Almoranas

Sanhi at Sintomas ng Almoranas

Gamot sa Almoranas

6/22/2023

Nagsisimulang Almoranas: Kumpletong Solusyon sa Problemang Ito

Ano ang Almoranas?

Ang almoranas ay isa sa mga karaniwang sakit at isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagpapatingin ang mga pasyente sa isang gastroenterologist. Nasa 14% hanggang 16% ng mga matatandang lalaki at babae ang biktima ng sakit na ito, at mas mababa ang edad ng unang pagkaka-diagnose sa mga lalaki kumpara sa mga babae, pati na rin ang age-adjusted incidence rate (AIR) para sa circulatory system diseases.1

Mahalagang tandaan na ang pinakamabisang paggamot sa almoranas ay kung ito ay nasa “Stage 1” pa lamang. Ngunit, anu-ano nga ba ang mga unang sintomas ng almoranas na maaaring gamutin sa pinakamabisang paraan?

ano ang almoranas

Sintomas ng Almoranas: Pagdurugo at Pananakit Habang Dumudumi

Ang pangunahing rason kung bakit nagkakaroon ng almoranas ang isang tao ay dahil sa kakulangan nito sa mga physical activities at hindi maayos na diet, na dahilan upang magkaroon ng problema sa kanyang maliliit na ugat, pamamaga at pagbara ng mga ugat. Bilang resulta, unti-unting lumalabas ang mga sintomas ng almoranas.

Ang doktor ang magdedesisyon sa pagpili ng tamang panggamot batay sa mga resulta at clinical examination pati na rin sa mga sintomas na sinabi ng pasyente. Ang paggamot ng mga doktor sa unang yugto ng almoranas ay nakabase sa konserbatibong paggamot. Ito ay nagbibigay-daan sa paggamit ng mga gamot na nagpapabuti sa microcirculation, venous tone, at pag-ayos sa daloy ng dugo dahil sa paggamit ng topical treatment na nagpapabawas ng sakit at hapdi na dulot ng almoranas.

surgery para sa almoranas

Paano Gamutin ang Almoranas?

Para sa paggamot sa “Stage 1” ng almoranas o sa mga susunod pang yugto nito, maaaring irekomenda ng doktor ang surgical removal o isa sa mga sumusunod na pamamaraan:

  • infrared photocoagulation
  • sclerotherapy
  • ligation of hemorrhoids using rubber rings
  • radiotherapy
  • laser coagulation

Pinapayagan ng modernong paggagamot ang epektibong pagbabawas ng nakikita at  nararamdamang sintomas ng almoranas. Ito’y dahil ang paggamot sa almoranas sa kanilang unang yugto ay nagbibigay ng epektibong resulta.

Paggamot ng Almoranas sa Maagang Yugto Nito

Karamihan sa mga gamot para sa almoranas ay ginawa mula sa bioflavonoids.

Ang mga gamot na ito’y nakakatulong upang mapabuti ang parehong microcirculation at macrocirculation ng pasyente upang mabawasan ang pagsakit at tumigil ang pagdurugo2, at kaya rin nitong bawasan ang bilang ng mga bagong atake ng almoranas3.

REFERENCES

  1. IQVIA sales data Year 2017

  2. Shelygin Y. Curr. Med Res Opin. 2016; 32 (11): 1821-1826

  3. Goldberg P. et al. Phlebology, 1992; 7 (suppl. 2) 61-63

2025