Almoranas

Sanhi at Sintomas ng Almoranas

6/24/2025

Gaano Katagal Mawawala ang Almoranas Kapag Buntis?

Overview

Ang almoranas ay isang karaniwang problema sa pagbubuntis na nagdudulot ng pananakit, pangangati, at pamamaga.

  • Bagamat iba-iba ang tagal ng sintomas, may ilang dahilan kung bakit ito lumalabas, tulad ng pagbabago sa hormones, pisikal na pressure, at pamumuhay.
  • Tatalakayin sa artikulong ito ang mga sanhi ng almoranas sa pagbubuntis at kung paano makakatulong ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) , isang gamot na may diosmin at hesperidin, sa pag-manage ng sintomas, pagpapabuti ng kalusugan ng ugat, at pag-iwas sa muling paglitaw nito.

 

Introduction

Ang almoranas ay isang karaniwang alalahanin sa pagbubuntis. Nagdudulot ito ng matinding pananakit, pangangati, paghapdi, pamamaga, at pagdurugo. Ang discomfort na dulot nito ay maaaring magpahirap sa pag-upo nang matagal, na nakakaaapekto tuwing matutulog o dumudumi.

Gaano nga ba katagal mawawala ang almoranas habang buntis? Ang tagal ay maaaring magbago. Ang maliliit na almoranas ay maaaring gumaling nang kusa sa loob ng ilang araw, habang ang malalaki o mas masakit ay maaaring magtagal pa ng ilang linggo bago gumaling.

Karaniwan at pansamantala lang ang almoranas, pero may mga simpleng hakbang na p’wedeng gawin para ma-manage ang hindi komportableng pakiramdam na dulot nito. Karamihan ng almoranas dahil sa pagbubuntis ay gumagaling pagkatapos manganak, pero may mga babae pa ring nakakaramdam nito ng ilang linggo.

 

Ano ang Mga Posibleng Sanhi ng Almoranas habang Buntis?

Habang nag-a-adjust ang katawan sa pagbubuntis, may ilang bagay na p’wedeng magpataas ng chansa ng almoranas1. Mula sa pagbabago sa hormones hanggang sa dagdag pressure mula sa lumalaking matres, ang mga pagbabagong ito ay magdudulot ng hindi komportableng pakiramdam at pamamaga sa puwetan.

 

Hormonal Changes

Sa pagbubuntis, malaki ang papel ng mga pagbabago sa hormones sa pag-develop ng almoranas2. Halimbawa, ang progesterone na tumataas habang buntis, ay nagpapahina sa mga vein walls.

Dahil dito, maaaring mamaga at maging varicose ang mga ugat, kaya tumataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng almoranas. Kasama ng mga pagbabagong ito, ang pagdami ng dugo sa katawan ng buntis ay nagpapaluwag sa mga ugat, lalo na sa pelvic area, na nagiging dahilan din ng pagkakaroon ng almoranas.

Apektado rin nito ang muscle, kabilang na ang mga kalamnan na ginagamit sa pagdumi. Kapag humina ito, mahihirapan kang dumumi, na kadalasang nagiging sanhi ng straining, na isang karaniwang trigger ng almoranas.

 

Physical Pressure

Habang tumatagal ang pagbubuntis, nagdudulot ng pressure ang lumalaking matres sa mga ugat sa pelvic area, lalo na sa paligid ng puwetan2. Dahil dito, puwedeng magka-almoranas dahil sa pamamaga at paglaki ng mga ugat. Kung gaano katagal mawawala ang almoranas habang buntis ay paiba-iba, pero kadalasan, sanhi ito ng mga pagbabagong nangyayari sa katawan.

Maraming mga buntis na nakakaranas ng constipation dahil sa hormonal changes na nagpapabagal sa pagdumi. Kung mahirapan at mag-strain habang dumudumi, lalakas ang pressure sa mga ugat sa puwetan, kaya mas lalala ang pamamaga at maaring magka-almoranas.

Kapag madalas kang nakaupo o nakatayo nang matagal, ang dugo ay puwedeng maipon sa ibabang bahagi ng katawan, kaya’t nagkakaroon ng dagdag pressure sa mga ugat sa puwetan. Kung pagsasamahin pa ito sa iba pang factors tulad ng pagdagdag ng timbang at hormonal changes, mas tataas ang chance na magkaroon ng almoranas.

 

Lifestyle

Kung mababa ang fiber sa iyong diet, puwedeng magdulot ito ng constipation, isang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng almoranas3. Kapag matigas ang dumi at mahirap ilabas, ang pag-strain habang dumudumi ay nagdudulot ng dagdag pressure sa mga ugat sa puwetan, na magiging sanhi ng pamamaga at almoranas.

Kung kulang sa tubig, mas lalala ang constipation. Mahalaga ang pag-inom ng maraming tubig para mapalambot ang dumi at maging regular ang pagdumi.

Ang kakulangan sa physical activity ay isa ring dahilan kung bakit mas bumabagal ang digestion at tumataas ang tsansa ng constipation3. Ang regular exercise ay nakakatulong sa sirkulasyon at pagpapabuti ng bowel function, at sa pagbabawas ng pelvic pressure.

Bagamat normal ang pagdagdag ng timbang sa pagbubuntis, ang overweight ay puwedeng magdulot ng stress sa mga ugat sa pelvic area. Ang tamang diet at pagiging aktibo ay makakatulong sa pamamahala ng timbang at makababawas ng risk ng almoranas.

