Gamot sa Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
1/2/2024
Ano ang Nangyayari kapag Gumagaling ang Almoranas?
Ano ang mga dapat tandaan kapag gumagaling na ang almoranas?
- Naiibsan ang sakit at nakakaranas ng ginhawa
- Nababawasan ang pangangati at pagkairita
- Lumiliit ang almoranas
- Nababawasan ang pagdurugo
- Napapabuti ang pagdumi
Overview
- Ang almoranas ay isang karaniwan at hindi komportableng kondisyon na nakakaapekto sa milyon-milyong tao sa buong mundo.
- Ang paggaling mula dito ay nakakatulong upang mabawasan ang pamamaga nito, na nagbibigay ng malaking ginhawa mula sa sakit at pagkairita.
- Ang iyong araw-araw na pamumuhay ay mas nagiging maayos, na nagbibigay-daan sa ‘yong mag-focus sa mga gawain.
- Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon) ay isang kilala at epektibong gamot na iniinom para guminhawa ang iyong pakiramdam mula sa mga sintomas ng almoranas.
Ang almoranas, isang karaniwan at kadalasang nagbibigay nang hindi komportableng pakiramdam, ay nakakaapekto sa milyon-milyong tao sa buong mundo.1 Kung ikaw ay nakaranas ng kawalan ng ginhawa at pananakit dulot nito, ikaw ay pamilyar na sa kung paano nito maaaring maapektuhan ang iyong araw-araw na pamumuhay. Gayunpaman, tulad ng iba’t-ibang medical conditions, may mga pagkakataong gumagaling ito, na nagreresulta sa malaking pagbabago sa iyong kaginhawaan, kalusugan, at kabuuang pamumuhay.2
Sa artikulong ito, tutuklasin natin ang proseso ng paggaling ng almoranas, at ipapaliwanag din namin ang mga ito. Ating alamin kung ano ang naghihintay sa ‘yo pagkatapos mong gumaling.
Naiibsan ang Sakit ng Almoranas at Nakakaranas ng Ginhawa
Ang proseso ng paggaling mula sa almoranas ay tumutukoy sa pagbawas ng pamamaga nito.3 Habang unti-unti itong bumabalik sa normal nitong kalagayan, matutuklasan mong mas makakapagpatuloy ka na sa iyong pang-araw-araw na gawain nang may kaginhawaan, na matagal mo nang inaasam.
Ang mga simpleng gawain, tulad ng pag-upo at ang pagdumi, ay nagiging madali habang unti-unti nang bumababa ang pananakit nito.4 Ang ginhawang ito ay hindi lamang para sa iyong pisikal na benepisyo. Ito ay nagbibigay sa ‘yo ng pang-kalahatang kaginhawaan, para sa mas aktibo at maayos na pamumuhay.
Nababawasan ang Pangangati at Pagkairita ng Almoranas
Ang almoranas ay kilala sa pagbibigay ng matinding pangangati at nakakairitang pakiramdam, lalo na sa sensitibong bahagi ng ating puwet. Ang ganitong pakiramdam araw-araw ay maaaring makaapekto sa kaisipan ng tao, na nagdudulot ng stress at anxiety. Ito ay maaari magbigay ng pagod sa ating katawan at isip.
Ito rin ay maaaring magbigay ng nakakairitang pakiramdam, habang ang patuloy mong paggawa ng paraan upang ika’y guminhawa ay nakakadismaya. Gayunpaman, unti-unti itong gumagaling dahil gumagawa ng paraan ang healing mechanisms ng iyong katawan.
Ang pagkabawas nang pangangati at pagkairita ay hindi lamang nakakapagpagaling sa iyong pisikal na aspekto dulot ng medication; ito ay umaabot sa kalusugan ng iyong isipan at damdamin.5 Habang nababawasan ang mga nakakabahalang pakiramdam na ito, makakaramdam ka ng kapanatagan sa iyong isip.
