Chronic Venous Disease
Pagiwas sa Chronic Venous Disease
7/10/2024
5 Dapat Iwasan Kapag Mayroong Varicose Veins
Ano ang mga bagay na dapat iwasan kapag may varicose veins?
- Umupo o tumayo nang matagal
- Manigarilyo o gumamit ng iba pang tabacco products
- Magsuot ng high heels
- Mag-krus ng mga binti
- Hindi paggamit ng sunscreen
Overview
- Ang pananatili sa isang posisyon nang matagal ay maaaring maging sanhi ng paglala ng varicose veins.
- Ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtigas ng mga ugat at paglapot ng dugo.
- Ang flat shoes ay mas nakakagaan sa daloy ng dugo sa iyong mga binti.
- Ang sunscreen ay maaaring magprotekta laban sa pagnipis ng iyong mga vein walls.
Introduction
Ang varicose veins ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang isyu na makakasagabal sa ating araw-araw na pamumuhay, tulad ng masakit, namimitig, at namamagang mga binti o bukong-bukong1. Kung nakakaranas ka nito, humingi ka nang tulong mula sa doktor tungkol sa mga pagbabago ng pamumuhay na dapat mong gawin.
Ang artikulong ito ay patungkol sa mga bagay na hindi mo dapat gawin kapag mayroong varicose veins. Ang mga simpleng gawain na ito’y makakatulong sa pag-manage ng iyong sitwasyon para sa mas komportableng pamumuhay.
Pagupo o Pagtayo nang Matagal
Ang pag-upo o pagtayo nang matagal ay nagpapalala ng varicose veins. Ito’y puwedeng magbigay ng pressure sa iyong mga ugat habang binabawasan nito ang tamang daloy ng iyong dugo2. Ang pagiging aktibo ay isa sa mga paraan upang maiwasan at ma-manage ito. Gayunpaman, mahalaga pa ring iwasan ang pagpwersa habang nag-eehersisyo1.
Ang pagbabago sa iyong posisyon sa pag-upo o pagtayo ay nagaalis ang pressure mula sa ilang bahagi ng iyong katawan. Inirerekomendang palitan ang iyong posisyon kada 30 minuto. Puwede mo ring isama ang paglalakad upang mapanatili ang pagiging aktibo pagkatapos ng mahabang araw, na nagbibigay tamang sirkulasyon ng dugo3.
Ang mga ehersisyong dapat mong iwasan ay ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay at mga high-impact workouts tulad ng burpees at lunges.
Panigarilyo o Paggamit ng Iba Pang Tabacco Products
Kahit ang paninigarilyo ay nakakasama sa ating baga, puwede rin nitong palalain ang kondisyon ng ating mga ugat. Kaya naman ang mga taong naninigarilyo at gumagamit ng mga tobacco products, tulad ng sigarilyo, e-cigarette, at hookah ay maaaring magkaroon ng varicose veins4.
Ang paninigarilyo ng nicotine ay nagpapaliit ng ating ugat5. Maaaring limitahan nito ang pagdala ng dugo sa ating katawan. Maaari din nitong bawasan ang elasticity at pahinain ang mga arteries at ugat6.
Ang mga nasirang mga ugat ay maaaring magdulot ng paglapot ng dugo, na maaaring magpataas ng panganib sa pagkakaroon ng blood clot7. Ito’y puwedeng maging plaque sa iyong mga ugat. Ang fatty plaque na ito ay babara sa iyong mga ugat dahil ang iyong mga cells ay mahina5.
Pagsusuot ng High Heels
Ang pangangalaga sa varicose veins ay nagpapabuti sa daloy ng dugo sa iyong mga binti. Kaya naman hindi inirerekomenda ang paggamit ng high heels bilang fashion o style option. Dahil nagbibigay ito ng pressure sa inyong mga paa at daliri. Nababago nito ang iyong normal na paglalakad, na nagdudulot ng hindi pang-karaniwang paggalaw sa iyong laman sa binti2.
