Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Gamot sa Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
8/16/2023
Stress at Almoranas: Ano ang Koneksyon?
Ang stress ay kilala sa ating lipunan ngayon, bagaman ang stress ay isang natural na reaksyon sa ilang mga hindi inaasahang sitwasyon,1 ang labis na stress ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa lahat ng sistema ng ating katawan.2
Dagdag pa rito, ang stress ay maaaring pataasin ang panganib ng pagkakaroon ng sakit na almoranas,3 kasama na ang ilang pinaka-karaniwang mga sanhi nito tulad ng constipation, pag-iri habang nagdudumi, at ang pagpapabaya sa mga pangkaraniwang paraan nang pagdumi sa panahon ng pagbubuntis (dahil sa extra pressure mula sa lumalaking matres), kasama ang potensyal na kakulangan ng fiber sa iyong diet at dehydration — ang lahat ng mga ito ay maaaring magdulot ng constipation at posibilidad na pagbuo ng almoranas.
Paano nga ba nagkakaroon ng almoranas ang isang tao dulot ng stress, at ano ang dapat gawin upang maiwasan ito?
Ano ang koneksyon sa pagitan ng stress at almoranas?
Ang stress ay maaaring magdulot ng almoranas sa hindi direktang paraan. Ngunit, maaari itong mag-udyok ng mga problema sa ating pag-tunaw ng kinain, tulad ng constipation o diarrhea na maaaring humantong sa higit na pag-ire at kahirapan sa pagdumi, at hemorrhoid flare ups.
Paano nakakaapekto ang stress sa iyong digestion?
Ang stress ay maaaring konektado sa gastrointestinal distress.4 Ang rason sa koneksyong ito ay dahil ang ating nervous system ay nahahati sa 2 pangunahing bahagi: ang sympathetic nervous system, na pinanggagalingan ng ating "fight-or-flight" na tugon, at ang parasympathetic system, na nagpapakalma naman sa ating mga katawan pagkatapos mawala ang anumang panganib.4 Ang dalawang ito ay konektado sa ating enteric nervous system, na may papel sa pagtulong sa pag-regulate ng ating digestion. Idagdag pa dito, napatunayan rin na ang stress ay nagpapalala sa kondisyon na irritable bowel syndrome (IBS).5
Napatunayan din na ang mga taong stressed ay karaniwang nagagawang patigasin ang kanilang sphincter muscle na nagdaragdag ng pressure sa rectum na, sa kabilang banda, ay nagbibigay ng posibilidad sa pagbuo ng almoranas. Maaring tawagin ang ito bilang pelvic stress reflex response, kung saan ang mga muscle ng pelvic floor ay aktibong tumitigas bilang tugon sa anumang physical o mental stress.6
Higit pa rito, dahil maaaring maging konektado ang almoranas at stress, ang paghihirap mula sa sobrang pressure at stress ay maaaring lumikha ng isang nakakasamang chronic hemorrhoidal disease.
Paano nagdadagdag ng panganib sa almoranas ang depresyon
Isa pang kadahilanan, katulad ng stress, na konektado sa ating mental health na maaaring magdulot din ng almoranas, ay ang depression. Ito’y konektado sa mas mataas na panganib na binubuo ng mga eating disorder at pagbawas ng ating lakas na maaaring magdulot ng kakulungan sa paggawa ng mga physical activities.7 Ang depression ay maaari ring maging sanhi nang putol-putol at hindi sapat na pagtulog at intra-abdominal hypertension, na parehong maaaring makaapekto sa paglala ng almoranas.8
Nagkaroon din ng kamakailang mga pag-aaral na nagpapakita nang malakas na kaugnayan ng pag-andar ng microbiome sa ating mental well-being.9
Paano maiwasan ang almoranas na may kaugnayan sa stress
Tulad ng nabanggit, ilan sa mga sanhi ng almoranas na may kaugnayan sa stress ay dulot ng constipation, depression, at karagdagang pressure sa rectal area dahil sa stress. Dahil dito, ang pangunahing pag-iwas sa almoranas dulot ng stress ay naka-tuon sa mga sumusunod:
- Pagda-diet para maiwasan ang constipation at para mabawasan ang labis na pag-ire sa tuwing dumudumi
- Regular na pag-eehersisyo para mapabuti ang iyong stress level
- Depression management
Isa-isip ang mga ito dahil narito ang ilang mga tips na maaaring makatulong sa iyo upang maiwasang tumaas at makontrol ang iyong stress:https://journals.lww.com/acsm-healthfitness/fulltext/2013/05000/stress_relief__the_role_of_exercise_in_stress.6.aspx
- Maging aktibo araw-araw. Pag-eehersisyo sa gym, mabilis na paglalakad, o pagsasagawa ng kahit anong kasiya-siyang gawain, tulad nang paghahalaman, pagsasayaw, o pagbibisikleta, ang ehersisyo ay ipinakita na may positibo at malaking epekto sa pamamahala ng stress at stress relief.10
- Mag-meditate. Isa pang napatunayan para mapagaan ang stress ay sa pamamagitan ng meditation. Ayon sa mga pag-aaral, ito ay maaaring magbigay nang pagbabago sa ating utak at biolohiya sa positibong paraan para magkaroon ng direktang epekto sa pagpapabuti ng ating mental at physical health.11 Kabilang sa mga bunga nito ay ang mindfulness-based therapy na maaaring maging lalong epektibo para sa pagbawas ng stress, anxiety, at depression,12 at mapataas ang immune system.13
- Subukang matuto ng yoga. Ilang pang-medikal na pag-aaral na nakatuon sa yoga ay napatunayan ang kahalagahan nito sa paggamot ng stress, depression, at iba pang mga sakit tulad ng asthma, irritable bowel syndrome, hypertension, drug addiction, at iba pang mental health issues.14
- Kumain ng malusog, balanse, at mataas sa fiber na diyeta upang mabawasan ang mga posibilidad nang labis na pag-ire at constipation, na parehong may malakas na kaugnayan sa pagkabuo ng almoranas.
