Almoranas
Gamot sa Almoranas
7/11/2023
Mga Halamang Gamot Para Sa Almoranas
Ang mga sumusunod ay gamot para sa almoranas na galing sa iba’t-ibang uri ng halaman:
- Aloe Vera
- Kalamansi
- Dahon ng Bayabas
- Witch Hazel
- Butcher’s Broom
Kapag mayroon kang almoranas, hindi magiging madali ang iyong pagdumi. Maaari kang makaranas ng sakit at pagdurugo na kasabay ng pag-ire. Ang ganitong karanasan ay hindi kaaya-aya at kung kakayanin ay mas maigi pang maiwasan na lang. Dagdag pa sa sakit ng ulo ang mga magagastos sa pagbili ng gamot, pagpapatingin sa doktor, at operasyon kung kailanganin. Para makaiwas sa ganitong gastusin, maaaring gumamit na lang ng mga halamang gamot para sa almoranas.
Ang mga halamang gamot na ito ay mabuting lunas dahil alam mong walang halong ibang kemikal at ang ilan dito ay madali lang mahanap. Narito ang iilang sa mga halamang ito:
Aloe Vera
Ang aloe vera o sabila ay isang halamang nakikilala para sa kakayahan nitong magpaganda ng kutis ng balat. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay maaari ring magamit ang anti-inflammatory na katangian ng naturang halaman upang pagalingin, o di kaya’y bawasan ang nararamdamang mga sintomas na dulot ng almoranas.1 Ang almoranas ay ang pamamaga ng ugat, kaya’t ang kakayahan ng aloe vera na magpababa ng pamamaga ay mahigit na makatutulong.
Para gamitin, kailangan lamang kunin ang malapot na gel sa loob ng dahon ng aloe vera. Maaaring gumamit ng kutsilyo o malinis na gunting para hatiin ang dahon, at pwede namang gumamit ng kutsara para kunin ang malapot na laman. Pagkatapos maaari na itong ipahid sa puwitan. Tandaan na pinakamabisa ang ganitong lunas kung purong aloe vera ang gamitin, at hindi ang mga komersyal na aloe vera cream na maaaring may mga kahalong kemikal.2
Kalamansi
Bukod sa pagpapagaling ng ubo’t sipon, ang katas ng kalamansi ay maaari ring magpabilis ng iyong paggaling sa almoranas. Ang kalamansi ay may mga antioxidants at flavonoid compounds na makakatulong laban sa almoranas.5
Para gamitin, kunin ang katas ng kalamansi gamit ang strainer at isang baso. Kailangang katasan ang maraming kalamansi para makakuha ng sapat na katas. Maglublob ng malinis na bulak o tissue sa katas at dahan-dahang ipahid ito sa apektadong parte ng puwet.1
Maaari ring itimpla na lang ang katas ng kalamansi upang makakuha ng higit pang mga benepisyo para sa kalusugan.1
Dahon ng Bayabas
Alam ng nakararami na ang dahon ng bayabas ay maraming naidudulot na magandang benepisyo sa kalusugan. Tulad ng aloe vera, ang dahon ng bayabas ay mayroon ding anti-inflammatory properties na makakapagpabawas ng pamamaga.1 Dahil dito, maaari rin itong gamitin bilang lunas sa almoranas.
Una, kailangang pakuluan ang dahon ng bayabas para makuha ang katas nito. Palamigin ng kaunti ang tubig hanggang sa maging maligamgam ito. Ilagay sa batsa at unti-unting ibabad ang almoranas sa pinakuluan.1 Tandaan na hindi dapat ipilit ang pagbabad kung masyado pang mainit ang tubig. Habang hinihintay na lumamig, maaaring itapat ang puwet dito dahil ang singaw nito ay makatutulong rin sa almoranas.1
Witch Hazel
Ang witch hazel ay isang halaman na matagal nang ginagamit bilang lunas sa almoranas. Hindi man ito madaling mahanap, napatunayan naman na ang kakayanan niyong paliitin ang almoranas at gamutin ang mga sintomas.3
Maraming mahahanap na mga cream at pads na gawa sa witch hazel para magpagaling ng almoranas. Pwede rin itong gamitin bilang dagdag na ilalagay sa isang sitz bath. Pagkatapos magpakulo ng tubig, maglagay ng witch hazel sa batya bago ibabad ang almoranas para sa mas mabilis at mabisang lunas.
Butcher’s Broom
Ang butcher’s broom naman ay isa ring halaman na nagpakita rin ng kakayahang magpagaling ng almoranas. Maaaring gamitin ang halamang ito bilang pampahid sa balat, ngunit hindi tulad ng ibang nabanggit dito, ang butcher’s broom ay mas nakatutulong kung iinumin sa isang capsule. Madalas ding sinasabayan ng iba pang mga gamot na may flavonoids ang butcher’s broom para sa mas mabilis na paggaling.4
Ang kinaganda ng butcher’s broom ay nakakapagpagaling ito ng almoranas ng mga buntis nang walang masamang epekto sa sanggol. Ayon sa mga pag-aaral, magandang paraan ang pag-inom ng butcher’s broom para sa pagpapagaling ng almoranas na may kinalaman sa pagbubuntis.4
Key Takeaway
Ang mga halamang gamot para sa almoranas na ito ay maaari mong gamitin bilang karagdagang lunas sa almoranas. Ang mga halaman tulad ng aloe vera, kalamansi, at bayabas ay madali lang mahanap — madalas ngang mayroon sa bakuran ng mga bahay o di kaya’y sa hardin lamang. Ibinibigay na ng kalikasan sa atin ang mga lunas na kailangan, kaya maigi na ring gamitin natin.
Bagaman ay mabisa ang mga halamang gamot na ito bilang gamot sa almoranas, mas makakasiguro ka sa iyong mabilisang paggaling sa pag-inom ng gamot tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000). Ang gamot na ito ay nagpapalakas sa iyong ugat at nagpapagaling sa almoranas sa mas mabilis na panahon. Para sa inyong kaalaman, magbasa tungkol sa Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) sa link na ito.
REFERENCES
-
https://halamang-gamot.com/gamot-sa-almoranas/
-
https://health.clevelandclinic.org/5-best-and-worst-home-remedies-for-your-hemorrhoids/
-
https://www.stlukes-stl.com/health-content/medicine/33/000077.htm#:~:text=Other%20herbs%20that%20are%20often,can%20interact%20with%20sedative%20medications
-
https://italisvital.info/wp-content/uploads/2018/07/botanical_treatments.pdf
-
https://journals.ubmg.ac.id/index.php/IICSDGs/article/view/84
2025