Almoranas
Gamot sa Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
4/17/2024
5 Tips sa Paggamit ng Banyo Habang may Almoranas
Ano ang mga tips sa paggamit ng banyo habang may almoranas?
- Iwasan ang puwersang pagdumi
- Huwag magtatagal sa paggamit ng palikuran
- Uminom ng stool softener
- Gumamit ng natural wet wipes
- Subukan ang sitz bath
Isa sa mga ayaw maranasan ng taong may almoranas ay ang biglaang pagpunta sa palikuran para dumumi. Ito’y nagiging rason para kumati at humapdi ang kanilang almoranas sa kanilang puwetan. Pero ang magandang balita ay pwede kang gumamit ng banyo habang may almoranas sa pamamagitan ng mga tips na aming ibabahagi rito!
Iwasan ang puwersang pagdumi upang hindi lumala ang almoranas
Ang puwersang pagdumi ay nagiging sanhi para maapektuhan ang iyong almoranas. Sa bawat puwersang iyong ginagawa habang ika’y dumudumi, mas lalo itong naiirita at nangangati.1 Subukan mong umupo nang maayos sa ibabaw ng inidoro at siguraduhin mong nasa maayos na posisyon ang iyong puwetan habang ikaw ay dumudumi para hindi mamaga ang iyong almoranas.
Huwag magtatagal sa paggamit ng palikuran kapag may almoranas
Habang nakaupo sa inidoro ay hindi natin maiiwasang gumamit ng telepono o kaya naman ay magbasa kung kaya’t tumatagal tayo sa pagkaupo.2 Hindi dapat ito ginagawa ng mga taong may almoranas dahil habang tumatagal ka sa pagkakaupo sa inidoro, mas lalong lumolobo ang mga ugat sa iyong puwit at maaring maging sanhi ng pagdurugo lalo na kung may almoranas ka.
Kung kaya’t iwasang magtagal sa pagkakaupo sa inidoro para hindi ka makaramdam nang sakit dulot ng almoranas.3
Uminom ng stool softener para hindi sumakit ang almoranas
Ang pag-inom ng stool softener bago magdumi ay isang mabisang paraan para hindi maging masakit ang pagdumi lalo na kung may almoranas.
Ang pag-inom ng tubig na may lemon o pagkain ng mga prutas ns sagana sa fiber ay makakatulong sa maginhawang pagdumi kung ikaw ay may almoranas.4 Ugaliin din ang pag-inom ng maraming tubig upang hindi maging matigas ang iyong dumi.
Gumamit ng natural wet wipes para sa almoranas
Gumamit ng natural o organic na wet wipes.3 Siguraduhing maingat ang iyong pagpunas gamit ang natural wet wipes sa iyong puwetan dahil sensitibo sa magaspang na tela ang almoranas. Tandaan na huwag gumamit ng wet wipes na may alcohol, fragrance, o na maaring makairita sa almoranas.
Iwasang din gumamit ng magaspang na toilet paper o tela.
Tandaan din na punasan nang maayos ang iyong puwetan dahil kapag may naiwan na dumi ay magsasanhi ito nang pangangati at impeksyon sa iyong almoranas.
Subukan ang sitz bath
Para sa mga taong may almoranas, pamilyar sa kanila ang sitz bath.1 Ito ay ang pag-upo sa palanggana o balde na may maligamgam na tubig at may epsom salt upang upang makatulong sa pagtanggal sa pangangati, pagkairita, o pamamaga ng puwetan dulot ng almoranas.
Ano ang mabisang gamot para sa almoranas?
Ang almoranas ay hindi dapat ipinagsasawalang-bahala dahil nagbibigay ito ng hindi magandang pakiramdam sa taong mayroon nito.
Ang MPFF: Diosmin + hesperidin (Daflon 1000) ay isang mabisang gamot para maibasan ang mga sintomas dulot ng almoranas. Ito ay inirerekomenda ng mga doktor dahil maraming pag-aaral na ang nagpapatunay na epektibo ito.
Mga Dapat Tandaan
Hindi madali para sa mga taong may almoranas ang kumilos, umupo, o magsuot ng mga masisikip na kasuotan kung kaya’t dapat lamang na malaman nila ang mga tips sa paggamit ng palikuran habang may almoranas.
Kung gusto mong mawala ang patuloy na pagsakit ng iyong puwetan dulot ng almoranas, huwag matakot na kumunsulta sa doktor at inumin ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Nakakatulong ang gamot na ito upang gamutin ang pagdurugo, pangangati, pamamaga, at pananakit sa bahagi ng iyong puwetan sanhi ng almoranas.
REFERENCES
-
https://doctorbutlers.com/blog/how-to-poop-with-a-hemorrhoid/
-
https://www.medicinenet.com/ease_pain_when_going_to__bathroom_with_hemorrhoids/article.htm
-
https://www.preparationh.com/learn-more/using-the-bathroom/
-
https://www.healthline.com/health/digestive-health/natural-stool-softeners
2025