Almoranas
Gamot sa Almoranas
8/15/2024
Ano ang Hemorrhoidectomy: Narito ang Mga Dapat Mong Malaman
Overview
- Ang hemorrhoidectomy ay isang surgical procedure na tinatanggal ang malalang almoranas. Ito ang ginaggawa kapag hindi epektibo ang mga lifestyle changes.
- May iba't ibang uri ng hemorrhoidectomy. Kabilang dito ang traditional surgeries, stapled hemorrhoidectomy, at hemorrhoidal artery ligation and recto-anal repair.
- Ang traditional hemorrhoidectomy ay ang pagputol at pagtanggal ng almoranas.
- Ang stapled hemorrhoidectomy ay gumagamit ng stapling device para sa internal hemorrhoids.
- Ang HAL-RAR ay nakatuon sa pagputol ng blood supply sa almoranas gamit ang Doppler sensor.
- Ang paggaling mula sa hemorrhoidectomy ay nag-iiba pero mayroon itong posibleng sintomas pagkatapos ng operasyon tulad ng pasa, iritasyon, at pamamaga.
Introduction
Ang almoranas, na may mga sintomas tulad ng pangangati, pagdurugo, at pamamaga sa iyong puwetan, ay nakakaapekto sa 50-80% na mga tao sa buong mundo. Ang mga sintomas na ito ay nagbibigay ng pagkairita at nakakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng taong mayroon nito.1
Ang regular routine at lifestyle changes ang una sa mga ginagawa para masolusyonan ito. Gayunpaman, kung hindi ito sapat, maaaring lumala ang kondisyon. Magbibigay ng payo ang iyong doktor para maalis ito.
Ano Ang Hemorrhoidectomy?
Ang hemorrhoidectomy ay isang surgical operation na tinatanggal ang external o internal hemorrhoids.2 Madalas ay panghuli na itong solusyon kapag ang mga lifestyle changes na iyong ginagawa ay hindi sapat para magamot ang problema. Para sa mga malubhang kondisyon, ang procedure na ito ay pangkaraniwan at ligtas.3
Gastroenterologist at colorectal surgeon ang mga uri ng doktor na gumagawa nito.4 Sila ay eksperto sa pag-alis ng malalang almoranas.
Kung sa tingin mo ay lumalala ang mga komplikasyon at panganib ng iyong kondisyon, o kung hindi naging epektibo ang iyong gamot sa almoranas, maaari kang kumonsulta sa iyong pinagkakatiwalaang doktor. Makakatulong ito para malaman mo ang pinakamainam na paraan para maibsan ang iyong sakit.
Ano Ang Iba’t Ibang Uri ng Hemorrhoidectomy?
Ang hemorrhoidectomy ay may iba't ibang pamamaraan. Ang bawat isa sa mga ito ay nakatuon sa partikular na sitwasyon. Ang payo ng eksperto ay makakatulong sa pag-unawa sa bawat uri nito.
Hemorrhoidectomy
Ito ang pinaka karaniwang pamamaraan upang alisin ang almoranas. Ang doktor ay gagawa nang maliliit na hiwa sa paligid ng iyong puwet.3
May dalawang uri ng hemorrhoidectomy: ang closed at open procedures. Ang closed surgery ay ginagamit para sa internal hemorrhoids. Kasama dito ang pag-alis ng hemorrhoidal bundles gamit ang scalpel, gunting, electrocautery, o laser. Pagkatapos nito, isinasara ang sugat gamit ang absorbable suture. Ang open hemorrhoidectomy naman ay katulad ng closed procedure, ngunit hindi isinasara ang hiwa.6 Ito ay iniiwang bukas.
Ang pamamaraan na ito ay outpatient surgery5 at puwedeng gumamit ng local o general anesthesia upang mamanhid ang parte o para ikaw ay makatulog.
Stapled Hemorrhoidectomy
Ang stapled hemorrhoidectomy ay para sa internal, grown, at prolapsed hemorrhoids.7 Ito rin ay kilala sa tawag na Longo’s procedure o PPH at ginagawa ito para sa mga pasyenteng may grade III at IV almoranas.6 Ang mga grade conditions na ito ay nakausli malapit o sa labas ng puwet.8
Ito ay gumagamit ng circular stapling device na hinihila ang expanded hemorrhoidal tissue.9 Pagkatapos ay pinuputol ito habang sabay na tinatahi ang dalawang dulo ng tissue. Ang stapled hemorrhoidectomy ay naka-target sa mga bahagi na may kaunting nerve endings.5
Dahil dito, mas kaunting sakit ang nararamdaman kumpara sa tradisyonal na operasyon at kaunti lang ang komplikasyon, kung saan mabilis na gumagaling ang mga pasyente.
