Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Gamot sa Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
6/22/2023
Pagdurugo ng Almoranas: Ano ang mga Sanhi Nito at Paano Ito Gagamutin?
Ang almoranas ay maaaring maranasan ng mga bata o matatanda. Patunay na rito ang mga pananaliksik kung saan sinasabi na kalahati sa mga taong nasa edad 50 pataas ay nakakaranas ng almoranas at nakakatanggap ng mga treatments upang maagapan ito1. Ngunit, kahit na ito’y isang karaniwang karamdaman, maari itong lumala kung ito’y hindi gagamutin ng maayos.
Ang almoranas ay isa sa mga karaniwang sanhi nang pagdurugo mula sa puwetan2. Kaya’t narito ang mga rason kung bakit maaari itong mangyari at ang mga tips na makakatulong upang malunasan ang pagdurugo ng iyong puwet dulot ng almoranas.
Bakit Nagdurugo ang Almoranas
Ang almoranas ay dulot ng paglaki ng mga veins sa loob ng rectum na malapit sa ating puwetan (internal hemorrhoids) o sa labas ng puwetan (external hemorrhoids) na nakaunat na sanhi ng labis na pressure na ginagawa ng isang tao sa tuwing siya’y gumagalaw3. Kapag ang almoranas ng isang tao ay puno ng dugo, ang mga maliliit nitong capillaries ay maaring pumutok, sanhi nang pagdurugo.
Narito ang mga karaniwang sanhi nang pagdurugo ng almoranas:
- Labis na pagpupunas ng puwet pagkatapos dumumi o ang pagkakaroon ng matigas na dumi.
- Pagkairita ng anal area sa tuwing nagpupunas kung saan sensitibo at masakit itong gawin kung ang isang tao ay mayroong external hemorrhoids.
- Ang pagsunod sa low-fiber diet ay maaaring magpataas ng paninigas ng dumi, na maaaring maging posibilidad na makaranas ng almoranas. Mainam na alamin ang iba pang diet na makakatulong upang hindi lumala ang almoranas.
- Kung hindi ginagamit ang namamagang almoranas, ito’y lalaki at mamamaga pa, na magpapataas ng posibilidad na ito’y mapunit o pumutok hanggang sa ito’y magdugo.4
- Ang pagbubuntis ay nagpapataas ng pressure sa pelvic area. Dahil dito, mas magiging mabilis ang pamamaga at pagdurugo ng almoranas. Mainam na alamin ang mga tamang hakbang upang maiwasan ang almoranas habang buntis.
Ang sakit dulot ng almoranas ay maaaring magbigay ng physical o psychological discomfort. Kung hindi ito maaagapan, maaapektuhan nito ang pamumuhay ng mga taong nahihirapan dito dulot ng pagdurugo ng kanilang puwetan, pangangati, at hindi komportableng sensasyon, na magbibigay sa kanila ng sakit araw-araw5.
Ang dumudugo na almoranas ay karaniwang makikita bilang mga bakas ng matingkad na pulang dugo alinman sa dumi o sa toilet paper pagkatapos itong gamitin upang ipunas sa puwetan. Ngunit, kung ang kulay ng dugo ay madilim na pula, mahalagang pumunta sa doktor sa lalong madaling panahon dahil ito ay maaaring magpahiwatig ng mas malubhang problema na may kaugnayan sa iyong gastrointestinal tract6.
Paano Agapan ang Pagdurugo ng Almoranas
Sa pamamagitan ng pagpigil sa almoranas mula sa pamamaga at pagiging mas sensitibo nito, ang panganib dulot nang pagdurugo nito ay maaaring lubos na mabawasan. Ang isa sa mga paraan upang mangyari ito ay ang paggamit ng mga venotonic treatments. Inirerekomenda namin na tanungin ang inyong doktor tungkol dito.
Kung ang pagdurugo ay tumatagal ng ilang minuto, o kung ito’y paulit-ulit, lubos na inirerekomenda namin na komunsulta sa isang espesyalista. Ito’y dahil ang pagdurugo ng internal hemorrhoids ay maaaring mangailangan ng mas maraming invasive na paggamot tulad ng injection sclerotherapy, rubber band ligation, o infrared photocoagulation7.
Samakatuwid, ang mabilis na pagkilos at paggawa ng mga hakbang bago lumubha ang almoranas ay napakahalaga.
Mga Tips Para Maiwasan ang Pagdurugo ng Almoranas
Hindi man maiiwasan ang sakit na dulot ng almoranas dahil sa mga sensitibo nitong sintomas, may mga tips na makakatulong sa ‘yo upang maiwasan ang paglala nito upang hindi ito mauwi sa pagdurugo8. Ang mga tips na ito’y makakatulong upang mabago rin ang iyong pagda-diet at pamumuhay, na mas makakatulong sa ‘yo upang mag-ingat hanggang sa unti-unting gumaling at mawala ang iyong almoranas.
