Almoranas

Pagiwas sa Almoranas

9/17/2024

Tamang Toilet Positions Para Maiwasan ang Almoranas

Overview

  • Ang almoranas ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang posisyon sa toilet na nagbibigay-ginhawa tuwing dumudumi.
  • Ang mga tamang techniques tulad ng pag-squat, pagtaas ng tuhod, at pag-lean paharap ay makakatulong para mapabilis ang pagdumi at pababain ang pressure sa puwet.
  • Ang pagkain na mataas sa fiber at sapat na pag-inom ng tubig ay nakakatulong din sa pagpapanatili ng kalusugan ng tiyan, pagbaba ng discomfort mula sa almoranas, at pagpapalakas ng tiyan sa pangmatagalan.

 

Introduction

Ano nga ba ang almoranas? Ito ay isang karaniwan at hindi komportableng kondisyon na nararanasan ng marami. Ito ay mga sama-samang ugat na nasa ilalim ng mucous membrane sa pinakamababang bahagi ng tumbong at puwet. Sila ay nasa loob at hindi napapansin, ngunit puwede itong mamaga at magdugo, na nagbibigay ng pagkabalisa.

Makakaiwas ka sa almoranas kung gagawin mo ang mga tamang paraan sa palikuran para maiwasan ang pag-ire habang dumudumi. Magpatuloy sa pagbabasa.

 

Paano Tumutulong sa Pagiwas sa Almoranas ang Tamang Posisyon sa Toilet?

Ang tamang anggulo ng balakang at tuhod kapag nakaupo ay nakakatulong para ma-relax ang iyong pelvic floor muscles at rectal canal. Pinapababa ng posisyong ito ang pressure sa mga parteng ito, na maaring maging sanhi ng pagkirot kapag dumudumi1.

Ang pagsunod sa tamang toilet position ay nakakatulong para masigurong mas mailalabas nang maayos ang dumi. Kapag nakapantay nang tama ang iyong katawan, naaayos ang rectal canal at pinapadali nito ang paglabas ng dumi. Ito’y nakakatulong para maiwasan ang sobrang pag-ire, upang maiwasan na magkaroon ka ng almoranas2.

 

tamang poisyon sa toilet pag may almoranas

Ang mga Tamang Posisyon sa Paggamit ng Toilet

Ang paraan ng iyong pag-upo sa toilet ay tila walang kabuluhan, ngunit may maganda itong epekto sa iyong digestive health. Ang tamang posisyon sa palikuran ay nagpapabilis nang pagdumi, na nakakatulong laban sa almoranas.

 

Squat

Ang pag-squat ay nagbibigay nang mas epektibong pagdumi, na nagpapa-relax ng puborectalis muscle para kontrolin ang paglabas ng dumi3. Ito ay nagbibigay-daan sa mas kumpletong paglilinis ng tiyan, na nagpapagaan sa tensyon ng iyong kalamnan. Ang pagbawas sa pag-ire ay makatutulong para maiwasan ang constipation, na madalas na sanhi ng almoranas4.

Gumamit ka ng maliit na upuan o footrest para itaas ang iyong mga paa at makuha mo ang posisyon nang naka-squat sa toilet2. Ito ay makakatulong para mas maging malapit ang iyong mga tuhod sa dibdib. Kung nakakaramdam ka nang discomfort habang ginagawa ito, kumonsulta sa isang healthcare professional.

 

Pagtaas ng Tuhod

Tulad ng pag-squat, tumutulong din ang posisyong ito sa pag-ayos ng bituka para mas madaling lumabas ang iyong dumi8. Gumamit ng maliit at matibay na upuan o squatty stool para itaas ang iyong mga paa2. Kung wala, puwede rin ang mga libro na pinagpatong-patong.

Siguruhing matibay ang upuan o mga libro para maiwasan ang anumang aksidente. Dapat ay medyo mataas ang iyong mga tuhod kaysa sa balakang para sa banayad na anggulo6. Makakatulong ito sa pagtanggal ng pressure sa ugat ng rectum, pagandahin ang bowel function at digestion health. Importanteng gawin mo ito palagi.

 

Pag-lean sa Harap

Ang pag-lean paharap habang dumudumi ay nakakatulong para hindi ka masyadong mapagod at mas madaling ilabas ang dumi. Nare-relax din nito ang iyong puwet, na nate-tense habang ika’y dumudumi5.

Mag-lean forward mula sa beywang habang nakaupo sa inidoro. Ipatong ang mga kamay sa iyong mga hita bilang suporta. Nakakatulong ito para mapadali ang iyong pagdumi.

Ito’y mainam para maiwasan ang pag-ire at makaramdam ka nang ginhawa. Kasama ang iba pang healthy habits tulad ng sapat na pag-inom ng tubig at pagkain ng fiber, ay makakatulong sa digestive health at iwasan ang panganib ng almoranas6.

 

tamang dyeta sa may almoranas

Healthy Diet Para Makaiwas sa Almoranas

Ang pagdagdag ng pagkain na mataas sa fiber tulad ng prutas, gulay, whole grains, at legumes ay makakatulong sa pagpapalambot at gawing regular ang pagdumi para hindi lumala ang almoranas9. Ang tamang pag-inom ng tubig ay mahalaga rin, dahil ito ay nakakatulong sa pag-maintain ng consistency ng dumi.

Sa tulong ng mga ito, mababawasan ang iyong pagkabahala sa almoranas at magiging maayos din ang iyong gastrointestinal health.

 

almoranas at pag upo sa toilet

Mga Dapat Tandaan

Ang mga tamang posisyon sa toilet ay madalas na hindi binibigyang pansin, pero mahalaga ito para maiwasan ang almoranas. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang tensyon sa rectal area at makakatulong sa mas maayos na pagdumi7.

Tandaan, mahalaga ang pag-iwas sa almoranas. Ang paggamit ng tamang posisyon sa inidoro, kasama ang balanced diet, regular exercise, at sapat na tubig, ay makakatulong upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon nito.

Subukan ang kaginhawaan at paigtingin ang iyong kalusugan gamit ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay epektibong tumutulong sa sintomas ng almoranas, nagbibigay ng ginhawa at nagpapabuti sa kalidad ng buhay. Subukan ito ngayon!

REFERENCES

  1. https://www.healthline.com/health/best-position-for-pooping#best-position
  2. https://www.webmd.com/digestive-disorders/squatty-potty-what-is
  3. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK556078/#:~:text=The%20puborectalis%20muscle%20forms%20a,in%20the%20process%20of%20defecation.
  4. https://www.oregansystem.com/blog/constipation-and-hemorrhoids-how-constipation-can-cause-hemorrhoids/
  5. https://www.bladderandbowel.org/help-information/resources/toilet-positions/
  6. https://www.healthline.com/health/exercises-for-hemorrhoids
  7. https://www.kingedwardvii.co.uk/health-hub/36-ways-to-reduce-piles-haemorrhoids
  8. https://zoe.com/learn/how-to-poop-when-constipated
  9. https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/hemorrhoids/eating-diet-nutrition

2025