Almoranas

Gamot sa Almoranas

1/14/2025

Alin ang Dapat Mong Piling Gamot sa Almoranas: Oral o Topical?

Overview

  • Ang artikulong ito ay tumatalakay sa pagkakaiba ng oral at topical na gamot sa almoranas.
  • Ang mga gamotsa almoranas na iniinom, tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), ay nagbibigay ng lunas sa buong katawan, habang ang mga gamot sa almoranas na ipinapahid gaya ng Emoflon® ay nagbibigay naman ng lunas sa mismong apektadong bahagi ng almoranas.
  • Isaalang-alang ang tindi ng iyong mga sintomas ng almoranas, iyong medical history at personal na kagustuhan bago pumili ng tamang gamot para sa almoranas.

 

Introduction

Ang almoranas ay mga namamagang ugat sa paligid ng butas ng puwet1. Puwede itong magdulot ng sakit, pagdurugo, at hirap sa pagdumi. Maraming tao ang nagkakaroon nito, at iba-iba ang mga dahilan tulad ng sobrang pag-ire, matagal na pag-upo, o kakulangan ng fiber sa pagkain2.

Mahalagang gamutin agad ang almoranas dahil kung mapapabayaan mo ito, maaari itong lumala at magdulot ng mas malaking problema tulad ng matinding sakit o impeksyon.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang pagkakaiba ng oral vs topical na gamot sa almoranas upang matulungan kang pumili kung ano ang nararapat sa iyo.

 

dapat tandaan sa pagpili ng gamot sa almoranas

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Gamot sa Almoranas

Kung nagpapasya ka kung anong gamot ang para sa almoranas, mahalagang isaalang-alang ang ilang bagay na nakakaapekto sa bisa at tamang paggamit nito3. Ang almoranas ay may dalawang uri: ang internal at external. Bawat isa ay nangangailangan ng iba’t ibang paraan ng paggamot batay sa tindi ng mga sintomas4.

 

Mga Sintomas ng Almoranas

Maaari mong suriin ang tindi ng iyong sintomas ng almoranas. Obserbahan ang dalas at tindi ng discomfort, pagdurugo o iba pa. Halimbawa na lamang, ang mga banayad na sintomas ay maaaring magpakita ng paminsan-minsang pangangati o bahagyang pagdurugo, habang ang mga malubhang sintomas naman ay maaaring magdulot ng patuloy na sakit o patuloy na pagdurugo5.

 

Medical History

Ang iyong medical history ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong kalusugan, mga nakaraang kondisyon, at mga posibleng hadlang para sa ilang uri ng paggamot. Kapag naglaan ka ng oras para suriin ito, magkakaroon ka ng kaalaman sa anumang umiiral na kondisyon na mayroon ka tulad ng altapresyon6 o allergies. Ang mga bagay na ito ay maaaring makaapekto sa kaligtasan at bisa ng anumang oral o topical na gamot na iyong gagamitin.

 

Personal na Pangangailangan

Kung hindi mo maisaalang-alang  ang iyong mga personal na pangangailangan, may posibilidad na hindi mo maituloy ang inirekomendang gamot at maaaring magdulot ng hindi magandang resulta. Halimbawa, baka mas gusto mo ang kaginhawahan at direct application ng gaot na pinapahid habang ang iba ay mas gusto ang gamot na iniinom. Lahat ng iyong alalahanin ay dapat tugunan upang masiguro na komportable ka sa piniling paraan ng paggamot7.

 

iniinom na gamot sa almoranas

Gamot sa Almoranas na Iniinom

Ang mga gamot na iniinom ay nakakatulong upang maibsan ang mga sintomas at tugunan ang mga pangunahing sanhi ng almoranas. Kasama sa treatment na ito ang mga gamot at dietary supplements. Ang kaginhawaan nito ay nagiging kaakit-akit para sa pag-manage ng mga internal hemorrhoids o systematic symptoms, dahil madali silang isama sa iyong pang-araw-araw na gawain.

 

Pangpalambot ng Dumi

Ang mga stool softeners o pangpalambot ng dumi ay isang uri ng gamot para sa almoranas na nakakatulong sa may constipation sa pamamagitan ng pagpapadali at pagbawas sa sakit habang dumudumi. Ang mga gamot na ito, na karaniwang may sangkap tulad ng docusate sodium8, ay nagpapataas ng dami ng tubig at taba sa dumi, kaya't nagiging malambot at mas madaling ilabas ito. Makakatulong ang gamot na ito sa iyo dahil ang pagiire sa pagdumi ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon.

 

Pain Reliever

Ang mga oral pain relievers ay mahalaga para ibasn ang sakit dulot ng almoranas. Isa sa mga pinakamahusay na over-the-counter na gamot para sa almoranas ay ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ang venocative treatment na ito ay nagpapabuti ng daloy ng dugo at tinutugunan ang pangunahing sanhi ng almoranas.

Sa pamamagitan ng pagbabawas ng pamamaga at pagpapalakas ng mga ugat, ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay nagbibigay ng agarang ginhawa at pangmatagalang benepisyo para sa may mga sintomas ng almoranas.

