Sanhi at Sintomas ng Almoranas

Pagiwas sa Almoranas

Gamot sa Almoranas

7/12/2023

Gaano Katagal Bago Gumaling Ang Almoranas?

Paano maalaman kung gaano katagal gumaling ang almoranas?

  1. Gagaling ng ilang araw at kusang mawawala kung maliit lamang

  2. Kailangang uminom ng gamot kung lumaki na ito

  3. Maaari itong bumalik kahit gumaling na

 

Ang mga taong may edad 50 pataas ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng almoranas, pati narin ang mga taong may family history na ng almoranas.1 Ang almoranas ay nangyayari kapag ang ang ugat sa iyong puwitan (anus) at tumbong (rectum) ay namamaga. Maaari itong mangyari sa loob o labas ng iyong puwit.

Ang almoranas ay nakakabahala at hindi dapat hinahayaan lang kaya’t sasagutin ng aming blog ang tanong ng marami tungkol sa gaano katagal gumaling ang almoranas.

Simulan nang basahin ang aming blog na may kasamang tips upang mapagaan ang mga sintomas ng almoranas.

Paano mo malalaman kung ikaw ay may almoranas?

Bago tayo dumako tungkol sa gaano katagal gumaling ang almoranas, bigyang diin muna natin ang mga sintomas ng almoranas:

Ang mga sintomas na ito ay hindi lang sanhi ng almoranas.2 Maaari rin itong sintomas ng anal cancer o polyps. Upang matiyak na ang mga sintomas na iyong nararamdaman ay sanhi ng almoranas, magpakonsulta sa doktor.

gaano katagal gumaling ang almoranas

Gaano katagal bago gumaling ang almoranas?

Gagaling ng ilang araw at kusang mawawala kung maliit lamang ang  almoranas

Sa katunayan, kung ang iyong almoranas ay maliit lang ay gagaling ito ng ilang araw o kusa din itong mawawala.3 Sa mga buntis na may almoranas, nawawala ang almoranas pagkatapos nilang magsilang.

 

Kailangang uminom ng gamot kung lumaki na ang almoranas

Kung ito’y malala na sa puntong nararamdaman ang pananakit, pagkairita o pamamaga ng iyong puwitan, hindi na ito kusang mawawala. Kailangan mo na ng agarang treatment ng doktor o mabisang gamot sa almoranas.

 

Maaari bumalik ang almoranas kahit gumaling na

Importanteng tandaan na ang almoranas na nawala ay maaaring bumalik kahit sumailalim sa paggamot1. Kung kaya’t ang isa sa mga gamot na inirerekomenda ng mga doktor ay ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000).

Bilang isa sa pinaka-mabisang gamot sa almoranas, ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay gumagamit ng micronized, purified flavonoid fraction (MPFF) upang pagalingin ang mga ugat na namamaga dulot ng almoranas.

paano gamutin ang almoranas

Ano ang mga dapat gawin para gumaling ang almoranas?

Narito ang iba’t ibang paraan upang gumaling ang almoranas:

 

Limitahan ang iyong oras sa banyo

Ang matagal na pag-upo sa inidoro ay nagiging sanhi ng pagkairita ng almoranas4, kung kaya’t ang mabisang gawin ay pumasok agad sa banyo kapag tinatawag ng kalikasan at iwasang magdala ng cellphone o anuman na hindi naman kailangan habang ikaw ay dumudumi.

 

Panatilihing malinis ang iyong puwit

Sa tuwing ikaw ay naliligo, siguraduhing malinis ang iyong puwit.4 Kapag dumudumi, gumamit ng wipes na organic at walang halong alcohol, paraben, at iba pa. Importante rin ang kalinisan sa katawan upang gumaling ang almoranas.

 

Magbabad sa sitz bath

Epektib ang sitz bath para maibsan ang pangangati, pagkairita, at pamumula ng iyong puwitan dulot ng almoranas.1 Magbabad sa sitz bath ng 5-10 minuto.

 

Kumain ng gulay, prutas, at whole grains

Isama mo ang mga gulay, prutas, at whole grains sa iyong meal plan dahil nakakatulong ang mga pagkain na ito upang pagandahin ang iyong digestion. Kung hindi ka sanay kumain ng mga nabanggit, maaari mong tanungin ang iyong doktor kung pwede kang mag-fiber supplement. Ugaliin din ang pag-inom ng maraming tubig.

 

Kumonsulta sa doktor

Malubha man o hindi ang iyong nararamdamang sakit dulot ng almoranas, huwag mo itong pabayaan. Ang almoranas ay nagagamot at gumagaling ngunit iba pa rin kung magpa-konsulta ka sa doktor upang mabigyan ka ng mga home remedies o over-the-counter na gamot upang maiwasan agad ang pananakit. Gaya nga sa nabanggit kanina, maaaring bumalik ang almoranas.

 

Bumili ng gamot para sa almoranas

Kung may epektibong gamot mang inirerekomenda ang mga doktor sa mga taong may almoranas, ito ay ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000).

Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay pinapaginhawa ang pamamaga, at pagkairita ng puwitan habang pinahihinto nito ang pagdurugo. Nakapagbibigay din ito ng mabisang lunas sa iba’t ibang sintomas ng almoranas.

Key Takeaway

Maraming paraan kung paano gagaling ang almoranas. Maaaring mawala ito kung susundin ang mga nabanggit na paraan at kung aalagaan mo din ang iyong kalusugan at sarili.

Kung ikaw ay naghahanap nang mabisang gamot sa almoranas, bumili ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ang gamot na takbuhan ng mga Pilipinong may almoranas na gumagamit ng micronized, purified flavonoid fraction (MPFF).

REFERENCES

  1. https://www.healthline.com/health/how-long-do-hemorrhoids-last#_noHeaderPrefixedContent

  2. https://www.floridamedicalclinic.com/blog/how-long-do-hemorrhoids-last/

  3. https://www.healthline.com/health/how-long-do-hemorrhoids-last#duration

  4. https://www.healthline.com/health/how-long-do-hemorrhoids-last#symptom-relief

2024