Kapag naka-flat shoes ka, normal ang paggalaw ang iyong mga laman sa binti upang mapabuti ang daloy ng iyong dugo.
Ang pagpapaganda sa daloy ng iyong dugo ay hindi lamang sa pamamagitan ng iyong sapatos kundi pati na rin sa iyong suot. Dapat mong iwasan ang pagsuot nang mahihigpit na damit sa paligid ng iyong baywang at singit3. Gayunpaman, hindi ito dapat maging hadlang sa iyong fashion sense. Mayroong mga medical-grade compression garments na puwede mong suotin1.
Pag-krus ng Mga Binti
Isa rin sa mga paniniwala na puwedeng magbigay sa iyo ng varicose veins ay ang pag-krus ng iyong mga binti8. Ito ay hindi naglalagay ng puwersa sa iyong mga binti. Ngunit, kung ikaw ay mabigat o walang aktibong pamumuhay at palagi mong kinu-krus ang iyong mga binti, ito ay hindi nakakatulong sa iyong mga ugat9.
Bagaman may kaunting epekto ang posisyong ito sa iyong mga ugat, ito pa rin ay nakadepende sa tagal at sa lokasyon ng pagipit8. Ang pagtaas ng pressure sa iyong mga binti ay dulot ng matagal sa posisyong ito, na nagbibigay ng problema sa pagdaloy ng dugo.
Hindi Paggamit ng Sunscreen
Ang sobrang pagbilad sa sikat ng araw ay delikado sa ating balat. Ang matagalang epekto nito ay ang photoaging o maagang pagtanda ng ating balat10. Bukod dito, maaari din itong makaapekto sa iyong mga ugat. Ang ultraviolet light ay makakasira ng collagen sa mga vein walls2.
Para sa mga ugat na malapit sa skin surface, ang paglalagay ng sunscreen dito ay makakabawas sa pagkakaroon ng spider veins.
Mayroon ding epekto ang panahon sa varicose veins. Sa tag-init, maaaring bumuka ang ating mga ugat para lumamig ang pakiramdam ng ating katawan11. Ito’y tinatawag na vasodilation, kung saan tila nagiging halata o namamaga ang mga ugat. Ang paglalagay ng sunscreen ay makatutulong sa iyong kondisyon at pagprotekta sa iyong vein walls.
Key Takeaway
Sa pag-aaral kung ano ang mga bagay na dapat iwasan kapag mayroon kang varicose veins, maiiwasan mo ang paglala ng kondisyong ito. Ang mga ito ay hindi sapat para ma-manage mo ang sitwasyong ito.
Sa Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), mababawasan mo ang mga senyales at sintomas ng varicose at spider veins. Makakatulong ito sa pagbawas ng sakit at pamimigat ng iyong binti.
REFERENCES
- https://www.theveininstitute.com.au/6-dos-and-donts-for-varicose-veins/
- https://www.mplsvein.com/blog/5-things-not-to-do-if-you-have-varicose-veins/
- https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/7-tips-to-lower-varicose-vein-risk
- https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4722-varicose-veins
- https://www.beebehealthcare.org/health-hub/smoking-your-vein-health
- https://www.drsumitkapadia.com/post/how-smoking-affects-varicose-veins/#:~:text=Nicotine%20and%20other%20chemicals%20present,able%20to%20pump%20blood%20efficiently
- https://www.cdc.gov/tobacco/sgr/50th-anniversary/pdfs/fs_smoking_cvd_508.pdf
- https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/6-varicose-vein-myths-debunked#:~:text=Myth%203%3A%20Crossing%20your%20legs%20causes%20varicose%20veins.&text=External%20pressure%20on%20your%20veins,the%20symptoms%20of%20varicose%20veins.
- https://advancingyourhealth.org/can-sitting-cross-legged-cause-varicose-veins/
- https://www.yalemedicine.org/conditions/sun-damage#:~:text=When%20the%20sun%20prematurely%20ages,solar%20damage%2C%20or%20sun%20damage.
- https://news.llu.edu/health-wellness/how-ease-your-varicose-vein-symptom-flare-ups-summer-heat
2024