Almoranas

Sanhi at Sintomas ng Almoranas

8/16/2023

Ano ang Mga Kadalasang Sanhi Kung Bakit Nangangati ang Pwet?

Ano-ano ang mga sanhi nang pangangati sa puwet?

  1. Mga produktong nakakairitang gamitin sa katawan
  2. Poor hygiene
  3. Mga impeksiyon dulot nang pakikipagtalik
  4. Almoranas

Ang pangangati ng puwet, na tinatawag ding pruritus ani, ay isang karaniwang kondisyon kung saan gusto nating kamutin ang nangangating parte ng ating puwet. Para sa iba, ito ay nakakahiyang gawin, depende sa rason kung bakit nangangati ang ating puwet. Maraming dahilan kung bakit ito’y nangyayari, kaya naman nakadepende ang tamang paggamot dito. Ang pangangati ng puwet ay maaaring may kasama ring pamumula, pamamaga, at nakakapasong pakiramdam sa apektadong parte nito.

Bagaman maaaring mawala nang kusa ang pangangati, mahalagang kumonsulta ka agad sa isang doktor kung patuloy mong nararamdaman ang labis-labis na pangangati ng iyong puwet.  Maaaring kailangan mo rin ng medikal na tulong kung napapansin mo ang pagdurugo ng iyong puwet, pagtulo ng iyong dumi, o impeksiyon sa parteng iyon.1

Narito ang mga posibleng sanhi nang pangangati ng iyong puwet:

 irritating products

 

Mga Produktong Nakakairitang Gamitin sa Katawan

Ang balat sa paligid ng iyong puwet ay sensitibo, kaya madali itong mairita kung gumagamit ka ng mga scented products, tulad ng mga sabon, pabango, lotion, cream, at ointment. Madali ring mairita ang balat na nakapaligid sa iyong puwet kapag pinunasan mo ito gamit ang magaspang na tissue o tuwalya, o ang pagbabanlaw dito gamit ang mainit na tubig. May iba ring mga toilet products na maaring magdulot nang pangangati sa iyong balat.2

Kung sa tingin mo na ang mga nabanggit ay ang sanhi nang pangangati ng iyong puwet, iwasan mo muna ang matatapang na sabon, pabango, at deodorant. Dahil ang mga ito ay naglalaman ng mga allergen o mga irritants na maaaring magpalala ng iyong pangangati. Kapag gumagamit ng toilet paper, hanapin mo ang mga produktong walang dyes, unscented, o hypoallergenic.2

 

poor hygiene

 

Poor Hygiene

Ang madalas o hindi sapat na paglilinis ay maaaring magdulot ng pangangati sa ating puwet.3 Ang sobrang paghuhugas nito ay maaaring din magdulot nang pagkairita sa balat nito, kaya siguraduhing hindi mo ito pinupunasan nang sobra-sobra gamit ang toilet tissue o tuwalya.2

Gayunpaman, mahalaga pa ring malinis at punasan mo nang maayos ang iyong puwet pagkatapos dumumi, sapagkat maaari itong mangati kung may maiiwang dumi sa paligid ng iyong puwet.2 Kung ikaw ay nakakaranas na nang pangangati, panatilihin mo itong malinis gamit ang tubig at mild soap. Iwasan mo rin ang labis na pagkuskos dito at patuyuin mo ito.4

 

sexually transmitted disease

 

Mga Impeksiyon Dulot nang Pakikipagtalik

Ang sexually transmitted infection (STI) ay maaaring maging sanhi nang pangangati ng puwet.1 Karaniwan, ang STI ay nalilipat mula sa isang tao papunta sa iba sa pamamagitan nang pakikipagtalik.5

Isa sa mga karaniwang STI ay ang gonorrhea, na dulot ng bacteria na tinatawag na Neisseria gonorrhoeae. Ito ay maaaring tumubo sa ari, puwet, bibig, at mata. Kapag apektado ang puwet, maaaring magdulot ito nang pangangati, pagdurugo, at masakit na pakiramdam tuwing ikaw ay dumudumi. Karaniwang ginagamot ang gonorrhea ng mga antibiotics.5

 

almoranas

 

Almoranas

Ang almoranas ay dulot nang namamagang mga ugat na maaaring lumitaw sa loob at labas ng iyong puwet. Ang mga almoranas na nasa labas ng iyong puwet ay maaaring magdulot nang matinding pangangati, bukod pa sa pananakit lalo na kapag ikaw ay nakaupo.6

Sa ibang pagkakataon, kapag nagpupumilit ka sa paggamit ng banyo, maaaring maitulak palabas ang almoranas, hanggang sa ito'y lumabas sa puwet. Tinatawag itong prolapsed internal hemorrhoids. Kapag nangyari ito, maaari rin nitong ilabas ang mucus na maaaring magdulot ng pangangati sa paligid ng puwet. Kung ito’y iyong hahayaan, patuloy itong magkakaroon ng mucus production o nana.6

Upang maibsan ang pangangati dulot ng almoranas, kailangan mong itigil ang iyong pagkamot. Ang isang solusyon na maaari mong subukan ay ang paglubog ng apektadong parte sa sitz bath, o isang palangganang maliit na inilalagay sa ibabaw ng inidoro.  Punuin ang sitz bath ng mainit na tubig, umupo, at ibabad mo roon ang iyong puwet. Ang mainit na tubig ay tutulong sa pagpaparelaks at paggaling ng apektadong lugar sa puwet.6  Ang full bath ay maganda ring ideya para dito.

Ang isa pang paraan na maaari mong subukan ay ang paggamit ng cold compress upang maibsan ang kirot at mawala ang pangangati. Maaaring makatulong rin ang isang over-the-counter ointment para sa almoranas.6 Gayunpaman, ang mga home remedy treatments ay pansamantalang solusyon lamang, at maaaring bumalik pa rin ang pangangati.

Kung nais mong maalis ang mga sintomas nito, ika’y gumamit ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay isang produkto na nagpapagaling ng almoranas ng mabilis at epektibo, at tuluyang inaalis ang pangangati! Gumagamit ito ng micronized purified flavonoid fraction upang labanan ang mga ugat na sanhi ng almoranas.

Key Takeaway

Mahalagang malaman ang mga sanhi nang pangangati ng puwet upang matukoy mo ang tamang paggamot at mapagaling ang pinagmumulan ng problema. Bagaman ang ilang pangangati ay normal at mawawala rin, ang pangangati ay maaaring dulot ng mga nakakairitang produkto na ginagamit sa ating katawan, poor hygiene, STI, at almoranas na kailangang agapan upang hindi lumala ang problema. Kung ang pangangati sa puwit ay nagpapatuloy, kumonsulta ka na sa isang doktor upang masuri ito.

Kung mayroon kang almoranas, ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay makatutulong bago ito lumala at magdulot ng mga komplikasyon

REFERENCES

  1. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anal-itching/symptoms-causes/syc-20369345 
  2. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15574-anal-itching-pruritus-ani 
  3. https://www.medicalnewstoday.com/articles/168728
  4. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anal-itching/diagnosis-treatment/drc-20369350 
  5. https://www.medicalnewstoday.com/articles/sexually-transmitted-diseases
  6. https://www.healthline.com/health/hemorrhoids

2025