Almoranas

Gamot sa Almoranas

Sanhi at Sintomas ng Almoranas

7/12/2023

Pinakamabisang Gamot Sa Almoranas

Isa Sa Mga Pinakamabisang Gamot Sa Almoranas: Diosmin+Hesperidin (Daflon 1000)

Karamihan sa mga adult ngayon ay nakakaranas ng almoranas, kaya’t importanteng alam natin kung ano ang mga pinaka-mabisang gamot sa almoranas. Habang tayo’y tumatanda, mas tumataas ang posibilidad na makaranas ng almoranas dahil humihina na ang ating katawan. Sa katotohanan, mahigit tatlo sa bawat apat na adult ang nakakaranas ng kondisyong ito.

Kung naranasan mo nang magkaroon ng almoranas ay alam mo nang ang pananakit na dulot nito. Marami nang lunas ang meron para dito, pero mas maigi kung gagamitin agad ang pinaka-mabisang gamot sa almoranas para sa mabilisang paggaling.

Mas palalimin natin ang ating kaalaman sa sakit na ito.

ano ang almoranas

Ano ang Almoranas?

Ang almoranas o hemorrhoids ay isang kondisyon kung saan may pamamagang sa mga ugat sa loob o labas ng puwet. Nagduduot ito ng pananakit, pangangati, hirap sa pagdumi, at iba pa. Sa ganitong sakit, mahalagang maagapan agad-agad gamit ang isa sa mga pinaka-mabisang gamot sa almoranas bago pa ito lumalala o magka-komplikasyon.

Nagkakaron tayo ng almoranas dahil sa paghina ng mga ugat sa puwetan, pagpipigil sa pagdumi, at iba pang nakakadulot ng strain sa parteng ito ng ating katawan. Bagama’t nakakatakot at lubos na masakit, ang almoranas ay hindi nakamamatay sa mababang grado at kung walang komplikasyong mangyayari.

 

Ano ang mga Sintomas ng Almoranas?

Maaaring magkaroon ng almoranas sa loob o sa labas ng puwet. Iba’t-ibang sintomas ang pwedeng maranasan dahil dito. Para malaman kung anong klaseng almoranas ang iyong nararanasan, makakatulong kung alam mo ang mga sintomas nito.

 

External Almoranas

Ito ang almoranas na nangyayari sa mga ugat sa labas o nakapalibot sa puwetan. Ito ang mga sintomas na mararamdaman dito:

  • Pamamaga sa paligid ng puwet 1
  • Pangangati o iritasyon sa puwetan 1
  • Pananakit sa apektadong parte 1
  • Pagdurugo 1

 

Internal Almoranas

Ito naman ang almoranas na nabubuo sa loob ng puwet. Ang mga sintomas ay:

  • Hindi masakit, pero may padudugo sa pagdumi 2
  • Kung ang bukol ay malapit sa butas, maaaring makaranas ng pananakit 2

 

Thrombosed Almoranas

Nangyayari ang thrombosed almoranas kung may namuong dugo sa isang external almoranas. Ang mga sintomas ay:

  • Lubos na pananakit 1
  • Pamamaga 1
  • Malaking bukol sa may puwetan 1

 

gamot sa almoranas

Paano Gamutin ang Almoranas?

Ang kondisyong ito ay kayang pagalingin ng pinaka-mabisang gamot sa almoranas, pero maigi pa ring magpatingin sa doktor para makaiwas sa komplikasyon. Ang iilang mga lunas sa almoranas na mababanggit dito ay mabisa lamang sa paglaban sa mga sintomas tulad ng pananakit at pamamaga.

 

Mga Pambahay Na Lunas Sa Almoranas

Kung ikaw ay nagka-almoranas, maaari mong piliin na sumubok muna ng mga pambahay na lunas bago pumunta sa doktor. Ang mga gawi na makakatulong sa paglaban at pag-iwas sa almoranas ay ang pagkain ng fiber-rich food, pagsuot ng maluluwag na damit, at pag-inom ng maraming tubig.

Para naman mabawasan ang mga sintomas ng almoranas, maaring gumamit ng sitz bath, o pagbabad ng puwetan sa maligamgam na tubig sa isang malaking palanggana. Ito ay nakakatulong sa pamamaga at pananakit na nararanasan. Pwede ring gumamit ng mga cold compress o yelo na nakabalot sa tela.1

 

Operasyon

Ito ang isa sa pinakamabisang paraan para mawala ang almoranas, pero ito rin ang pinakamagastos. Ang mga malalalang kaso ng almoranas ay pwedeng ipa-opera sa doktor para tanggalin ito nang tuluyan. May iba’t-ibang uri ng operasyon para sa almoranas. Magkonsulta muna sa inyong doktor para malaman ang nararapat para sa’yo.

 

Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000): Ang Isa sa Pinakamabisang Gamot Sa Almoranas

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ay isa sa pinakamabisang gamot sa almoranas dahil kaya nitong gamuting ang sakit bago pa ito lumalala. Ang mga pambahay na lunas ay makakatulong lamang sa mga sintomas, pero hindi mawawala ang kondisyon. Kung gumamit ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) para maagapan agad ang sakit, makakaiwas ka na sa dagdag na sakit pati na rin sa gastos sa opera.

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ay ang isa sa mabisang gamot Ito ay gumagamit ng micronized, purified flavonoid fraction o MPFF para magpagaling ng almoranas. Ang mas mataas na dosage nito ay mas nagpapabilis ng pagpapagaling sa naturang sakit. Pinapalakas nito ang ating mga ugat, kasama na ang nasa puwetan.

Maituturing ito na isa sa pinaka-mabisang gamot sa almoranas dahil sa kakayanan nitong gamutin ang kondisyon sa mas mabilis at mas mabisang paraan.3

Umiwas Sa Opera At Magpagaling Gamit Ang Diosmin+Hesperidin (Daflon 1000) — Ang Isa sa Pinakamabisang Gamot Sa Almoranas!

Kung gusto mong gumaling sa almoranas at makaiwas sa pag-opera, gamiting na ang isa sa pinakamabisang gamot sa almoranas: ang Diosmin+Hesperidin (Daflon 1000)

REFERENCES

  1. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15120-hemorrhoids
  2. https://hellodoctor.com.ph/fil/kalusugan-sa-digestive/hemorrhoids-fil/ano-ang-mga-uri-ng-almoranas/
  3. https://daflon.ph/tl-PH/gamot-para-sa-almoranas 

2025