- Gamutin at maiwasan ang almoranas gamit ang mga mga produktong over the counter. Siguraduhing magtanong sa iyong doktor tungkol sa mga nirerekomendang gamot at oral flavonoid venoactive treatments na maaaring gamitin upang epektibong gamutin ang mga sintomas, at upang ito’y magamit bilang preventative measure. Ang isang meta-analysis ay nagmumungkahi na ang flavonoids ay makababawas ng panganib ng pagdurugo, tuloy-tuloy na pananakit, at pangangati.15
Kung lahat ng mga nabanggit na tips at payo upang pamahalaan ang stress level ay iyong ginawa at ang mga sintomas ng iyong almoranas ay nananatili pa rin nang mahigit sa isang linggo, aming inirerekmonda na bisitahin mo ang iyong doktor. Itanong sa kanila ang tungkol sa iba't ibang mga paggamot na nabanggit sa itaas, dahil ang mga gamot na venoactive ay nagbibigay nang maayos na resulta sa paggamot sa pamamaga at pagbawas ng mga sintomas habang pinapabuti rin ang daloy ng dugo at pangkalahatang tono ng mga ugat mismo.16
Maaari rin itong gamitin bilang hakbang sa pag-iwas ng posibilidad na magkaroon ng almoranas.
REFERENCES
- Anisman H, Merali Z. Understanding stress: characteristics and caveats. Alcohol Res Health. 1999;23(4):241-9, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6760382/
- Stress effects on the body. (2018). American Psychological association. Retrieved on the 3rd of October 2022 on https://www.apa.org/topics/stress/body
- De Marco S and Tiso D (2021) Lifestyle and Risk Factors in Hemorrhoidal Disease. Front. Surg. 8:729166, from https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fsurg.2021.729166/full
- Stress and the sensitive gut. Harvard Health Publishing. https://www.health.harvard.edu/newsletter_article/stress-and-the-sensitive-gut
- Qin HY, Cheng CW, Tang XD, Bian ZX. Impact of psychological stress on irritable bowel syndrome. World J Gastroenterol. 2014 Oct 21;20(39):14126-31, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4202343/
- Stephens MA, Wand G. Stress and the HPA axis: role of glucocorticoids in alcohol dependence. Alcohol Res. 2012;34(4):468-83
- Lee JH, Kim HE, Kang JH, Shin JY, Song YM. Factors associated with hemorrhoids in korean adults: korean national health and nutrition examination survey. Korean J Fam Med. 2014 Sep;35(5):227-36, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4192796/
- Hashempur, Mohammad Hashem; Khademi, Fatemeh; Rahmanifard, Maryam; Zarshenas, Mohammad M. (2017). An Evidence-Based Study on Medicinal Plants for Hemorrhoids in Medieval Persia. Journal of Evidence-Based Complementary & Alternative Medicine, (), 215658721668859–, from https://journals.sagepub.com/doi/10.1177/2156587216688597
- Limbana T, Khan F, Eskander N. Gut Microbiome and Depression: How Microbes Affect the Way We Think. Cureus. 2020 Aug 23;12(8):e9966, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7510518/
- Jackson, E. The role of Exercise in Stress Management. FACSM, from https://journals.lww.com/acsm-healthfitness/fulltext/2013/05000/stress_relief__the_role_of_exercise_in_stress.6.aspx
- Mindfulness meditation. (2019). American Psychology Association. retrieved on 3rd of October 2022 from https://www.apa.org/topics/mindfulness/meditation#:~:text=In%20a%20review%20of%20meditation,reactions%20in%20times%20of%20stress
- Khoury, Bassam; Lecomte, Tania; Fortin, Guillaume; Masse, Marjolaine; Therien, Phillip; Bouchard, Vanessa; Chapleau, Marie-Andrée; Paquin, Karine; Hofmann, Stefan G. (2013). Mindfulness-based therapy: A comprehensive meta-analysis. Clinical Psychology Review, 33(6), 763–771. Black, David S.; Slavich, George M. (2016). Mindfulness meditation and the immune system: a systematic review of randomized controlled trials. Annals of the New York Academy of Sciences, 1373(1), 13–24, from https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0272735813000731?via=ihub
- Black, David S.; Slavich, George M. (2016). Mindfulness meditation and the immune system: a systematic review of randomized controlled trials. Annals of the New York Academy of Sciences, 1373(1), 13–24, from https://nyaspubs.onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/nyas.12998
- Shohani M, Badfar G, Nasirkandy MP, Kaikhavani S, Rahmati S, Modmeli Y, Soleymani A, Azami M. The Effect of Yoga on Stress, Anxiety, and Depression in Women. Int J Prev Med. 2018 Feb 21;9:21, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5843960/
- Lohsiriwat V. Hemorrhoids: from basic pathophysiology to clinical management. World J Gastroenterol. 2012 May 7;18(17):2009-17. doi: 10.3748/wjg.v18.i17.2009. PMID: 22563187; PMCID: PMC3342598, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3342598/
- Shelygin Y, Krivokapic Z, Frolov SA, et al. Clinical acceptability study of micronized purified flavonoid fraction 1000 mg tablets versus 500 mg tablets in patients suffering acute hemorrhoidal disease. Curr Med Res Opin. 2016;32(11):1821-1826.
2025