Almoranas
Gamot sa Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
7/10/2024
Paano Linisin ang Almoranas
Paano linisin ang almoranas?
- Dahan-dahang linisin ang almoranas gamit ang sabon at wipes
- Gumamit ng tamang over-the-counter na produkto para sa almoranas
- Panatilihing tuyo ang almoranas
- Mag sitz bath o maligo para linisin ang almoranas
Overview
- Ang pagiging malinis ay kinakailangan upang maging komportable at gumaling ang almoranas.
- Dahan-dahan itong linisin gamit ang unscented soap at malambot na toilet paper upang maiwasan ang pagkairita.
- Gumamit ng over-the-counter products kagaya ng witch hazel at hydrocortisone cream upang gumaan ang mga sintomas.
- Panatilihing tuyo ang apektadong lugar sa pamamagitan ng paggamit ng maaliwalas na damit.
- Ang sitz baths o normal na pagligo ay nakakabuti para sa kaginhawaan at kalinisan ng apektadong lugar.
Introduction
Ang almoranas ay nagbibigay nang nakakadismaya at masakit na karanasan para sa taong mayroon nito, lalo na kung mayroong dugo sa dumi. Nagmumula ito sa namamagang ugat sa puwetan o mas mababang bahagi ng rectum. Ang kondisyong ito ay nagagamot sa bahay at sa pamamagitan ng pagbabago ng pamumuhay1. Kung ikaw ay nakakaranas ng pagsumpong o anumang sintomas ng almoranas, mahalaga ang tamang kalinisan para mapangalagaan ang kondisyong ito.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung paano lilinisin ang almoranas. Mula sa dahang-dahang paglilinis hanggang sa paggamit ng sitz baths, ipagpatuloy ang pagbabasa upang mapabilis ang paggaling dito.
Dahan-dahang Linisin ang Almoranas Gamit ang Sabon at Wipes
Ang pagpapanatili ng kalinisan sa pagilid ng iyong almoranas ay nangangailangan ng maingat na pamamaraan. Hindi lamang ito tungkol sa paraan ng iyong pagpunas o diin na inilalagay mo dito. Ito rin ay tungkol sa paggamit ng tamang sabon at tissue.
Ang pwet ay maaring linisin ang sarili ng kusa2. Bagamat mahalaga pa ring linisin ito gamit ang tubig at unscented soap3. Ang mga scented soaps ay mayroong kemikal na nagdudulot ng allergic reaction4. Maaari nitong ma-irita ang sensitibong balat sa paligid ng almoranas, na nagreresulta sa pagkatuyo at pagkasugat. Kaya naman hindi inirerekomenda sa mga babae ang paggamit nito sa kanilang sensitibong parte dahil malapit ito sa pwetan5.
Sa paggamit ng tissue, mahalagang malabot at basa ito para maiwasan ang iritasyon ng almoranas6.
Gumamit ng Tamang Over-the-Counter na Produkto Para sa Almoranas
Ang mga over-the-counter products ay nakakatulong laban sa almoranas. Para sa mga kaso ng namamagang ugat sa rectum area, ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang mabisang gamot sa almoranas. Ito ay isang venoactive medicine para sa mga namamaga at nakabukang ugat. Ang pagdagdag nito sa iyong gawain ay maaaring makatulong sa mas mabilis na paghilom ng almoranas.
Ang iba pang OTC products kagaya ng witch hazel at hydrocortisone cream ay maaaring makatulong sa mga sintomas ng almoranas7. Ito ay isang halaman kung saan ginagamit ang kanyang mga dahon, balat, at sanga sa paggawa ng gamot10. Mayaman ito sa kemikal na tannins. Nakakabawas ito sa pamamaga, naghilom ng balat, at lumalaban sa bacteria.
Ito rin ay isang maaasahang lunas para sa pangangati, pamamaga, kagat ng insekto, pasa, at iba pa8. Kapag mayroon kang almoranas, ito ay isang natural na gamot na nagpapaliit sa ugat at nagbibigay ng panandaliang ginhawa sa pangangati at pagkairita9.
Ang hydrocortisone naman, ay isang rectal cream na steroid (tinatawag na corticosteroid)11. Ito ay ay nagpapakalma ng iyong immune response upang mabawasan ang pamamaga, sakit, at pangangati. Ito ang dahilan kung bakit ito ginagamit sa paggamot sa almoranas. Kapag in-apply mo ito sa apektadong lugar, hindi mo kailangang takpan ito ng bandage o dressing maliban na lang kung payo ito ng isang doktor12.