 

Paano Nakakatulong ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)  sa Paggamot ng Almoranas habang Buntis?

Mahirap maghanap ng mga paraan na safe at epektibo para ma-manage at maibsan ang mga sintomas ng almoranas habang buntis. Kaya naman, ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) , ay madalas itinuturing na option para matulungan sa pagma-manage ng almoranas habang buntis. Pero, paano ba talaga nakakatulong ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)  sa pag-alis ng mga hindi komportableng pakiramdam dulot ng almoranas sa panahong ito?

 

Symptom Relief

Maaaring makatulong ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)  sa pagpapagaan ng mga sintomas ng almoranas sa pamamagitan ng pagpapabuti ng venous circulation at pagbabawas ng pamamaga4. Dahil dito, maaaring magbawas ng sakit at discomfort sa rectal area na dulot ng mga namamagang ugat.

Ayon sa mga pag-aaral, epektibo ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) para sa panandaliang paggamot ng almoranas habang buntis, lalo na sa pamamahala ng mga sintomas bago manganak. Napatunayang ligtas at maayos itong tinanggap ng mga buntis nang gamitin ito sa loob ng walong linggo bago manganak5.

Pero, mas maigi na kumonsulta muna sa healthcare provider bago gumamit ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)  upang malaman ang mga benepisyo at mga posibleng panganib batay sa kalusugan ng bawat isa.

 

Improved Vascular Health

Ang mga active ingredients sa Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)  ay tumutulong sa pagpapabuti ng venous tone at microcirculation6, na nakakatulong para mabawasan ang pamamaga at capillary permeability. Ang aksyon na ito ay tumututok sa mga sanhi ng almoranas, hindi lang basta pagpapagaan ng mga sintomas.

Ang anti-inflammatory properties7 naman nito ay nakakatulong sa pagbawas ng pamamaga ng mga ugat, na malaking tulong sa almoranas. Sa pamamagitan nito, nababawasan ang sakit at discomfort na dulot ng namamagang mga ugat.

Tinutulungan din ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)  na suportahan ang microcirculation sa pamamagitan ng pagbabawas ng capillary permeability at pagpigil sa pagtagas ng fluid papunta sa mga kalapit na tissue6. Ito ay nakakatulong na mabawasan ang edema (pamamaga) at mapabuti ang daloy ng dugo sa mga apektadong lugar, na mahalaga sa pagpapagaling at pagpapagaan ng sintomas.

 

Mas Bihirang Pagbalik ng Almoranas

Ang regular na paggamit ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)  ay maaaring magdulot ng mga long-term benefits sa iyong vascular health, na makakatulong para mabawasan ang dalas at tindi ng mga susunod na flare-ups ng almoranas. Sa pagpapalakas ng mga vein walls, makakatulong ang gamot na mabawasan ang pamamaga at paglawak ng ugat na nagdudulot ng almoranas8.

Magandang gamitin ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)  para sa mabilisang ginhawa at pati na rin sa pangmatagalang pangangalaga. Kung ikaw ay may chronic o severe na almoranas, ang araw-araw na pag-inom nito ay makakatulong sa pamamahala ng mga sintomas at makababawas sa posibilidad ng muling pagbalik nito. Ayon sa mga pag-aaral, hanggang 71% ng mga gumagamit9 ay nakaranas ng mas kaunting flare-ups nang isama nila ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)  sa kanilang paggamot.

Ayon sa mga clinical studies, makakatulong din ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)  para sa mas mabilis na paggaling. Isang study ang nagpakita na ang mga gumagamit ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay gumaling nang may average na 56.5 araw8, kumpara sa 61.04 araw para sa mga gumagamit ng mga karaniwang paggamot. Ang mas mabilis na paggaling ay makakatulong na mabawasan ang posibilidad ng muling pagbalik ng almoranas.

 

Key Takeaway

Alam natin na mahirap pamahalaan ang almoranas habang buntis. Karaniwan, ang almoranas ay tumatagal mula ilang araw hanggang ilang linggo, pero kung makakahanap ng tamang paggamot, makakatulong ito para maibsan ang discomfort at mapabilis ang paggaling. Kaya't mahalagang isaalang-alang ang mga safe na options tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Pero, bago magsimula ng anumang gamot, siguraduhing kumonsulta muna sa iyong doktor.

Nakakaranas ka ba ng almoranas habang buntis? Bakit hindi mo subukan ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) para maibsan ang pananakit, pamamaga, at pagdurugo. Kumunsulta sa iyong doktor para malaman kung angkop ito para sa iyo.

REFERENCES

  1. https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=hemorrhoids-and-varicose-veins-in-pregnancy-134-9
  2. https://www.vejthani.com/2022/01/4-reasons-why-hemorrhoids-appear-during-pregnancy/
  3. https://www.honorhealth.com/healthy-living/hemorrhoids-during-pregnancy
  4. https://www.medicoverhospitals.in/articles/Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)-for-piles
  5. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/9184951/
  6. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/11510597/
  7. https://www.medicoverhospitals.in/articles/Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) -500mg-tablet
  8. https://www.eurekaselect.com/article/135038
  9. https://www.phlebolymphology.org/mpff-500-mg-in-the-management-of-acute-and-recurrent-hemorrhoidal-disease/

2025