Sanhi at Sintomas ng Almoranas

Gamot sa Almoranas

5/7/2024

Mga Senyales na Kailangan Mo ng Gamot sa Almoranas

Ano-ano ang senyales na kailangan mo ng gamot para sa almoranas?

  1. Patuloy na pananakit at discomfort sa anal area
  2. Dugo sa dumi at pagkatapos umihi
  3. Pangangati at irritation na may burning sensation
  4. Pamamaga at pamumukol malapit sa pwet
  5. Pag-ire habang dumudumi

 

Overview

  • Ang hindi masyadong bukas na pa-uusap tungkol sa almoranas ay puwedeng magdulot ng pagbalewala sa mga sintomas nito na kailangang gamutin, kung saan lumala ang kondisyong ito.
  • Ang mga sintomas gaya ng patuloy na pananakit, pagdurugo, pangangati, paghapdi, pamamaga, at pag-ire sa tuwing dudumi ay mga senyales na kailangan mong magpatingin at magpagamot sa almoranas.
  • Importanteng humingi agad ng payo sa doktor, panatilihin ang paglilinis sa sarili, kumain ng may high-fiber, at bumili ng angkop na gamot para maibsan ang anumang discomfort na dala ng almoranas.

 

sintomas ng almoranas

Introduction

Ang almoranas ay isang kondisyon na nararanasan ng karamirhan. Kahit ano pang edad, kasarian, o pamumuhay ng isang tao ay puwede pa rin itong magkaroon nito. Maraming tao ang nakakaranas nito, ngunit sila rin ay nahihiya pa ring pag-usapan ito. Kaya naman, madalas napapabayaan ang mga senyales na kailangan mo ng gamot para sa almoranas, na puwedeng magpalala at magbigay ng problema.

Ating pag-uusapan ang mga palatandaan, pati na rin ang mga paraan kung paano mo ito maaagapan at maiiwasan. Makakatulong ito para gumaling ka at magkaroon ng maayos na pamumuhay.

 

sakit ng almoranas

Patuloy na Pananakit at Discomfort sa Anal Area

Ang almoranas ay ang mga namamagang ugat sa bandang puwet at tumbong1. Isa sa mga karaniwang sintomas nito ay ang patuloy na pananakit at hindi komportableng pakiramdam. Ito’y maaaring magbigay ng tuloy-tuloy na kirot at matinding sakit, lalo na kung ikaw ay nakaupo o habang dumudumi2.

Ang tindi ng pananakit ay nakadepende sa uri ng almoranas, kaya mahalagang bantayan ang mga sintomas nito. Narito kung paano:

  • Obserbahan ang dalas o tagal ng pananakit: Tignan mo kung gaano kadalas o tagal mong nararanasan ang pananakit o discomfort na pakiramdam sa iyong puwet. Nakakatulong ito para malaman ng iyong doktor kung gaano kalala ang mga sintomas mo.
  • Alamin kung ano ang nagsisimula ng sintomas: Tandaan mo ang mga gawain na nagbibigay ng sakit sa iyong almoranas, tulad ng pag-ire sa tuwing dumudumi, pag-upo nang matagal, o ilang mga pagkain na puwedeng magpasama ng iyong mga sintomas.
  • I-monitor ang lakas ng sakit: Alamin mo rin ang mga pagbabago sa pananakit dulot ng almoranas, maaari itong magpahiwatig na kailangan mo na ng medikal na pagsusuri at paggamot.

 

padudugo  dahil sa almoranas

Dugo sa Dumi at Pagkatapos Umihi

Ang dugo sa dumi o sa toilet paper pagkatapos umihi ay isa sa mga unang senyales na mayroon kang almoranas3. Ito’y mas kilala sa tawag na rectal bleeding, na nakakabahala at nagbibigay nang pagkabalisa sa mga taong nakakaranas nito.

Karaniwan itong nangyayari dahil sa pagkairita at pamamaga ng mga ugat sa may pwetan4. Ang kulay ng dugo ay matingkad na pula at madalas mong napapansin sa toilet paper, toilet bowl, o sa iyong dumi.

Bagaman hindi ito kadalasang dahilan para ikaw ay mabahala, mahalaga pa ring masuri ito ng iyong doktor para makumpirma ang diagnosis at maihiwalay sa iba pang posibleng sanhi nang pagdurugo sa puwet.

