Almoranas
Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Gamot sa Almoranas
10/7/2024
Gabay sa mga Bagong Magulang: Lunas sa Almoranas Pagkatapos Manganak
Overview
- Ang gabay na ito ay tumatalakay sa mga sanhi, sintomas, at epektibong paraan ng pamamahala para sa postpartum hemorrhoids.
- Ang mga pangunahing rekomendasyon ay ang mga over-the-counter na gamot, warm bath, pagbabago ng pagkain, at pag-iwas sa pag-ire.
Introduction
Ang pagiging magulang ay puno ng kasiyahan. Ngunit, mayroon din itong mga pisikal na pagsubok. Ang almoranas, ay mga namamagang ugat sa puwet at ibabang bahagi ng rectum ay karaniwang nararanasan ng mga bagong ina pagkatapos nilang manganak.
Sa gabay na ito tungkol sa almoranas pagkatapos manganak, nag-aalok kami ng mga paraan upang matulungan kang harapin ang kondisyong ito.
Bakit Nangyayari ang Postpartum Hemorrhoids?
Ang postpartum hemorrhoids ay nangyayari dahil sa pagtaas ng pressure sa mga ugat sa puwet sa panahon ng pagbubuntis at panganganak.
Habang buntis, ang lumalaking matres ay nagbibigay ng bigat sa mga ugat sa balakang at sa inferior vena cava, na maaaring magpabagal sa pagbalik ng dugo mula sa ibabang bahagi ng katawan, na nagiging sanhi ng paglaki ng mga ugat2.
Ang mga pagbabago sa hormones ay maaari ding magdulot nang pagre-relax ng mga vein walls, kung saan mas madali silang mamaga. Ang physical strain at pagtaas ng pressure sa tiyan habang nanganganak ay lalo pang nagpapalala ng kondisyong ito, na nagreresulta sa almoranas1.
Sintomas ng Almoranas
Ang almoranas ay nagdudulot ng ilang hindi komportableng sintomas na maaaring makaapekto sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga karaniwang palatandaan ay kinabibilangan ng2 :
Pangangati sa Anal Area
Ang pangangati o iritasyon sa puwet na dulot ng pamamaga ng mga ugat at inflammation ay maaaring lumala dahil sa matagal na pag-upo, pagdumi, o pagpupunas2. Sa ilang kaso, ang pangangati ay maaaring maging malala at makaabala sa pang-araw-araw na gawain at pagtulog, kaya't napipilitan ang mga taong maghanap ng lunas na gumamit ng mga gamot na mabibili sa botika o humingi ng medical advice.
Pananakit o Discomfort
Ang pananakit o discomfort lalo na kapag nakaupo, ay karaniwang sintomas ng almoranas dahil sa tumaas na presyon at iritasyon sa bahagi ng puwet3. Ang sakit ay maaaring mula sa banayad hanggang malubha at madalas itong lumalala tuwing dumudumi o umiire.
Sa kabilang banda, ang discomfort ay maaaring lumala kapag matagal na nakaupo o dahil sa direktang pagdiin ng almoranas sa upuan.
Pagdurugo tuwing Dumudumi
Maaaring mapansin mo ang kaunting dugo sa iyong tissue o inidoro pagkatapos mong dumumi. Ang internal hemorrhoids ay maaaring magdulot ng pagdurugo habang ang external hemorrhoids ay maaari ding magdugo, lalo na kung may namumuo na ang dugo4.
Bukol o Umbok Malapit sa Puwet
Ang bukol o umbok malapit sa puwet ay karaniwang sintomas ng almoranas, lalo na ang external hemorrhoids3. Ang pamamaga na ito ay nangyayari dahil sa pag-umbok ng mga ugat sa paligid ng puwet, na maaaring magdulot ng sakit at pagiging sensitibo nito. Ang umbok ay maaaring mag-iba sa laki at may kasamang discomfort o pagdurugo tuwing nagbabawas.
Paano Alagaan ang Almoranas Pagkatapos Manganak?
Ang almoranas, sa kasamaang palad, ay isang karaniwang problema pagkatapos manganak1. Gayunpaman, maraming paraan upang maibsan ang sakit at mapabilis ang paggaling nito.