Panatilihing Tuyo ang Almoranas
Ang pagkakaroon ng basa sa almoranas ay maaaring magpalala ng kondisyon nito13. Hindi lamang dahil sa pagligo kundi dahil din sa pawis14.
Upang labanan ito, magsuot ka nang maluwag at maaliwalas na damit para magkaroon ng hangin ang apektadong lugar15. Ang cotton ay isa sa pinaka popular na tela. Kaya nitong panatilihing malamig at tuyo ang iyong katawan. Sa pamamagitan ng pagpapakawala ng pagkabasa, ito ay nakakatulong para makahinga ang iyong balat16.
Mag Sitz Bath o Maligo Para Linisin ang Almoranas
Ang regular na pagligo ay dapat ginagawa nang marahan. Ang paggamit ng peri bottle ay makakatulong upang mas maging komportable ka. Ang gamit na ito ay tinatawag ding perineal irrigation bottle17. Ang paggamit nito para sa iyong almoranas ay simple lang. Kailangan lamang punuin ito ng maligamgam na tubig at gamitin ito sa apektadong lugar18.
Kung hindi kailangang linisin ang buong katawan, maaring gawin ang sitz bath. Puwede itong gawin sa dalawang paraan: ang paggamit ng sitz bath bowl o sa loob ng bathtub.19 Punuin ito ng maligamgam na tubig hanggang maabot ang iyong puwit at umupo ng 10-15 minuto20. Maaari kang magdagdag ng asin o gamot, depende sa reseta ng iyong doktor.
Mga Dapat Tandaan
Ang artikulong ito ay nagsisibling sagot sa tanong na: paano lilinisin ang almoranas? Mahalaga ang pagpapanatili ng tamang kalinisan kapag mayroon ka nito. Sa pamamagitan ng pagsunod dito, maaring mabawasan ang sakit at panganib ng almoranas. Ang almoranas ay isang seryosong kondisyon. Ito ay maaaring magdulot ng mas malalang sitwasyon. Kahit mahalaga ang paglilinis, ang paghahanap ng tulong na medikal ay kinakailangan din upang mapagaan ang iyong kondisyon.
Isa sa mga paraan upang bawasan ang mga sintomas ay ang pag-inom ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay binuo upang makatulong sa paggaan ng almoranas. Hinango mula sa likas na yaman ng oranges, ito ay makakatulong para ibasn ang sintomas ng almoranas at makaranas ka ng kaginhawaan.
REFERENCES
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268#:~:text=Hemorrhoids%20are%20swollen%20veins%20in,the%20anus%20and%20lower%20rectum.
- https://lacolon.com/article/keeping-clean-use-soap-anus
- https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=uf7564#:~:text=Keep%20the%20anal%20area%20clean,Eat%20more%20fibre.
- https://www.mwhtc-stl.com/blog/is-your-soap-causing-anal-itchiness-try-this-instead
- https://www.womenshealthofcentralvirginia.com/ditch-your-scented-body-wash/
- https://chdcityhospital.com/managing-hemorrhoids-and-ensuring-anal-hygiene/
- https://chdcityhospital.com/managing-hemorrhoids-and-ensuring-anal-hygiene/
- https://www.webmd.com/vitamins-and-supplements/witch-hazel-uses-and-risks
- https://www.tampacolorectal.com/blog/your-otc-hemorrhoid-treatment-options-what-works
- https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-227/witch-hazel
- https://www.nhs.uk/medicines/hydrocortisone/#:~:text=Hydrocortisone%20is%20a%20steroid%20(corticosteroid,itching%20and%20swelling%20(inflammation).
- https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/18748-hydrocortisone-cream-lotion-ointment-or-solution
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279466/
- https://www.proctologyinstitute.com/2017/04/14/anal-hygiene-how-to-cleanup-down-there/
- https://chdcityhospital.com/managing-hemorrhoids-and-ensuring-anal-hygiene/
- https://australiancotton.com.au/assets/downloads/Australian_Cotton_Fact_Sheet_-_Features__Benefits_of_Cotton.pdf
- https://www.anjahealth.com/blog/what-is-a-peri-bottle-used-for
- https://www.templehealth.org/about/blog/everything-you-need-to-know-about-hemorrhoids
- https://www.saintlukeskc.org/health-library/taking-sitz-bath
- https://chdcityhospital.com/managing-hemorrhoids-and-ensuring-anal-hygiene/
2025