 

Mga Iniresetang Gamot

Ang mga iniresetang gamot9 ay nagbibigay-ginhawa para sa mga mas malubha o matagal na sintomas ng almoranas. Hindi tulad ng mga over-the-counter na gamot na pangunahing tumutulong sa panlabas na sintomas, ang mga gamot sa almoranas na may reseta ay kadalasang naglalaman ng mga aktibong sangkap. Ito ay maaaring makapasok ng mas malalim sa apektadong parte, binabawasan ang pamamaga at pinapalakas ang paggaling mula sa loob. Karaniwang inirerekomenda ito kung hindi ka tumutugon nang maayos sa mga over-the-counter na gamot sa almoranas.

 

gamot sa almoranas na pinapahid

Gamot sa Almoranas na Pinapahid

Ang mga gamot sa almoranas na pinapahid ay inilalagay direkta sa apektadong parte upang maibsan ang mga sintomas ng almoranas tulad ng pananakit, pangangati, at pamamaga. Ang mga paggamot na ito ay nilalayong magbigay ng pansamantalang ginhawa sa halip na gamutin ang pangunahing sanhi ng almoranas10.

 

Creams at Ointments

Isang halimbawa ng ointment ay ang Emoflon®, isang pamahid na ginagamit sa iyong almoranas na naglalaman ng sucralfate bilang pangunahing sangkap. Kapag ipinahid ito, gumagawa siya ng pisikal na takip sa lining ng almoranas.

Pinoprotektahan at tinatakpan nito ang almoranas, habang pinapakalma ang namamaga at makating parte at tumutulong sa paggaling ng sugat sa almoranas dulot ng pagdumi. Mas pinadali ang paglalagay ng Emoflon® dahil sa applicator na kasama sa tube nito. Sundin lamang ang mga paraan at i-apply sa paligid ng iyong anus o sa rectum.

 

Over-the-counter

Ang over-the-counter (OTC) ay tumutukoy sa iba't ibang topical products na mabibili nang walang reseta. Ang mga ito ay dinisenyo para magbigay ng pansamantalang ginhawa sa banayad hanggang katamtamang discomfort12. Ang kaginhawahan ng mga ito ay nagbibigay-daan sa paggamot ng iyong mga sintomas sa bahay nang hindi na kailangang pumunta sa doktor.

Bagama’t epektibo ang mga produktong ito sa pag-alis ng sintomas ng almoranas, karamihan sa mga ito ay nakatuon sa pagkontrol ng mga sintomas sa halip na gamutin mismo sa mga sanhi ng almoranas.

 

paano pumili ng gamot sa almoranas

Paano Pumili ng Oral at Topical na Gamot sa Almoranas?

Kapag nagiisip ka kung anong oral o topical na gamot sa almoranas ang gagamitin, mahalagang isaalang-alang ang mga bagay na tinalakay. Isipin din kung gaano kabilis mo kailangan ng ginhawa, gaano kadali gamitin ang gamot, at kung gusto mo bang tugunan ang mga pangunahing sanhi o mag-focus sa agarang lunas ng sintomas ng iyong almoranas. Inirerekomenda rin ang pagkonsulta sa iyong doktor para matulungan kang piliin ang pinakamainam na opsyon batay sa iyong kondisyon at pangkalahatang kalusugan13.

 

Mga Dapat Tandaan

Ang almoranas ay nagdudulot ng matinding sakit, pangangati, at pagdurugo, na hindi lamang nakakagambala sa iyong pang araw-araw na gawain kundi maaari ding makaapekto sa iyong kaisipan at pakikisalamuha sa iba.

Sa pamamagitan ng pag-alam sa mga uri ng gamot para dito, ang pagsaalang-alang ng iyong mga kagustuhan at pagbabago sa lifestyle, maaari mong piliin ang pinaka angkop na paraan upang maibsan ang iyong mga sintomas at ibalik ang kalidad ng iyong buhay. Sa ganitong paraan, magagawa mo muli ang iyong gawain nang walang iniintinding sakit.

Para sa mabilisang lunas mula sa sakit ng almoranas, ang oral at topical na gamot ay maaaring magbigay ng epektibong solusyon. Piliin ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) at Emoflon® ngayon upang maranasan ang kanilang mga benepisyo.

REFERENCES

  1. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
  2. https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/hemorrhoids/definition-facts
  3. https://www.medicalnewstoday.com/articles/73938#treatment
  4. https://www.webmd.com/digestive-disorders/understanding-hemorrhoids-basics
  5. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/diagnosis-treatment/drc-20360280
  6. https://www.chennailasergastro.com/link-between-piles-and-high-blood-pressure/#:~:text=Haemorrhoids%20do%20not%20have%20any,experience%20bleeding%20from%20their%20haemorrhoids.
  7. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4541377/
  8. https://www.webmd.com/drugs/2/drug-323/docusate-sodium-oral/details
  9. https://www.tga.gov.au/resources/resource/guidance/prescription-medicines-overview
  10. https://consultqd.clevelandclinic.org/hemorrhoids-the-definitive-guide-to-medical-and-surgical-treatment
  11. https://www.healthline.com/health/suppositories-for-hemorrhoids
  12. https://www.goodrx.com/conditions/hemorrhoids/what-works-for-hemorrhoids
  13. https://www.houstonmethodist.org/blog/articles/2022/apr/when-to-see-a-doctor-for-hemorrhoids/

2025