makaiwas sa kondisyon na ito, tulad ng pagiging sobra sa timbang at hindi aktibo, ito ay maaaring magdagdag sa posibilidad na magkaroon ka ng mga problema sa iyong mga ugat. Ang mga nakatayo o nakaupo bilang bahagi ng kanilang mga trabaho, tulad ng mga nars, guro at mga nasa industriya ng serbisyo, ay partikular na nasa panganib.

Payo para sa Malusog na Binti

wave icon

Sa pamamagitan ng pagsama ng mga simpleng gawain sa araw-araw at pagpapanatili ng isang malusog na pamumuhay, makakatulong kang protektahan ang iyong mga binti mula sa di komportableng pakiramdam na dulot ng pagtaas ng likido sa iyong mga binti at ang pinsala na maaaring idulot nito sa mga ugat sa paglipas ng panahon:​

Manatiling aktibo

Ang regular na ehersisyo ay nakakatulong na mapabuti ang sirkulasyon at gawing matatag ang mga kalamnan sa iyong mga binti.

Iwasan ang mataas na takong​

Pumili ng katamtamang taas ng takong imbes na mababa o mataas na sapatos para hikayatin ang paggalaw sa babaing bahagi ng binti.​

Panatilihin ang malusog na timbang

Bantayan ang iyong timbang dahil ang labis na katabaan ay maaaring mag-ambag sa mga bara o humina na mga valves sa binti.

Manatiling presko

Ang mga ugat ay bumubuka sa init na maaaring maging sanhi ng pag-ipon ng dugo at mag-ambag sa mabigat at pagod na pakiramdam sa iyong mga binti.​

Magsuot ng maluwag na mga damit

Iwasan ang masikip na damit na maaaring humadlang sa daloy ng dugo sa mga binti at magpapalala ng panganib ng chronic venous insufficiency.

Itaas ang iyong mga binti​

Itaas ang iyong mga binti at iwasang mag de-kuwatro upang matulungan ang pagdaloy ng dugo patungo sa puso kapag nagpapahinga.​

Gumalaw ng madalas​

Iwasan ang pag-upo o pagtayo ng masyadong matagal upang maiwasan ang pag-ipon ng dugo sa iyong mga ugat sa binti at makatulong sa pagdaloy ng dugo sa puso.​

Bilang karagdagan sa mga lifestyle modifications, maaaring gumamit ng mga topical cream at gel para pagaanin ang sintomas, at maaaring gamutin ng mga medical procedures ang mga malala na kondisyon.

Mga Madalas na Katanungan​

wave icon

Ang paggamot sa chronic venous insufficiency ay mahalaga sa pagpapanatili ng malusog na mga binti. Kung sa tingin mo ay dumaranas ka ng progresibong kondisyong ito, makipag-usap sa isang doktor tungkol sa mga pinakamahusay na lunas para sa iyo.​

Saan ito ginagamit?

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang iniinom na gamot na nakakatulong upang mapawi ang mga palatandaan at sintomas ng mababa o katamtamang chronic venous insufficiency, tulad ng varicose at spider veins, pananakit ng binti, pulikat ng binti at pakiramdam ng mabibigat na binti. Nakakatulong din itong mabawasan ang manas sa ibabang bahagi ng binti na nauugnay sa kondisyon.​

Kailangan ko bang reseta para makabili nito?

Hindi. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang gamot na nabibili mo kahit na walang reseta (over-the-counter). ​

Paano gumagana ito?

Gumagana ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) sa pamamagitan ng pagpapabuti ng lusog ng mga ugat upang mapabuti ang sirkulasyon nito. Nakakatulong ito upang mabawasan ang mga sintomas ng binti na may kaugnayan sa chronic venous disease tulad ng pagkabigat, pananakit, pamamaga.​

Ano ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ​

Ang aktibong sangkap ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay ang micronized purified flavonoid fraction (MPFF). Binubuo ito ng citrus bioflavonoids, na naglalaman ng 90% diosmin at 10% iba pang flavonoid na ipinahayag bilang hesperidin.​

Ano ang ibig sabihin ng micronized?

Ang ibig sabihin ng micronized ay hinati ang isang bagay sa napakaliit na butil para sa mas epektibong pagpasok ng gamot sa katawan.​

Paano ang tamang pag-inom nito para sa CVD?

Uminom lang ng 1 tableta ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) isang beses sa isang araw, kasabay ng pagkain, o ayon sa payo ng iyong doktor.​

Gaano katagal ko dapat inumin ito?

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang tuluy-tuloy na panggamot para sa patuloy na progresibong kondisyon. Inirerekomenda na patuloy kang uminom ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) maliban kung itinuro ng iyong doktor o parmasyutiko.

Umiinom ako ng maraming gamot, maari ba itong inumin kasama ng iba ko pang mga gamot?

Dapat kang makipag-usap sa iyong doktor at talakayin kung ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay ligtas na pagsamahin sa iyong iba pang mga gamot.

Paano ito kinakaya ng katawan?

