Sanhi at Sintomas ng Almoranas

Almoranas

Gamot sa Almoranas

10/7/2022

Mga Komplikasyon Ng Almoranas

Ano ang mga komplikasyon ng almoranas?

  1. Thrombosis
  2. Anemia
  3. Strangulation o Pananakal
  4. Gangrene
  5. Prolapse
  6. Impeksyon

Kung ikaw ay madalas makaranas ng almoranas, mas madali ka ring madapuan ng mga komplikasyon ng almoranas. Maaaring dahil sa dalas ng pagkakaroon ng almoranas ay lalong humihina ang mga ugat sa iyong puwetan. Maaari rin namang kahit nagkakaroon ka ng almoranas ay hindi ka makakaranas ng kahit na anong komplikasyon dahil bihira lang mangyari ito. Hindi man madalas mangyari, pero mahalaga pa ring handa tayo sa mga posibleng makuhang komplikasyon ng almoranas.

Ang almoranas ay ang sakit kapag may pamamagang nangyayari sa mga ugat sa loob o labas ng iyong puwetan. Karamihan ng mga tao ay makakaranas nito sa buhay nila, ngunit hindi nila mapapansin. Kumpara sa ibang masakit, madali lang magamot ang almoranas. Mayroon ding ibang pagkakataon na nawawala na lang ang almoranas kahit hindi ginagamot. Ngunit ipinapayo pa rin namin na lapatan agad ng lunas kung malaman na may almoranas ka na.

Karamihan ng mga komplikasyon ay nangyayari dahil pinapabayaan lang at hindi ginagamot ang mga almoranas. Narito ang iilan sa mga komplikasyon na ito.

 

komplikasyon ng almoranas

Thrombosis Dahil sa Pamumuo ng Dugo Dulot ng Almoranas

Sa ilang pagkakataon, namumuo ang dugo sa loob ng almoranas. Magkakaroon ng bukol kung saan ito nangyari. Ang tawag sa pangyayaring ito ay thrombosis. Ang pagkakaroon ng isang thrombosed na almoranas, lalo na kung ito ay nasa labas ng puwetan, ay hindi komportable at madalas nakakadulot ng pananakit at mas matinding pamamaga.4 Delikado rin ito dahil ang mga namuong dugo ay maaaring mapunta sa ibang parte ng katawan kasama ng sirkulasyon ng ating dugo. Nakakadulot ito ng mas malulubhang mga sakit.1

Mababawasan ang sintomas ng thrombosed na almoranas kung iinom ng tamang gamot o bibigyan ng lunas tulad ng sitz bath.

Anemia Dahil sa Pagdurugo ng Almoranas

Ang pagdurugo ay isa sa mga karaniwang sintomas ng almoranas. Karamihan sa mga pasyente nito ay nakakaranas ng pagdurugo habang dumudumi ngunit walang mararamdamang sakit. Kung madalas mangyari ang pagdurugo, posibleng magkaroon ng anemia dahil sa labis at dalas na nawawalan ka ng dugo.1 Ito ay nangyayari kung kulang na ng red blood cells ang iyong dugo para magdala ng oxygen sa buong katawan.

Strangulation o Pananakal Dahil sa Pagkaipit ng Almoranas

Ang komplikasyong ito ay nangyayari lamang sa mga internal na almoranas o mga almoranas sa loob ng pwet. May mga malalakas na muscles tayo sa ating pwetan na ginagamit natin sa pagdumi. Sa ibang mga kaso, ang mga internal na almoranas ay naiipit ng mga muscle ng pwet at hindi na naabutan ng dugo. Para itong nasasakal at magdudulot ito ng matinding pananakit sa pasyente. 2/4

Gangrene Dahil sa Hindi Naagapan ang Pagkaipit ng Almoranas

Ang gangrene naman ang sunod na mangyayari sa pananakal ng almoranas kung hindi ito maagapan sa mahabang panahon. Kung mayroong parte ng katawan na hindi nadadaluyan ng dugo sa matagal na panahon, magiging kulay itim ang iyong balat. Ito ay dahil sa pagkamatay ng tissue sa katawan, at madalas itong nagdudulot ng pagputol ng parte ng katawan kung saan nangyayari ito.5

May mga pag-aaral na nagsasabing napipigilan ng almoranas ang pagdaloy ng dugo sa mga malalapit na tissue. Kung matagal na hindi ito maagapan, maaaring maging gangrene ang problema.1

sakit ng almoranas

Prolapse ng Almoranas

Ang internal na almoranas ay hindi nararamdaman ng pasyente at madalas ay hindi nagdudulot ng sakit. Ngunit maaari itong mag-prolapse o mahulog at lumabas o umusli sa butas ng pwet. Mas makikita na sila ngayon kung titingnan ng doktor, at ang ganitong almoranas ay nagdurugo at nakakadulot ng pananakit.3 Ang prolapsed na almoranas ay maaari ring magkaroon ng pamumuo ng dugo at maging thrombosed. Mas masakit din para sa pasyente ang pag-upo at pagdumi kung may prolapsed na almoranas.6

Impeksyon ng Almoranas

Isa sa mga pinakamalalang komplikasyon na maaari mong makuha sa almoranas ay ang impeksyon. Ang mga karaniwang sintomas ng almoranas ay pamamaga, pananakit, at pangangati sa puwetan. Kung makaramdam ng lagnat, paglala ng sakit kahit nakainom na ng gamot, at pamumula sa puwetan, maaaring may impeksyon na sa iyong almoranas.7

Ang impeksyon ay dulot ng bacteria o virus na nakapasok sa iyong katawan. Ang impeksyon sa almoranas ay dapat na agarang ipatingin sa doktor dahil maaari itong makapagdulot ng mga mas malalalang sakit tulad ng peritonitis. Kung umabot ang impeksyon sa ibang mga organs, posible pa nitong pagbantaan ang iyong buhay.7

Mga Aral

Ang mga komplikasyon ng almoranas ay madali lang maiwasan kung mabilis na mabibigyang lunas ang naturang sakit. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa almoranas ay makakatulong para malaman kung kelan tayo dapat magpakonsulta sa doktor. Kung ang mga nararamdaman ay may nakakaapekto na sa pang-araw-araw na mga gawain, maigi na ring magpakonsulta sa doktor.

Ang pag-iwas sa komplikasyon ng almoranas ay pag-iwas din sa mas malalang mga sintomas at dagdag gastos. Para magawa ito, subukang agapan agad ang sakit gamit ang isa sa mga pinakamabisang gamot sa almoranas: ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000). Alamin ang mga importanteng detalye tungkol sa gamot dito!

References

  1. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24881480/ 
  2. https://facty.com/conditions/hemorrhoids/10-causes-and-complications-of-hemorrhoids/ 
  3. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15120-hemorrhoids
  4. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
  5. https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/gangrene
  6. https://www.healthline.com/health/prolapsed-hemorrhoid
  7. https://www.healthline.com/health/infected-hemorrhoid

2025