Almoranas

Pagiwas sa Almoranas

Gamot sa Almoranas

10/7/2022

Paano Bawasan ang Sakit na Dulot ng Almoranas?

Ano ang mga paraan para mabawasan ang sakit na dulot ng almoranas?

  1. Subukang baguhin ang iyong pamumuhay
  2. Epsom salts
  3. Subukan ang sitz bath
  4. Magpahid ng hemorrhoidal gel
  5. Subukang gumamit ng ice packs
  6. Gumamit nang malambot na panloob o underwear
  7. Alamin ang iba’t-ibang bowel habits
  8. Ugaliing magpahinga
  9. Magpatingin sa doktor
  10. Bumili ng gamot para sa almoranas

Base sa pag-aaral, ang mga taong nasa edad 50 ay biktima ng almoranas. Kung kaya’t hindi madali para sa kanila ang kumilos na may bukol sa kanilang ibaba.1 Sa ganitong sitwasyon, nahihirapan silang dumumi. Kung ating babalikan, ang mga sintomas ng almoranas ay ang pamumula, pangangati, pamamaga sa palibot ng puwit, at pananakit na nagbibigay nang hindi kanais-nais na pakiramdam sa mga taong nakakaranas nito.

Maaari ring makakita ng dugo sa tuwing ikaw ay dudumi. Kung kaya’t ang tanong ng marami ay paano bawasan ang sakit na dulot ng almoranas?

Narito ang mga hakbang kung paano bawasan ang sakit na dulot ng almoranas:

lifestyle changes para sa almoranas

Subukang baguhin ang iyong pamumuhay

Kung ikaw ay sanay na hindi masyadong umiinom ng tubig araw-araw, isa sa pinaka epektibong paraan upang mabawasan ang sakit ng almoranas ay ang ugaliing pag-inom ng tubig, sa kadahilanang tumutulong ito upang mas maging maayos ang iyong digestive process.2 Maliban sa pag-inom ng tubig, nakakatulong din ang pagkain na mayaman sa fiber.

 

Epsom salts

Nakakatulong upang mabawasan ang sakit na dulot ng almoranas ang paggamit ng Epsom salts.4 Bumili nang nabanggit, haluin sa tubig at ilagay sa bahagi ng iyong puwitan na sumasakit gamit ang gauze pad o malambot at malinis na tela. Gawin mo ito tuwing maliligo.

 

Subukan ang sitz bath

Upang maibsan ang pananakit ng iyong almoranas, subukang umupo sa mainit na palanggana — kung saan ay tinatawag itong sitz bath. Sa paraang ito, balakang mo lang ang nakababad. Maari mo itong gawin tatlong beses kada araw. Kung gusto mong maging komportable habang ginagawa ang sitz bath, maaari kang bumili ng palanggana na pwedeng ikabit sa inidoro para mas maging magaan ang proseso.

Gawin ang sitz bath ng ilang minuto hanggang sa gumaan ang pakiramdam. Ginagawa ito pagkatapos maglabas ng dumi. Ugaliing magdahan-dahan upang hindi mairita ang almoranas.

 

hemorrhoid cream para sa almoranas

Magpahid ng hemorrhoidal gel

Maliban sa Epsom salts, mabisa rin ang pagpapahid ng petroleum jelly upang mabawasan ang pangangati ng iyong puwitan at mahinto ang impeksiyon.2 Ito rin ang nagsisilbing barrier mula sa almoranas.

 

Subukang gumamit ng ice packs

Mabisang paraan din ang paglalagay ng ice pack sa namamaga o apektadong bahagi sa loob ng ilang minuto hanggang sa maramdaman mong nababawasan ang sakit dulot ng almoranas.5 Nakakatulong din ito upang mabawasan ang pamamaga at nagbibigay nang ginhawa.