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay kaya ng katawan, at ang mga ibang epekto na naobserbahan ay banayad lamang. Kabilang sa mga posibleng epekto ay ang hypersensitivity/allergy, pagkabalisa sa tyan, pagkahilo, pananakit ng ulo, masamang pakiramdam, at mga reaksyon sa balat.​

Impormasyong Pangkaligtasan:

Impormasyong Pangkaligtasan ng Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 1000mg

KOMPOSISYON: Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 1000: Micronized, purified flavonoid fraction 1000 mg: 900 mg diosmin; 100 mg flavonoids na ipinahayag bilang hesperidin.​

MGA INDIKASYON: Pang lunas sa mga sintomas ng malubhang venous disease sa ibabang bahagi ng binti, tulad ng pakiramdam ng pamimigat ng binti, pananakit, at pulikat sa gabi. Pang lunas sa malubhang sumpong ng almoranas.​

DOSAGE AT ADMINISTRASYON: Para sa venous disease: 1000mg araw-araw. Para sa malubhang sumpong ng almoranas: 3000mg sa isang araw sa unang apat na araw, 2000mg kada araw sa sumunod na 3 araw. Paraan ng paggamot: pag-inom.​

KONTRAINDIKASYON: Hypersensitivity sa aktibong sangkap o sa alinman sa mga di aktibong sangkap nito.​

MGA BABALA: Ang pangangasiwa ng produktong ito para sa sintomas ng malubhang  sumpong ng almoranas ay hindi humahadlang sa paggagamot ng iba pang mga kondisyon ng puwet. Kung ang mga sintomas ay hindi humupa kaagad, ang pagpapasuri ng puwet ay dapat gawin,  gayun din ang pagsusuri ng paggagamot. Excipients: sodium-free.​

PAGBUBUNTIS / PAGPAPASUSO:  Dapat iwasan ang paggamot.​

MGA HINDI KANAIS-NAIS NA EPEKTO: Karaniwan: pagtatae, dyspepsia, pagduduwal, pagsusuka. Bihira: pagkahilo, sakit ng ulo, masamang pakiramdam, pantal, pangangati ng puwet (pruritus), tagulabay (urticaria). Hindi alam ang dalas: pananakit ng tiyan, piling pamamaga ng mukha, labi, at talukap ng mata. Madalang ang Quincke’s edema.​

KATANGIAN: Vascular protector at venotonic. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 1000 ay kumikilos sa pabalik na mekanismo ng ugat: binabawasan nito ang pagluwag at pag-ipon ng likido sa ugat; sa maliliit na ugat, binabalik sa normal ang pagiging matagusin at tibay ng mga maliliit na ugat.​

PRESENTATION: Pakete ng 30 film-coated na tableta ​

PAG-IMBAK: Ilagay sa lugar na may temperature na hindi hihigit sa 30°C.​

SERVIER PHILIPPINES, INC. Unit AD, 11th Floor, 8 Rockwell, Hidalgo Drive, Rockwell Center, Makati City, 1210.​

Maaring hilingin ang karagdagang impormasyon.

Impormasyong Pangkaligtasan ng Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 500mg

KOMPOSISYON: Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 500: Micronized, purified flavonoid fraction 500 mg: 450 mg diosmin; 50 mg flavonoids na ipinahayag bilang hesperidin.​

MGA INDIKASYON: Pang lunas sa mga sintomas ng malubhang venous disease sa ibabang bahagi ng binti, tulad ng pakiramdam ng pamimigat ng binti, pananakit, at pulikat sa gabi. Pang lunas sa malubhang sumpong ng almoranas.​

DOSAGE AT ADMINISTRASYON: Para sa venous disease: 1000mg araw-araw. Para sa malubhang sumpong ng almoranas: 3000mg sa isang araw sa unang apat na araw, 2000mg kada araw sa sumunod na 3 araw. Paraan ng paggamot: pag-inom.​

KONTRAINDIKASYON: Hypersensitivity sa aktibong sangkap o sa alinman sa mga di aktibong sangkap nito.​

MGA BABALA: Ang pangangasiwa ng produktong ito para sa sintomas ng malubhang  sumpong ng almoranas ay hindi humahadlang sa paggagamot ng iba pang mga kondisyon ng puwet. Kung ang mga sintomas ay hindi humupa kaagad, ang pagpapasuri ng puwet ay dapat gawin,  gayun din ang pagsusuri ng paggagamot. Excipients: sodium-free.​

PAGBUBUNTIS / PAGPAPASUSO:  Dapat iwasan ang paggamot.​

MGA HINDI KANAIS-NAIS NA EPEKTO: Karaniwan: pagtatae, dyspepsia, pagduduwal, pagsusuka. Bihira: pagkahilo, sakit ng ulo, masamang pakiramdam, pantal, pangangati ng puwet (pruritus), tagulabay (urticaria). Hindi alam ang dalas: pananakit ng tiyan, piling pamamaga ng mukha, labi, at talukap ng mata. Madalang ang Quincke’s edema.​

KATANGIAN: Vascular protector at venotonic. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 500 ay kumikilos sa pabalik na mekanismo ng ugat: binabawasan nito ang pagluwag at pag-ipon ng likido sa ugat; sa maliliit na ugat, binabalik sa normal ang pagiging matagusin at tibay ng mga maliliit na ugat.​

PRESENTATION: Pakete ng 30 film-coated na tableta ​

PAG-IMBAK: Ilagay sa lugar na may temperature na hindi hihigit sa 30°C.​

SERVIER PHILIPPINES, INC. Unit AD, 11th Floor, 8 Rockwell, Hidalgo Drive, Rockwell Center, Makati City, 1210.​

Maaring hilingin ang karagdagang impormasyon.​

Mga Reperensiya​

  1. Adapted from Nicolaides A, Kakkos S, Baekgaard N, et al. Management of chronic venous disorders of the lower limbs.
  2. Guidelines according to scientific evidence. Part I. Int Angiol. 2018;37(3):181-254.1 Bergan JJ et al. N Engl J Med. 2006;355:488-498​1.

2025