Magbasa pa tungkol sa Mga Bawal sa Almoranas
Lumiliit ang almoranas
Sa paglipas ng panahon, ang mga engorged blood vessels na nagpapaapsimula sa almoranas ay unti-unting babalik sa dati. Ang internal hemorrhoids ay maaaring bumalik sa loob ng iyong puwet, habang ang external hemorrhoids naman ay unti-unting liliit, kaya’t hindi na ito gaanong halata.
Ang pagkabawas ng laki nito ay nagbibigay ng mas maayos na physical appearance sa iyong anal area, na bilang resulta, ay binabawasan ang anumang pagkairita dulot nito. Ikaw ay hindi lamang nakakaiwas mula sa pagkabalisa, ngunit napapabuti rin nito ang iyong kabuuang pakiramdam, upang maibalik ang iyong kumpiyansa sa sarili.
Nababawasan ang Pagdurugo ng Almoranas
Ang almoranas ay nagdudulot ng pagdurugo, lalo na habang ika’y dumudumi, na nakakabahala at nakakabalisa. Gayunpaman, sa proseso ng paggaling, karaniwan nang nababawasan ang insidenteng ito.
Sa simula, mapapansin mong kaunti na lamang ang dugo sa toilet paper o sa inidoro, na nagpapakita ng isang magandang yugto sa paggaling ng almoranas.6
Ang kaayusan na ito ay nagbibigay hindi lamang ng ginhawa kundi nagdudulot din ng kumpiyansa para sa iyong kalusugan. Bukod dito, ang pagkawala ng pagdurugo ay isang magandang palatandaan na ang proseso ay maayos na nagaganap sa iyong katawan at nasa tamang paraan.
Napapabuti ang Pagdumi
Ang paggaling ng almoranas ay maaaring makatulong sa pagpapabuti ng iyong regular na pagdumi.7 Gaya ng aming nabanggit noon, maaari itong magdulot ng pinsala at pamamaga sa mga ugat sa iyong puwet, na nakakaapekto sa paglabas ng dumi.
Sa unti-unting paggaling ng iyong almoranas, unti-unti ring namumuo ang pagkalma at pagkabawas ng kirot, na tumutulong para sa mas maayos at komportableng pagdumi. Mas kaunti ang pwersang kailangan para sa paglabas ng iyong dumi habang nagpapagaling ang mga ugat sa iyong puwet. Ito’y nauuwi sa mas madali at mas maginhawang pagdumi, na sa huli ay nagpapabuti sa pangkalahatang kalusugan ng iyong bituka.
Mga Dapat Tandaan
Mahalagang malaman kung ano ang nangyayari kapag naghihilom ang almoranas upang ika’y maging handa sa paggaling nito. Ang pagkakaroon nito ay hindi isang madaling paglalakbay dahil sa kirot na kasama nito. Subalit, ang paggaling ay nakakatulong upang mapabuti ang kalidad ng iyong pamumuhay at pang-kahalatang kaginhawaan.
Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ay isang kilala at epektibong gamot sa pag-inom na nag-aalok ng malaking pagbawas at ginhawa mula sa mga nakakabahalang sintomas ng almoranas.
REFERENCES
- Hemorrhoids: From basic pathophysiology to clinical management - PMC (nih.gov) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3342598/
- Self-help steps to get through hemorrhoid flare-ups - Harvard Health https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/self-help-steps-to-get-through-hemorrhoid-flare-ups
- Hemorrhoids - Diagnosis and treatment - Mayo Clinic https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/diagnosis-treatment/drc-20360280
- What Are Hemorrhoids? Symptoms, Causes, Diagnosis, Treatment, and Prevention (everydayhealth.com) https://www.everydayhealth.com/hemorrhoids/guide/
- The Emotional Toll of Hemorrhoids (preparationh.com) https://www.preparationh.com/learn-more/emotional-toll-of-hemorrhoids/
- Hemorrhoids - Diagnosis and treatment - Mayo Clinic https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/diagnosis-treatment/drc-20360280
- Hemorrhoids Treatment, Symptoms, Causes & Prevention (clevelandclinic.org) https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15120-hemorrhoids
2025