 

Gumamit nang malambot na panloob o underwear

Ang pagsusuot ng mga panloob o maluluwag na damit ay nakakatulong para mabawasan ang pananakit ng iyong almoranas. Nagiging tulay ito upang maibsan ang pressure sa bahagi ng iyong puwit.6 Kadalasan, ang pagsusuot ng mga masisikip na panloob ay nagdudulot ng moisture sa iyong pang-upo na nagiging sanhi sa pagkairita ng iyong almoranas.

 

Alamin ang iba’t-ibang bowel habits

May tatlong bowel habits na kailangang alamin at gawin ng mga taong may almoranas upang mabawasan ang pananakit nito:

  1. Huwag umupo nang matagal sa inidoro – ang pag-upo nang matagal sa inidoro ay nagiging rason kung bakit naiipon ang dugo sa iyong puwit. Kung mahilig kang magbasa, mag-selpon, o magbabad ng ilang minuto sa pag-upo sa inodoro, dapat mo itong iwasan.
  2. Iwasan ang pagpipigil sa pagdumi – may iilan na nakaugaliang pigilan ang pagdumi. Kung ito’y iyong ginagawa, mas lalo nitong pinapalala ang iyong almoranas. Kung kaya’t mainam na pumunta agad sa banyo sa tuwing tinatawag ka ng kalikasan.
  3. Ipatong ang paa sa bangkito – ang ganitong paraan ay nakakatulong upang mas mapadali ang iyong pagdumi. Ipatong ang paa sa bangkito tuwing ikaw ay dudumi.

 

Ugaliing magpahinga

Nababawasan ang pananakit ng iyong almoranas kung may sapat kang pahinga araw-araw. Tuwing matutulog, ugaliin mong matulog nang nakadapa at huwag kalimutan maglagay ng unan sa iyong balakang.7 Sa ganitong paraan ay mababawasan ang pamamaga ng iyong puwitan.

 

Almoranas treatment

Magpatingin sa doktor

Malubha man o hindi ang iyong nararamdamang sakit dulot ng almoranas, ‘wag mo itong ipagsawalang-bahala.8 Ang almoranas ay agarang nagagamot ngunit iba pa rin kung magpapa-konsulta ka sa doktor upang mabigyan ka ng mga home remedies o over-the-counter na gamot upang maibsan agad ang pananakit.

 

Bumili ng gamot para sa almoranas

Ang unang gamot na inirerekomenda ng mga doktor sa taong may almoranas ay ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay gamot para sa agarang paglunas sa iyong almoranas. Ito ay ginawa upang guminhawa ang iyong pakiramdam at mabawasan ang sakit at sintomas ng almoranas.

Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay pinapaginhawa ang pamamaga at pinahihinto ang pagdurugo. Nakakapagbigay ito ng agarang lunas sa mga sintomas sa almoranas.

Mga Aral

Maraming paraan kung paano bawasan ang sakit na dulot ng almoranas. Maiiwasan ang pananakit nito kung susundin mo ang mga nabanggit na paraan para maibsan ang sintomas at sakit nito.

Kung pakiramdam mo ay patuloy pa rin sa pagsakit ang iyong puwitan dulot ng almoranas, magpatingin sa doktor at uminom ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay gamot na kayang gamutin ang pananakit, pamamaga, pangangati, at pagdurugo sa bahagi ng iyong puwitan.

References

  1. https://www.epainassist.com/articles/common-symptoms-the-elderly-should-never-ignore 
  2. https://www.healthline.com/health/how-long-do-hemorrhoids-last#symptom-relief
  3. https://www.healthline.com/health/pregnancy/hemorrhoids#home-remedies
  4. https://www.healthline.com/health/epsom-salt-for-hemorrhoids
  5. https://www.healthline.com/health/pregnancy/pregnancy-hemorrhoids#treatment
  6. https://www.mwhtc-stl.com/blog/what-to-wear-how-to-sleep-and-other-practical-tips-for-hemorrhoid-sufferers
  7. https://www.healthline.com/health/what-do-hemorrhoids-feel-like#treatments
  8. https://www.healthline.com/health/hemorrhoids#diagnosis

2025