Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
10/7/2022
Mga Bawal Sa Almoranas
Ano ang mga bawal sa almoranas?
- Pag-inom ng kape at alak
- Kulang sa pag-inom ng tubig
- Masobrahan sa pagkaing low-fiber
- Umupo o dumumi nang masyadong matagal
- Magbuhat ng mabibigat na bagay
- Makipagtalik sa pwet
Kapag ikaw ay nakakuha ng almoranas, dapat ay mag-ingat upang hindi na ito lumalala. Alamin kung ano ang mga bawal sa almoranas at simulan na agad na iwasan ang mga ito. Kailangang gumawa ng pagbabago sa iyong mga pang-araw-araw na gawi para mas mabilis na gumaling mula sa sakit.
Maraming mga bagay ang maaaring magpalala ng almoranas. Kasama na dito ang iilang pagkain at mga gawain natin. Kung hindi natin ito iiwasan, matagal gagaling ang almoranas kahit pa tuloy-tuloy ang pag-inom ng mabisang gamot. Para sa iyong kaalaman, naghanda kami ng listahan ng mga dapat iwasan kapag may almoranas.
Pag-inom ng kape at alak ay makakaapekto sa almoranas
Ang caffeine na matatagpuan sa kape ay may epekto sa ating bituka. Nagbabago ang paggalaw ng bituka kaya madalas nating nararamdaman na kailangan nang dumumi pagkatapos uminom ng kape. Dahil rin dito, maaaring makasama ang kape sa almoranas.1 Napapadalas lalo ang ating pagdumi, at maaari pa ngang makadulot ng diarrhea. Kung madalas dumumi, tataas and presyon sa mga ugat sa pwet at lalala ang almoranas.2 Ang alak naman ay nakakasama rin sa almoranas. Natural na nakaka-dehydrate ang pag-inom ng alak. Kapag nangyari ito, mas nahihirapan ang ating katawan na labanan ang mga sakit tulad ng almoranas, at naaapektuhan din ang ating digestive system.8 Nakakadulot din ng constipation ang dehydration. Bukod pa dito, nakakataas ng blood pressure o BP and pag inom ng alak. Makakadagdag ito sa presyon sa ugat sa pwet, kaya lalala ang almoranas.9
Kulang sa pag-inom ng tubig ay magpapalala ng almoranas
Ang lunas sa almoranas ay pag-iwas din sa constipation o pagtitibi. Isang mabisang paraan para magawa ito ay ang pag-inom ng sapat na tubig araw-araw. Dapat ay aabot ng mahigit 8 na baso ng tubig ang naiinom kada araw para maiwasan ang pagtitibi at gumaling nang mas mabilis.1 Nakakatulong din sa malusog na digestive system ang palaging pag-inom ng tubig. Kung malusog ang sistemang panunaw, malusog din ang pagdumi at hindi magpapalala sa almoranas.
Bukod sa pag-inom ng sapat na tubig, dapat rin umiwas sa mga nakakadulot ng dehydration tulad ng alak.
Masobrahan sa pagkain na low fiber ay di makakatulong sa almoranas
Isa pang paraan para makaiwas sa pagtitibi ay ang pagkain ng mga mayayaman sa fiber. Ang fiber ay ang nagpapalambot ng ating dumi at tumutulong sa proseso ng pagdumi. Ang pagbago sa iyong mga kinakain araw-araw ay lubos na makatutulong sa paggaling ng almoranas.
Kung masobrahan naman ang mga low-fiber na pagkain ay maaaring magkaron ng problema sa pagdumi o pagtitibi.3 Mas lalo tayong iire sa pagdumi at mas lalala ang almoranas. Tingnan ang iilan sa mga pagkaing mababa sa fiber na dapat iwasan muna:
- Fast food4
- Karne4
- Mga processed na pagkain4
- Mga frozen na pagkain4
- Ice cream4
- Cheese4
At ang mga pagkain namang maraming fiber ay mga cereal, mga prutas tulad ng mga peras, mansanas, at raspberries, at mga gulay tulad ng patatas, kalabasa, at green beans.
Kung may pagdurugo nang nangyayari, ang pagkain ng mga maaanghang na pagkain ay maaaring makapag-irita sa mga sugat. Ngunit dapat tandaan na hindi nakakadulot ng almoranas ang pagkain ng maaanghang na pagkain.
Lumalala ang almoranas kung uupo o dudumi nang masyadong matagal
Tuwing tayo ay dumudumi, nagkakaroon ng dagdag na presyon sa ating mga ugat. Minsan, tayo rin ay umiire upang mailabas ang lahat. Dahil ang almoranas ay pamamaga ng ugat sa pwet, ang masyadong matagal na pagdumi o pag-upo ay hindi makabubuti dito.6 Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng almoranas ang mga tao, kaya kung ipagpapatuloy mo ang ganitong gawain habang may almoranas ka na ay siguradong hindi agad gagaling ang sakit. Kasama na rin dito ang pagpipigil ng pagdumi. Maaari pa ngang magkaroon ng komplikasyon dahil dito.
Pagbuhat ng mabibigat na bagay ay maaring magdagdag pwersa sa almoranas
Dapat iwasan ang pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay dahil ito ay nakakapwersa sa buong katawan, kasama ang mga ugat sa rectum o loob ng pwet.6 Ito ang isa sa mga halimbawa kung paano maaring makadagdag sa pwersa sa almoranas ang mga gawain na walang kinalaman sa pagdumi.
Mga Aral
Ang almoranas ay madalas na hindi lumalala at gumagaling lang ng kusa. Ang mga nakalistang pagkain at gawain na mga bawal sa almoranas ay dapat na iwasan para hindi magkaroon ng komplikasyon. Maaari ring umiwas sa mga nabanggit kahit wala pang almoranas upang mapigilan ang pagkakaroon nito.
Kung may almoranas ka na, isabay sa pag-iwas sa mga bawal ang pag-inom ng mga mabisang gamot laban sa almoranas. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ay isang gamot na nakakapagpagaling sa mga ugat at almoranas. Ito ay matatagpuan sa mga botika o drugstore sa buong bansa.
References
- https://mediko.ph/anong-mga-pagkain-ang-bawal-sa-almoranas/
- https://doctorbutlers.com/blog/is-coffee-bad-for-hemorrhoids/
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/324637#hemorrhoids
- https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/hemorrhoids/eating-diet-nutrition
- https://www.spectrumhealth.org/patient-care/digestive-health-and-disorders/colorectal/hemorrhoids
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/324637#hemorrhoids
- https://www.carygastro.com/blog/daily-habits-that-can-cause-your-hemorrhoids
- https://www.chicagoveininstitute.com/alcohol-and-hemorrhoids/
2024