 

nangangating almoranas

Pangangati at Irritation na May Burning Sensation

Ang almoranas ay madalas na nagdudulot ng patuloy na pangangati, irritation, at hapdi sa paligid ng puwet. Ang pangangati sa apektadong lugar ay nagpapalala ng discomfort, habang ang paghapdi ay nagpapahirap naman sa simpleng mga gawain tulad ng pag-upo, paglalakad, at paggamit ng banyo5na nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Mahalaga na dapat  mong panatilihing malinis at tuyo ang iyong puwet. Kapag nagpatuloy ang pangangati, puwede mo itong ibabad sa maligamgam na tubig. Ang pag-inom ng mga gamot na mabibili kahit walang reseta tulad ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) at pag-a-apply ng gamot na may witch hazel o hydrocortisone ay nakakatulong din sa pagkontrol ng mga sintomas ng almoranas.

Bukod dito, ang pagkakaroon ng high-fiber diet ay nakakatulong para madali ang pagdumi. Kasama na rin dito ang pag-iwas sa pag-upo nang matagal o pag-ire habang dumudumi para mabawasan ang discomfort. Kung ang iyong mga sintomas ay nagpatuloy o lumala, mahalagang humingi ng payong medikal mula sa isang doktor para malaman mo ang iba pang gamot sa almoranas.

 

pamamaga ng almoranas

Pamamaga at Pamumukol Malapit sa Pwet

Ang bukol na malapit sa puwet ay senyales din ng almoranas6. Ito’y matigas o malambot na namamaga sa paligid ng pwetan. Kapag hinawakan mo ito, makakaramdam ka ng discomfort at pananakit. Kaya naman mahalaga itong tugunan sa pamamagitan ng paghingi ng payo mula sa doktor para malaman mo ang mga hakbang na dapat mong gawin.

Kung nais mo itong suriin, kailangan mong maging maingat. Simulan mo ito sa maayos na paghuhugas ng iyong mga kamay, paggamit ng salamin, at pag-adjust ng iyong position para mas makita mo ito nang maayos. Pagkatapos, dahan-dahan mong pakiramdaman ang iyong anal area para anumang hindi normal na pamamaga, bukol, o umbok. Obserbahan mo din kung may sensitivity at discomfort kang nararamdaman7.

Habang ikaw ay nagse-self-examination, hawakan mo ang affected area nang may pagiingat. Huwag mag-atubiling magpakonsulta sa isang doktor para sa tamang diagnosis at payo sa mga iba’t-ibang paggamot ng almoranas,  lalo na kung mayroon kang mga alalahanin o sintomas ng almoranas na nagpapatuloy pa.

 

pagire dahil sa almoranas

Pag-Ire habang Dumudumi

Kapag may almoranas ang isang tao, ang pagdumi ay mahirap. Ito’y dahil namamaga ang mga ugat sa paligid ng kanilang pwetan, na nagbibigay ng pressure sa mga nakapalibot na laman dito. Ito’y nagiging sanhi kung bakit mahirap dumumi. Dahil dito, napipilitang umire at magbigay ng pressure para makadumi. Ito’y nagbibigay ng stress sa rectal area.

Bilang resulta, nagiging sensitive ang tissues, kung saan naiirita ito at namamaga, na nagpapalala ng mga sintomas ng almoranas. Ang pressure mula sa pag-ire ay nagdudulot ng lalong pamamaga, na nagdudulot ng paghihirap ng taong may almoranas.

 

Mga Dapat Tandaan

Ang pagpapa-check up sa doktor ay nakakatulong para malaman mo ang mga senyales na kailangan mo ng gamot para sa almoranas. Nakakatulong ito para hindi ka mag-alangan sa kung ano ang iyong nararamdaman, na puwedeng makaapekto sa iyong kalusugan.

Huwag hayaang ang hiya ang pumigil sa iyo sa pagbigay pansin sa alalahanin mo  sa almoranas; sa halip, unahin ang iyong kalusugan at paggaling. Sa almoranas, posible pa ring guminhawa ang iyong pakiramdam sa pamamagitan ng pagbili ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ngayon! Huwag hayaang idikta ng almoranas ang iyong nararamdaman. 

  1. Hemorrhoids. (n.d.). Johns Hopkins Medicine. https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/hemorrhoids
  2. Professional, C. C. M. (n.d.). Anal pain. Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/anal-pain
  3. Dunkin, M. A. (2010, August 30). Blood in stool: causes and treatment. WebMD. https://www.webmd.com/digestive-disorders/blood-in-stool
  4. Hemorrhoids - Symptoms and causes - Mayo Clinic. (2023, August 25). Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
  5. Institute for Quality and Efficiency in Health Care (IQWiG). (2017, November 2). Enlarged hemorrhoids: Overview. InformedHealth.org - NCBI Bookshelf. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279467/
  6. Website, N. (2022, November 1). Piles (haemorrhoids). nhs.uk. https://www.nhs.uk/conditions/piles-haemorrhoids/
  7. Institute for Quality and Efficiency in Health Care (IQWiG). (2017, November 2). Enlarged hemorrhoids: Overview. InformedHealth.org - NCBI Bookshelf. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279467/

2025