Almoranas

Pagiwas sa Almoranas

10/7/2022

Paano Maiwasan ang Almoranas

Narito ang mga paraan para maiwasan ang almoranas

  1. Huwag puwersahin ang pagdumi
  2. Iwasan ang pag-upo nang matagal sa toilet
  3. Kumain ng pagkain na mataas sa fiber
  4. Uminom ng maraming tubig
  5. Magbawas ng timbang
  6. Regular na pag-eherisyo
  7. Gamutin ang constipation at diarrhea

Ang almoranas ay nangyayari kapag namaga ang ugat sa puwet.1 Maraming mga Pilipino ang nakakaranas ng almoranas, pero kung ayaw mong maranasan ang pananakit, pangangati, at pagdurugo, may mga hakbang ka na maaaring gawin para maiwasan ito. Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa para sa iba’t ibang tips kung paano maiwasan ang almoranas!

Huwag Puwersahin Ang Pagdumi

Isa sa mga sanhi ng almoranas ay ang madalas na pagpuwersa tuwing dumudumi. Maraming tao ang pinipilit dumumi sa pamamagitan ng pag-ire.

Naglalagay ito ng matinding puwersa sa ugat sa iyong puwet, at maaaring mag sanhi ng almoranas.2

Maraming rason sa puwersahang pag-ire, tulad ng matigas na dumi at constipation. Para natural nang dumumi ng walang puwersa, pumunta lamang sa banyo kapag kinakailangan. Mag relax, at huwag pilitin ilabas ang dumi.3

Ang tamang pag-upo ay makakatulong din sa maayos na paglabas ng dumi. Itaas ang paa sa isang step stool para maging mas mataas ang tuhod sa balakang. Paglayuin ang binti at ilagay ang braso sa taas ng tuhod. Ang posisyon na ito ay makakatulong sa pagdumi.3

 

almoranas at pag upo ng matagal sa toilet

Iwasan Ang Pag-Upo Nang Matagal Sa Toilet

Ang pag-upo nang matagal, lalo na sa toilet, ay isa sa mga sanhi ng almoranas. Naglalagay ito ng puwersa sa mga ugat sa iyong puwet.2 Mas matagal ang oras na nakaupo ka sa toilet, mas mataas ang pagkakataon na puwersahin ang pagdumi.4

Ang isa sa mga rason ng matagal na pagupo sa toilet ay ang kadalasang pagdadala ng mobile phone o pagbabasa ng dyaryo or magazine sa loob ng toilet.

Kumain Ng Pagkain Na Mataas Sa Fiber

Para maiwasan ang almoranas, magandang ideya na panatilihing malambot ang iyong mga dumi. Sa pamamagitan nito, maiiwasan mo ang pag-ire habang dumudumi.2

Para maging malambot ang iyong dumi, kumain ng mga pagkain na mataas sa fiber. Dahan-dahan na idagdag ang fiber sa iyong diet para hindi mabigla ang iyong tiyan.2

Ang mga pagkain na mayaman sa fiber ay ang mga prutas, gulay, at whole grains.2 Halimbawa, imbes na kanin o tinapay, maaari kang kumain ng oatmeal para sa almusal. Ang oats ay mayaman sa fiber, at madali lang ihanda.5 Maari ka rin kumain ng strawberries, avocadoes, mansanas, saging, broccoli, kidney beans, almonds, chia seeds, at kamote.4

 

tubig tulong sa almoranas

Uminom Ng Maraming Tubig

Ang pag-inom ng sapat na tubig kada araw ay makakatulong upang mas mapalambot ang iyong dumi.2 Maliban dito, importante rin na uminom ng maraming tubig kung kumakain ka ng mga pagkaing mayaman sa fiber, para maiwasan mo ang constipation.6

Uminom ng anim hanggang walong baso ng tubig at ibang liquids kada araw. Hindi kasama dito ang mga alcoholic drinks.2

Panatilihin Ang Malusog Na Timbang

Isa sa mga sanhi ng almoranas ay ang pagiging obese.2 Ang obesity ay ang pagkakaroon ng sobrang taba sa katawan.7 Karaniwan ang almoranas sa mga obese at overweight dahil sa mga susunod na rason:

  • Diet na mababa sa fiber8
  • Madalang na pisikal na aktibidad8
  • Matagal na pag-upo.8

Dahil mas mataas ang risk ng almoranas sa pagiging overweight, magandang ideya ang pagpanatili ng malusog na timbang.

 

ehersisyo para sa almoranas

Regular Na Pag-Ehersisyo

Ang regular na exercise ay nakakatulong laban sa constipation at nakakatulong din sa pagbabawas ng timbang. Kung palagi kang nakaupo, mas mataas ang risk mo sa almoranas.2 Maging aktibo sa pamamagitan ng regular na paglalakad, subukan ang yoga, o mag swimming.4

Gamutin Ang Constipation At Diarrhea

Ang constipation ay madalas na sanhi ng almoranas dahil hirap ka sa pagdumi. Dahil di lumalabas ang iyong dumi, mas mataas ang pagkakataon na pilitin mo umire. Sa kabilang banda, kung di gumagaling ang iyong diarrhea o pagtatae, maaari ka rin magka almoranas.9

Maliban sa pagkain na mayaman sa fiber at pag-inom ng maraming tubig, makakatulong din sa constipation ang mga fiber supplements. Magpacheckup sa doktor kung di gumanda ang iyong kundisyon.10

Para sa malala at pangmatagalang diarrhea, kailangan mo rin ng tulong ng doktor dahil iba-iba ang sanhi nito.11

Mga Aral

Maraming paraan paano maiwasan ang almoranas. Ang pagkain ng mga fiber-rich foods at at madalas na pag-inom ng tubig ay makakatulong magpalambot na dumi, para hindi mo na kailangan puwersahin ang pagdumi at umupo ng matagal sa toilet. Huwag din kalimutan na panatilihin ang malusog na timbang sa pamamagitan ng pag-eehersisyo ng tama. Kung seryoso ang iyong constipation at diarrhea, huwag magdalawang isip pumunta sa doktor.

Kung ikaw ay may almoranas, maaari mong subukan ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ang gamot na ito ay kayang gamutin ang iyong almoranas, at bigyan ka ng ginhawa sa pangangati, pananakit, at pagdudugo!

References

  1. https://www.healthline.com/health/hemorrhoids
  2. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
  3. https://www.healthline.com/health/poop-strain#how-to-avoid-straining
  4. https://health.clevelandclinic.org/5-simple-ways-you-can-prevent-hemorrhoids/
  5. https://www.healthline.com/nutrition/22-high-fiber-foods
  6. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4059-constipation
  7. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/obesity/symptoms-causes/syc-20375742
  8. https://www.obesityaction.org/resources/obesity-and-hemorrhoids/#:~:text=a%20bowel%20movement-Hemorrhoids%20are%20more%20common%20in%20the%20overweight%20population%20for%20several,Drink%20plenty%20of%20fluids
  9. https://www.medicalnewstoday.com/articles/73938#causes
  10. https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/constipation/treatment
  11. https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/diarrhea/treatment

2025