Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Gamot sa Almoranas
5/7/2024
Pinapalala Ba ng Stress ang Pagdudugo sa Dumi?
Overview
- Ang stress ay itinuturing na bahagi ng ating modernong buhay at konektado ito sa iba't ibang mga alalahanin sa kalusugan na kasama ang mga isyu sa gastrointestinal system.
- Ang pagiging stressed ay maaaring mag-trigger ng pamamaga at pagbabago sa daloy ng bituka na nagpapalala sa mga nakatagong isyu sa gastrointestinal system at maaaring magdulot ng pagdudugo sa dumi.
- Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay epektibo para sa agarang paggamot sa mga sintomas ng almoranas upang gumaan ang pakiramdam at bawasan ang sakit ng almoranas.
Introduction
Ang stress ay hindi maiiwasan at parte na ng ating buhay. Ito ay dulot ng iba’t-ibang health issues tulad ng gastrointestinal issue. Kaya naman ang isa sa mga tanong patungkol dito ay: ano ang epekto ng stress sa gastrointestinal issues at pagdudugo sa dumi?
Kahit na ang ugnayan mg stress at ng gastrointestinal health ay mahirap alamin, may ilang mga pag-aaral na nagsasabing maaaring ang stress ang nagpapalala ng mga sintomas, tulad ng dugo sa dumi.
Ang pag-unawa sa posibleng epekto ng stress ay mahalaga upang makontrol ito nang maayos para sa iyong kabuuang kalusugan. Kaya naman, ating tuklasin ang mga ito upang malaman mo ang mga tamang paggamot dito.
Maaari Bang Magdulot ng Dugo sa Dumi ang Stress?
Isang pag-aaral noong 2019 ang tumukoy sa ugnayan ng stress at mga pagsumpong sa mga matatanda at batang may inflammatory bowel disease (IBD). Ito’y nagpapahiwatig na nagdudulot ng gut inflammation ang stress, na nagreresulta sa mga sintomas tulad ng duming may dugo.
Noong 2016 din ay pinag-aralan ang relasyon ng stress at peptic ulcer disease, kung saan ang stress ay nagbibigay ng dobleng panganib at dugo sa dumi.
Kaya naman kapag tayo ay nai-stress, may inilalabas na hormones ang ating katawan, kung saan nagbibigay ito nang mataas na sensitivity at reactivity sa ating digestive system. Puwede rin itong magdulot ng pamamaga at mabago ang daloy ng ating bituka, kung saan mas napapalala nito ang gastrointestinal issue at magdulot ng dugo sa dumi.
Ano ang Mga Sanhi nang Pagkakaroon ng Dugo sa Dumi?
Ang pagkakaroon ng dugo sa dumi ay nakakabahalang sintomas. Ito’y nagpapahiwatig ng problema sa kalusugan. Kaya naman mahalagang unawain ang mga sanhi nito para sa mabilisang pagtukoy nito at tamang paggamot.
Hemorrhoids o Almoranas
Ang hemorrhoids o almoranas ay isang kondisyon kung saan namamaga ang mga ugat sa bandang puwet. Ang mga ugat na ito ay puwedeng lumaki o mamaga dahil sa iba’t-ibang dahilan, tulad ng pagpipilit na dumumi, madalas na pagdumi, matagal na pag-upo o pagtayo, pagiging sobrang mataba, pagbubuntis, o pagtanda.
Ang karaniwang sintomas nito ay ang matingkad na kulay pulang dugo sa dumi o sa toilet paper pagkatapos magpunas. Ito ay nangyayari lamang kapag namamaga na ang mga ugat na dulot ng almoranas, kung saan ito’y pumuputok na.
Ang gamot para dito ay konserbatibo, at naka-focus sa pagtanggal ng mga sintomas upang makaramdam ng ginhawa.
Anal Fissures
Ang anal fissures ay mga maliit na butas o sugat sa balat ng iyong puwet, na matatagpuan sa bukana nito. Ito’y nangyayari dulot ng iba’t-ibang dahilan, tulad ng matigas at malaking dumi, matagal na pagdumi, o pagkakaroon ng trauma sa anal area.
Mabuti na lang at puwede itong magamot upang maibsan ang mga sintomas at gumaling ang apektadong bahagi ng puwet. Ang paggamot dito ay konserbatibo din, tulad ng pagkain ng mga gulay o prutas na nagpapalambot ng dumi para maiwasan ang constipation, pananatiling hydrated, at ang paggamit ng over-the-counter topical treatments para mabawasan ang sakit at pamamaga.
Inflammatory Bowel Disease
Ang sakit na ito ay tumutukoy sa mga sakit na malubha na nagdudulot ng pamamaga ng gastrointestinal tract. Mayroon itong dalawang uri: Crohn's disease at ulcerative colitis, kung saan parehong nagbibigay ng pagkabalisa sa iyong pamumuhay.
Ang kondisyong ito ay dahil sa pamamaga at pagsugat sa iba’t-ibang bahagi ng digestive system, kung saan nagdudulot ng mga sintomas tulad ng dugo sa dumi.
Ang pagkontrol ng IBD ay kinabibilangan ng mga kombinasyon ng gamot, pagbabago ng pamumuhay, at pagsasailalim sa operasyon. Ang layunin ng mga ito ay upang mabawasan ang pamamaga, kontrolin ang mga sintomas, at pigilan ang anumang komplikasyon.
Kaya naman napakaimportante ang pangangala sa iyong kalusugan at ang pakikipag-ugnayan sa iyong doctor ukol dito.
Colorectal Cancer
Kahit na hindi ito isang karaniwang sakit kumpara sa ibang sanhi ng dugo sa dumi, ang colorectal cancer ay nakakabahala dahil may tyansa itong lumala. Ito ay isang uri ng cancer na nagsisimula sa colon o rectum, na puwedeng magmula sa mga hindi karaniwang paglaki ng tinatawag na polyps. Ang tawag dito ay cancerous growth, kung saan puwede itong dumugo. Kaya naman nagkakaroon din ng dugo sa dumi, na kadalasang unang senyales ng pagkakaroon ng colorectal cancer.
Ang paggamot dito ay kadalasang nangangailangan ng pagsasailalim sa operasyon, chemotherapy, radiation therapy, targeted therapy, at immunotherapy depende sa stage o location ng nasabing cancer.
Kaya mahalaga ang pagkilala sa mga sintomas, tulad ng dugo sa dumi pati na rin ang pagsasailalim sa regular screening tests upang ma-detect agad ito at magamot.
Mga Dapat Tandaan
Ating napag-usapan ang epekto ng stress sa gastrointestinal issues at pagdudugo sa dumi. Ang gabay na ito ay nasagot at natukoy ang mga partikular na sanhi nito, na kadalasang nangangailangan ng pagsusuri.
Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay tumutulong upang protektahan ang iyong vascular system, bawasan ang pamamaga, at itigil ang pagdudugo. Ito ay epektibo para sa agarang paggamot ng mga sintomas ng almoranas, na isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng dugo sa dumi. Bumili ka na ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ngayon para mabawasan ang pagkabalisa at mabawasan ang pananakit dulot ng almoranas.
REFERENCES
- https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/8854467/
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK470312/
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK534792/#:~:text=Peptic%20ulcer%20disease%20is%20characterized,the%20stomach%20and%20proximal%20duodenum
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6821654/
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5126869/
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK526063/
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK470312/
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK430761/
2025