Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Almoranas
10/7/2022
Paano Malalaman Kung May Almoranas?
Ano ang mga senyales na may almoranas ka?
- Pansinin ang mga sintomas ng almoranas
- Magpakonsulta sa doktor para sa almoranas
Ang almoranas ay isang kondisyon na kinakatakutan ng marami. Kasama na sa mga rason dito ay ang pananakit na nadudulot nito at ang kabuuang pagtingin ng karamihan sa almoranas. Bukod pa rito, nagiging mahirap din ang pagdumi. Bagaman maraming nagkakaroon ng kondisyong ito, maliit na porsyento lang ang nagkakaroon ng mga sintomas. Mas maliit na porsyento pa lalo ang mga nakakaranas ng pananakit at mga komplikasyon ng almoranas. Sa ganitong pagkakataon, paano malalaman kung may almoranas ka na?
Unang-una, maigi nang alamin kung ano ang mga sintomas ng almoranas. Tulad ng mga ibang sakit, may mga mararamdaman kang kakaiba sa’yong katawan kung ikaw ay nagkaka-almoranas. Maaaring may almoranas ka kahit hindi mo nararamdaman, kaya mas mabuti ring gawin ang lahat upang maiwasan ang sakit bago pa ito mangyari.
At dahil iba-iba rin ang karanasan ng mga tao sa almoranas, mahirap matukoy nang agad-agad kung bakit nagkakaroon ng almoranas. Para mas lumalim ang pag-unawa sa naturang sakit, at para mabilis ding maagapan kung sakali, dapat pansinin ang mga sintomas at magpakonsulta sa doktor.
Pansinin ang mga sintomas ng almoranas
Kung wala kang nararamdamang sintomas, hindi ibig sabihin ay wala kang almoranas. Ang almoranas ay pwedeng makuha ng kahit na sino, bata man o matanda. Hindi ka dapat agad-agad maging kampante kung wala kang sintomas, lalo na kung may edad na o may karanasan na sa almoranas dati.
Ang pagkakaroon ng sintomas ay ang paraan ng ating katawan upang ipaalam sa atin na may nangyayaring hindi normal. Kapag may naramdaman ka na sa bandang puwetan na maaaring sintomas ng almoranas, maging mas mapagmasid sa sariling nararamdaman. Tandaan rin kung ano ang mga sintomas ng almoranas para malaman kung ito ba talaga ang sanhi ng mga sintomas na nararamdaman.
Ang mga sintomas ng almoranas ay nababase sa uri at grado nito. Ang mga pinakamadalas maramdaman ay ang mga sumusunod:
- Pagdurugo habang dumudumi3
- Malaking bukol sa pwet3
- Pananakit sa pwet3
- Pangangati at iritasyon sa bandang pwetan3
- Pamamaga ng pwet3
- Pagtagas ng dumi mula sa pwet (sa mga malalang kaso)3
Nagkakaroon ng almoranas dahil sa pamamaga ng ugat sa pwet. Maaari itong mangyari sa loob (internal) o sa labas (external). Ang mga bukol na nararamdaman ay maaaring magkaroon ng pamumuo ng dugo. Kapag dumudumi, maaari kang makakita ng pagdurugo. Tandaan na ang dugo na galing sa loob ng pwet o rectum ay pula, at ang dugo na galing sa loob pa ng katawan, tulad ng tiyan o bituka, and dugo ay maitim.
Kapag nakaramdam ka na ng mga sintomas na ito, dapat ay gumawa na agad ng paraan para gamutin ito. Ang sakit na ito ay kusang nawawala, pero mas maigi na gawin ang kaya para mapabilis ang paggaling. Marami namang gamot at lunas sa almoranas na magagawa sa bahay.
Magpakonsulta sa doktor sa almoranas
Ang pangalawang pwedeng gawin ay magpakonsulta sa doktor. Sila ang mas may alam kung paano malalaman kung may almoranas ka na. Mas madalas mangyaring mawawala agad ang almoranas gamit lang ang mga lunas sa bahay at mga gamot. Kapag mas malala na ang sakit o iritasyon na nararamdaman, o di kaya’y lumipas na ang isang linggo at walang nakapagpagaling sa iyong nararamdaman, kailangan nang magpakonsulta sa doktor. Ito ang kanilang mga gagawin:
- Medical history:4 Kukunin muna ng doktor ang iyong medical history. Aalamin niya kung ano nang mga sakit ang naranasan mo, kung nakaranas na ba ng almoranas ang mga kapamilya mo, at iba pa.
- Pisikal na pagsuri:4 Titingnan ng doktor ang iyong puwetan upang malaman kung almoranas nga ba talaga ang iyong nararanasan. Maaari ring magpasok ng isang daliri ang iyong doktor upang kapain ang loob ng iyong pwet.6 Ito ay dahil may mga iba ring sakit na katulad ang sintomas sa almoranas tulad ng: Crohn's disease, diverticulitis, colitis at colorectal cancer.5
- Mga Ibang Paraan: Maaari ring gumamit ng mga ibang kagamitan ang iyong doktor para malaman kung may almoranas ka. Ang anoscopy ay ang paggamit ng anoscope para tingnan ang loob ng iyong pwet. Hindi kinakailangan ng anesthesia para dito at maaaring gawin sa opisina ng iyong doktor.4 Pwede ring magsagawa ang iyong doktor ng rigid proctosigmoidoscopy. Dito, gagamit ang doktor ng proctoscope para makita ang mas loob na parte ng iyong pwet. Sa dalawang procedure na ito, maaaring mahanap ang mga internal almoranas.4
Mga Aral
Palaging tandaan na kung mas mabilis mahanap, matukoy, at maagapan ang almoranas ay mas mabilis rin ang iyong paggaling. Kung malaman mo na may almoranas ka na, gawin na agad ang mga pambahay na lunas at pagbabago sa mga gawi. Para malaman na may almoranas ka, kailangan ay alam mo kung ano ang mga sintomas o kaya’y magpakonsulta ka sa doktor. Isa sa mga mabisang paraan upang gamutin ang almoranas ay ang pag inom ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000). Ito ay isang MPFF na gamot na nagpapatibay sa mga ugat sa puwetan. Para masiguradong mabisa ito, maaaring magbasa pa tungkol sa gamot na ito, o di kaya’y alamin ang aming mga sagot sa mga tanong na madalas naming matanggap. Makakatulong rin ang pagbabasa ukol sa gamot sa almoranas upang mabisang masolusyunan ang iyong nararamdaman!
References
- https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/hemorrhoids
- https://medium.com/@t.kagan0123/alamin-ang-itsura-ng-almoranas-3fd4382b4c36
- https://daflon.ph/tl-PH/blog/almoranas/gamot-sa-almoranas
- https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/hemorrhoids/diagnosis
- https://www.webmd.com/digestive-disorders/understanding-hemorrhoids-symptoms
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/diagnosis-treatment/drc-20360280
2024