- Mag-shower ka nang madalas upang matiyak na malinis ang iyong rectal area.
- Ibabad mo ang iyong puwetan sa sitz bath. Maghanda ka ng mababaw na paliguan na tumatakip lamang sa iyong balakang at puwetan na may mainit na tubig9.
- Ugaliing magpunas ng witch hazel oil upang maiwasan ang paggamit ng tuyo at magaspang na toilet paper pagkatapos dumumi. Mas mainam ito kumpara sa wet wipes o baby wipes na magpapadagdag lamang sa pangangati ng iyong puwetan10.
- Imbes na babaan ang pagkain ng fiber foods, dagdagan mo ito upang maging malambot ang iyong dumi at makaiwas sa pagpupunas ng maraming beses dulot ng matigas na dumi11,12.
- Iwasang gumawa ng anumang mabigat na ehersisyo na maaaring magbigay ng mabigat na pressure sa iyong rectal area.
- Iwasan ang sobrang pag-upo sa toilet bowl dahil magbibigay lamang ito ng pressure sa iyong puwetan, na magiging rason upang mairita ang iyong almoranas.
- Mainam na pumili ng cotton underwear. Ito’y nagbibigay ginhawa at pahinga sa iyong balat, na makakaiwas upang hindi mamuo ang anumang moisture sa parte ng katawan na ‘yon13.
- Uminom ng maraming tubig upang malabanan at maiwasan ang constipation.
- Maging pamilyar sa mga oral flavonoid venoactive treatments. Kung patuloy pa rin ang sintomas ng nagdurugong almoranas, mainam na bisitahin ang iyong doctor na magpapayo sa ‘yo tungkol sa mga gamot na dapat mong inumin. Tanungin mo sila tungkol sa mga oral flavonoid venoactive treatments, na tumutulong upang magamot ang mga namamagang ugat at mabawasan ang sakit at mga sintomas habang pinapabuti ang daloy ng iyong dugo7. Ang mga venoactive treatments na ito’y maaari ring gamitin bilang isang hakbang upang makaiwas at mabawasan ang tiyansang bumalik ang almoranas.
Tingnan ang mga sagot na ito sa mga pinakakaraniwang tanong tungkol sa almoranas.
REFERENCES
- Song SG, Kim SH. Optimal treatment of symptomatic hemorrhoids. J Korean Soc Coloproctol. 2011 Dec;27(6):277-81, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3259422/
- Lawrence, A., McLaren E. (2021). External Hemorrhoids. National Library of Medicine. Accessed on 03/10/2022 https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK500009/
- Lohsiriwat V. Hemorrhoids: from basic pathophysiology to clinical management. World J Gastroenterol. 2012 May 7;18(17):2009-17, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3342598/
- Hemorrhoids | ASCRS. (n.d.). Retrieved October 3, 2022, from https://fascrs.org/patients/diseases-and-conditions/a-z/hemorrhoids
- Kibret AA, Oumer M, Moges AM (2021) Prevalence and associated factors of hemorrhoids among adult patients visiting the surgical outpatient department in the University of Gondar Comprehensive Specialized Hospital, Northwest Ethiopia. PLoS ONE 16(4): e0249736, from https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0249736
- Nall, R. M. (2022, April 28). What to know about bleeding hemorrhoids. Retrieved October 3, 2022, from https://www.medicalnewstoday.com/articles/326040#home-remedies
- Ansari, P. (2022, September 19). Hemorrhoids. MSD Manual Professional Edition. Retrieved October 3, 2022, from https://www.msdmanuals.com/professional/gastrointestinal-disorders/anorectal-disorders/hemorrhoids
- Lohsiriwat V et al. Hemorrhoids: From basic pathophysiology to clinical Management World.
- Vazquez JC. Constipation, hemorrhoids, and heartburn in pregnancy. BMJ Clin Evid. 2008 Feb 20;2008:1411, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2907947/
- Steen, M., Briggs, M., King, D. (2006). Alleviating postnatal perineal trauma: to cool or not to cool. National Library of medicine. Retrieved on 3rd october 2022 from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK72402/
- Alonso-Coello P, Mills E, Heels-Ansdell D, López-Yarto M, Zhou Q, Johanson JF, Guyatt G. Fiber for the treatment of hemorrhoids complications: a systematic review and meta-analysis. Am J Gastroenterol. 2006 Jan;101(1):181-8. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16405552/
- Eating, Diet, & Nutrition for Hemorrhoids | NIDDK. (2022, October 3). National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. Retrieved October 3, 2022, from https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/hemorrhoids/eating-diet-nutrition
- Hemorrhoids: Care Instructions. Alberta. Retrieved on the 3rd October 2022 from https://myhealth.alberta.ca/health/AfterCareInformation/pages/conditions.aspx?hwid=uf7564&
2024