Pumili ng Mga Gamot na Mabibili sa Botika
Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay napatunayang epektibo sa paggamot ng sintomas ng almoranas, lalo na sa mga kababaihang bagong panganak. Ipinapakita ng mga clinical studies na ito ay lubos na nagpapabuti sa mga sintomas tulad ng pananakit, pamimigat, pagdurugo, at pangangati kumpara sa placebo, na nagpapatunay nang bisa nito sa paggamot ng almoranas.
Habang ang mga tradisyonal na over-the-counter na gamot tulad ng topical creams at mga pampatanggal sakit ay nagbibigay ng pansamantalang ginhawa, ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay nagbibigay ng mas tiyak na solusyon sa pamamagitan ng pagpapahusay ng ugat at pagbawas ng pamamaga, kaya't ito ay isang mahalagang solusyon kasama ng iba pang gamot para sa almoranas pagkatapos ng panganganak.
Warm Bath
Mararanasan ang ginhawa mula sa sakit ng almoranas sa pamamagitan ng pag-lublob sa mainit na sitz bath ng 15-20 minuto5, dalawa hanggang tatlong beses araw-araw. Gumamit ng paliguan o maliit na plastic na palanggana para dito. Ang pagdagdag ng Epsom salts o baking soda sa mainit na tubig ay makakapagpalakas rin ng nakaka-relax na epekto6. Dahan-dahang patuyuin ang lugar gamit ang malambot na tuwalya pagkatapos ng bawat paligo7.
Baguhin ang Diyeta
Ang pagkain ng maraming fiber ay makakatulong upang mapalambot ang dumi at gawing mas madali ang pagdumi, na nagbabawas ng pag-ire. Ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay kinabibilangan ng mga prutas tulad ng peras at mansanas, mga gulay tulad ng broccoli at green peas, at mga whole grains tulad ng oats at brown rice8.
Bukod dito, ang pag-inom ng maraming tubig ay tumutulong din sa kalusugan ng tiyan at nakakatulong upang maiwasan ang constipation, na maaaring magpalala ng sintomas ng almoranas.
Iwasan ang Puwersahang Pagdumi
Ang pagbibigay ng labis na puwersa o pag-ire habang dumudumi ay maaaring magpalala ng almoranas. Upang magkaroon ng oras para magpagaling, iwasang puwersahin ang sarili o ang pag-iire habang umuupo sa inidoro. Hayaan mong mangyari nang natural ang pagdumi nang hindi pinipilit.
Isaalang-alang din ang paggamit ng mga pampalambot ng dumi9, kung kinakailangan, upang makatulong na mapawi ang pagtigas ng dumi at mabawasan ang pag-ire. Ito’y nakakatulong sa paggamot ng almoranas upang gumaling agad.
Mga Dapat Tandaan
Ang almoranas ay isang mahirap na karanasan pagkatapos manganak10, ngunit sa tamang pangangalaga at pamamahala, gagaling ka. Sa gabay na ito tungkol sa almoranas pagkatapos manganak, makakatulong ang pag-unawa sa mga sanhi, sintomas, at mga solusyon sa paggamot upang maibsan ang discomfort at makatulong sa pagpapagaling. Tandaan, mahalagang bigyang-priyoridad ang sarili at kumonsulta sa doktor kung lumalala o tumatagal ang mga sintomas.
Huwag hayaang hadlangan ng almoranas ang mahalagang oras mo kasama ang iyong anak. Maghanap ng paraan para maibsan ang sakit at guminhawa. Alamin ang lunas na hatid ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000).
REFERENCES
- https://www.honorhealth.com/healthy-living/hemorrhoids-during-pregnancy#:~:text=Although%20hemorrhoids%20can%20appear%20at,through%20the%20anus%20to%20swell.
- https://www.healthline.com/health/pregnancy/pregnancy-hemorrhoids
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
- https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/24137-sitz-bath
- https://www.healthline.com/health/hemorrhoids#symptoms
- https://www.parents.com/pregnancy/my-body/postpartum/4-painful-postpartum-problems/
- https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/hemorrhoids/eating-diet-nutrition
- https://healthmatch.io/hemmorhoids/best-stool-softener-for-hemorrhoids#what-is-the-best-laxative-for-hemorrhoids
- https://www.urmc.rochester.edu/ob-gyn/obstetrics/after-delivery/common-conditions.aspx
2025