Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Gamot sa Almoranas
6/22/2023
Mga Tips Para sa Paggamot ng Almoranas sa mga Lalaki
Ayon sa pahayag ng mga eksperto, sinasabi na mas madaling tamaan ng almoranas ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Sa pag-aaral na ito, ang mga lalaking madalas na nakakaranas nito ay mga bata, at ang mga mas aktibo sa mga pisikal na gawain. Idagdag na rin dito na mas nakakaranas nito ang mga lalaki kaysa sa mga babae dahil ayaw nilang magpatingin sa doktor at hinahanap ang mga sagot sa mga nakakairitang sintomas ng almoranas sa internet.
Dagdag pa ng mga eksperto, ang ganitong gawain ay dulot nang pagtanggi sa mga sintomas na maaaring magbigay sa kanila ng panganib. Kung mayroong nararamdaman na sakit o pamamaga sa puwit ang isang lalaki, ang unang dapat gawin nito ay maghanap ng payo mula sa isang doktor. Batay sa klinikal na larawan ng pasyente, magbibigay ng tamang panggagamot ang espesyalista para sa epektibong paggamot ng almoranas.
Ang paggamot sa sakit na ito ay nakasalalay sa mga yugto ng sintomas na iyong nararanasan:
- Ang unang yugto ng sakit ay ang pangangati at sakit sa puwitan. Sa yugtong ito, maaaring magkaroon din ng bahagyang pagdurugo ang pasyente.
- Lalong nagiging malala ang mga sintomas sa sumusunod na yugto, kung saan lumalabas ang almoranas mula sa puwitan. Madalas, napapansin ng mga pasyente ang pagkakaroon ng almoranas kapag sila ay dumadalaw sa banyo subalit awtomatiko silang napapaayos nang upo kapag nakakaramdam sila ng kirot o sakit sa bandang puwitan.
- Ang ikatlong yugto ay kumikilala sa paglitaw ng mga almoranas kapag nagbubuhat ng mabibigat na bagay, sa panahon ng pagdumi, pati na rin kapag umuubo, at nangangailangan ng manu-manong pag-aayos ng kanilang pagkakaupo.
- Ang ikaapat na yugto ang pinakamasakit. Sa yugtong ito, halos hindi humuhupa ang sakit sa puwit ng pasyente. Ang pasyente ay nagdurusa at nakakaramdam ng matinding pangangailangan na umupo o pumunta sa banyo. Madalas, nagrereklamo ang pasyente sa yugtong ito dahil pakiramdam nila’y may nararamdaman silang kakaiba sa bahagi ng kanilang puwitan.
Maaari mong makita ang iba't ibang yugto dito.
Sa mga unang yugto ng almoranas, ipinapayo ng ng mga doktor ang konserbatibong paggamot sa mga pasyente. Kung ang sakit ay nasa malubhang yugto na, gumagamit din ang mga espesyalista ng mga invasive na pamamaraan tulad nang pagtanggal ng almoranas.
Ang mga gamot para sa almoranas ay maaaring mga drugs for external use (karaniwang tinatawag na lokal na gamot) o mga gamot na iniinom:
Karaniwang inirerekomenda ang mga pamahid at suppositories of external use upang maibsan ang mga sintomas ng sakit.
- Ang mga oral na gamot ay kasama rin sa mga systematic drugs, tulad ng mga patak at tableta para sa paggamot ng almoranas.
- Ang lokal na paggamot ay ginagawa rin upang mabawasan ang sakit at pamamaga. Gayunpaman, ang epekto ng mga lokal na gamot ay madalas na pansamantala lamang. Kapag ito ay naubos na, kailangan muling gumamit ng gamot ng mga pasyente upang maibsan ang mga sintomas.
Ang mga systematic drugs para sa paggamot ng almoranas ay iniinom upang makapasok ang gamot sa loob ng katawan ng pasyente’t magamot ang almoranas, halimbawa na rito ang mga gamot na phlebotonic. Ito ay binubuo ng 5 flavonoids na may synergistic action.
Nakakatulong ito upang mapalakas ang venous tone at mabawasan ang venous stasis, at pagsisikip ng mga capillaries. Dahil sa mga katangiang ito, ang mga gamot para sa paggamot ng mga sintomas ng almoranas ay nakakatulong upang maalis ang pagsakit nito. Bilang resulta, makakabalik agad ang pasyente sa kaniyang pang-araw-araw na buhay. 1,2
Bukod dito, nababawasan nito ang panganib nang pagsulong ng sakit at pagbabalik nito.3
REFERENCES
-
Misra M. Randomized clinical trial of micronized flavonoids in the early control of bleeding from acute internal haemorrhoids, Surgery (SURG) 2000; 87 (7): 868-872
-
Hong, Y.S., Jung, K.U., Rampal, S. et al. Risk factors for hemorrhoidal disease among healthy young and middle-aged Korean adults. Sci Rep, Nature, 2022; 12:129
-
Aspinwall LG, Brunhart SM. Distinguishing Optimism from Denial: Optimistic Beliefs Predict Attention to Health Threats. Personality and Social Psychology Bulletin. 1996;22(10):993-1003.
2025