Hemorrhoidal Artery Ligation and Recto Anal Repair
Ang HAL-RAR ay nakatuon sa mga arteries na nagdadala ng dugo sa iyong almoranas. Ito ay isang bagong pamamaraan na gumagamit ng isang maliit na Doppler sensor.5 Ang aparato na ito ay karaniwang ginagamit upang ma-monitor ang blood flow sa mga ugat. Ito ay binuo para sa auditory at visual feedback.
Kapag nahanap na ang mga ugat na nagbibigay ng dugo sa almoranas, tinatahi at itinatali ito ng doktor.10 Ito ay nagpuputol sa daloy ng dugo upang unti-unting lumiit ang almoranas.
Ang pamamaraang ito ay maaari ring lunas sa almoranas na may sintomas11 tulad ng pagdurugo, prolapse o pagusli, pangangati, at iba pa.12
Ano ang Dapat Kong Malaman Habang Nagpapagaling mula sa Hemorrhoidectomy?
Ang pagpapagaling mula sa pagtanggal ng almoranas ay iba-iba. Ang mga sugat galing sa operasyon ay maaaring gumaling sa loob ng isa o dalawang linggo.13 Kahit hinihinto nito ang sakit sa pang-araw-araw mong sitwasyon, maaari ka pa ring mahirapan habang nagpapagaling. Maaaring mangyari ang mga sumusunod pagkatapos ng iyong operasyon:14
- Pasa
- Pagkairita
- Kaunting pagdurugo
- Discharge
- Soreness
- Pamamaga
Maaaring magkaroon ng iba pang komplikasyon depende sa uri ng operasyon na ginawa sa iyo. Upang lubos na ihanda ang iyong sarili pagkatapos ng operasyon, mahalagang humingi ka ng suporta mula sa iyong doktor. Sila ay makakatulong sa iyo para ma-manage mo ang iyong expectations at makapag-desisyon nang tama.
Mga Dapat Tandaan
Mahalagang maunawaan kung ano ang hemorrhoidectomy para sa mga taong may matindi o paulit-ulit na almoranas. Bagaman maaaring magbigay ito ng ginhawa mula sa mga matitinding sintomas, hindi ito ligtas mula sa mga panganib at komplikasyon. Sa iyong paglalakbay patungo sa paggaling, mahalagang talakayin mo ang lahat ng treatment options sa iyong doktor.
Kung ang iyong almoranas ay madali pang gamutin ng simpleng pagbabago sa buhay, mahalagang gawin ang kinakailangang hakbang upang mabawasan ang sakit ng sintomas ng almoranas. Ang simpleng paraan upang labanan ang kondisyong ito ay ang pag-inom ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ang iyong maasahang gamot para sa iyong almoranas. Binubuo ito ng mga active ingredients tulad ng purified flavonoid fraction o MPFF. Nakakatulong ito para gumaling ang iyong almoranas.
REFERENCES
- https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/hemorrhoids
- https://www.healthline.com/health/hemorrhoidectomy#about
- https://www.healthdirect.gov.au/haemorrhoidectomy
- https://lubbockgastro.com/best-hemorrhoid-doctor/#:~:text=Gastroenterologists%20and%20colorectal%20surgeons%20have,of%20procedures%20to%20remove%20hemorrhoids.
- https://www.webmd.com/digestive-disorders/surgery-treat-hemorrhoids
- https://generalsurgery.ucsf.edu/conditions--procedures/hemorrhoidectomy.aspx#:~:text=A%20hemorrhoidectomy%20is%20surgery%20to,Hemorrhoid%20Anatomy
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/324439#types
- https://www.gothemorrhoids.com/hemorrhoid-grading-system#:~:text=Grade%204%20hemorrhoids%20are%20prolapsed,more%20serious%20hemorrhoid%20treatment%20procedures.
- https://www.medicinenet.com/stapled_hemorrhoidectomy/article.htm
- https://haemorrhoidinfoservice.com.au/about-hal-rar/#:~:text=The%20Haemorrhoidal%20Artery%20Ligation%20%2D%20Recto,cutting%20or%20a%20general%20anaesthetic.&text=HAL%2DRAR%20has%20an%20in%2Dbuilt%20miniature%20Doppler%20ultrasound%20device.
- https://brisbanesurgeon.com.au/procedures/haemorrhoidal-artery-ligation-and-recto-anal-repair-hal-rar
- https://www.aafp.org/pubs/afp/issues/2018/0201/p172.html#:~:text=Symptomatic%20internal%20hemorrhoids%20often%20present,stool%20and%20rarely%20causes%20anemia.
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/324439#outlook
- https://www.healthline.com/health/hemorrhoidectomy#recovery
- https://my.clevelandclinic.org/health/procedures/hemorrhoidectomy
2025