Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti
Pagiwas sa Chronic Venous Disease
11/13/2023
Paglalakbay ng May Mabigat, Masakit at Namamagang Binti Dulot ng CVD
Ayon sa Centers for Disease Control (CDC)1, mahigit 300 milyong tao ang naglalakbay sa mga malalayong lugar taon-taon. Pero ano ang mangyayari kung ikaw ay mayroong chronic venous disease? Delikado ba ang pagbiyahe sa malalayong lugar?
Tinutukoy na ang paglalakbay sa malalayong lugar ay ang pagbiyahe na tumatagal ng mahigit sa 4 na oras, sa pamamagitan man ng kotse, tren, o eroplano, kung saan ang mga tao ay mas naglalaan ng maraming oras sa iisang posisyon, karaniwan dito ay nakaupo. Tulad sa pagtatrabaho sa opisina, ang pag-upo nang matagal ay maaaring magdulot nang pamamaga, pamimigat, at pananakit ng mga binti, dahil sa masamang sirkulasyon ng dugo mula sa mga binti patungo sa puso na maaaring maging rason upang magkaroon ng mga blood clots.
Sa artikulong ito, ibabahagi namin kung paano nakakaapekto ang mahabang paglalakbay sa kalusugan ng iyong mga ugat, mga kadahilanang panganib nito, at mga tips upang maging ligtas ang paglalakbay kung ikaw ay mayroong varicose veins o chronic venous disease.
Paano maaapektuhan ng mahabang biyahe ang kalusugan ng mga ugat ng taong may venous disease?
Ang paglalakbay sa malalayong lugar ay puwedeng magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan ng iyong mga ugat2 na maaring maging problema kaugnay ng venous disease. Bilang resulta, maaaring palalain nito ang pamimigat at pananakit ng mga binti.
Kung ikaw ay mayroon ng varicose veins, ang pag-upo nang matagal ay puwede ring magdulot nang pagkairita sa varicose veins3 kung saan maaaring mabuo ang blood clot sa iyong mga ugat.
Kahit ano pa ang paraan ng iyong paglalakbay (tren, kotse, eroplano, o barko), ang kakulangan sa paggalaw ay maaaring isa sa mga pangunahing kadahilanan nang pagkakaroon ng venous disease dahil sa mahabang biyahe.4
Gayunpaman, ang pagbiyahe sa eroplano ay maaari ring magdala nang mas mataas na panganib sa pagkakaroon ng venous thromboembolism (VTE) sa mga pasyenteng itinuturing na may panganib dito.5
Ligtas bang maglakbay sa eroplano kapag mayroon kang chronic venous disease?
Bagama't palaging inirerekomenda na kumonsulta muna sa iyong doktor, hangga't naisasagawa naman nang maayos ang mga preventative measures habang nasa matagal na biyahe, ang mga potensiyal na panganib na iyon ay maaaring mabawasan o maiwasan, kahit pa sa mga taong nakakaranas ng chronic venous disease o varicose veins.
Mahalaga ring tandaan na hanggang sa ngayon, hindi pa sapat ang mga pananaliksik tungkol sa epekto ng mahabang paglakbay sa eroplano at venous disease. Isang konklusiyon, na ipinakita sa isang pag-aaral noong 2007, kung saan natuklasan ng World Health Organization (WHO) project6 na bagaman mas mataas ang bilang ng mga kaso ng VTE pagkatapos ng mahabang biyahe, ang kabuuang panganib ay maituturing pa ring mababa.
Kasama nang pagtaas ng mga panganib dahil sa problema ng limitadong pagkilos kapag sumasakay ng eroplano, may isa pang posibleng dahilan: ang dehydration.
Ito ay maaaring magpasikip ng iyong mga ugat at palaputin ang iyong dugo,7 at kapag nasa eroplano, ang mababang oxygen at mataas na presyon ay maaaring magdulot ng mas malubhang dehydration sa iyong katawan na maaaring magbuo ng mga blood clots.8
Alamin kung ano ang dapat kainin at inumin para mapabuti ang sirkulasyon ng dugo at kalusugan ng mga ugat.
Ano-ano ang mga panganib ng paglalakbay sa malalayong lugar sa taong may venous disease?
Tulad ng aming binanggit, ang mahabang paglalakbay, partikular na ang pagbibiyahe sa eroplano, ay maaring magdagdag ng panganib ng pagkakaroon ng mga sakit sa mga ugat9, ngunit may iba pang pangkalahatang panganib sa pagpaplano ng mahabang biyahe kung ikaw ay:
- Higit sa 40 taong gulang
- Babae
- Gumagamit ng birth control na may estrogen
- Buntis o kamakailan lamang nanganak
- Obesity o labis na timbang
- May kanser o kamakailang nagpagamot sa kanser
- Kasalukuyang may sakit sa mga ugat
- Mayroong blood clot noon o may family history nito
- Kamakailang naaksidente o hindi makagalaw (sa loob ng huling 3 buwan)
- Umiinom ng alak, na maaring makadagdag sa dehydration
- Naninigarilyo
Tandaan na ang mga panganib na ito ay mga pangkaraniwang gabay lamang upang tulungan ang mga tao na maiwasan ang posibilidad nang pagkakaroon ng varicose veins o anumang kaugnay sa chronic venous disease. Laging inirerekomenda na seryosohin ang anumang sakit sa mga ugat, sapagkat ang mga ito ay mga progresibong sakit na maaaring mas lalong lumala kung hindi bibigyan ng pansin o hindi gagamutin.
Mga tips para sa paglalakbay sa malalayong distansiya ng may venous disease o varicose veins
- Igalaw ang mga binti at paa. May ilang mga ehersisyong tunay na makakatulong sa pagpapabuti nang daloy ng dugo sa ‘yong baywang pababa habang naglalakbay sa malalayong distansya at nananatiling hindi gumagalaw nang matagal, lalo na kung ikaw ay nasa eroplano. Narito ang ilang halimbawa:
- Gumuhit ng mga bilog gamit ang iyong bukong-bukong
- Itaas ang mga binti
- Iangat ang mga tuhod
- Foot pumps
- Magsuot ng compression stockings. Ito ay ginagamit upang hindi lumala ang mga venous diseases at mapabuti ang sirkulasyon ng dugo. Ito ay kapaki-pakinabang upang maiwasan ang deep vein thrombosis habang bumabiyahe sa eroplano.10
- Manatiling hydrated. Inirerekomenda para sa mga matatanda ang pag-inom ng hindi bababa sa 2 litrong tubig kada araw upang maging hydrated,11 ito ay nangangahulugan din na dapat mong iwasan ang kape, tsaa, at iba pang mga highly caffeinated soda at energy drinks, na lahat ay mga diuretic na nagpapataas sa pangangailangan na umihi, na mas nagpapataas ng dehydration pati ang presyon ng dugo.12
- Huwag uminom ng alak. Ang alak ay nagpapataas ng dehydration sa katawan, na lalo na sa mahabang biyahe, ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa daloy ng dugo. Ito ay nagpapababa ng vasopressin, isang antidiuretic hormone na may direktang epekto sa dami ng tubig na iniipon ng katawan.13
- Maglaan ng oras sa paggalaw-galaw. Gaya ng aming naunang nabanggit, ang kakulangan sa paggalaw ay tila isa sa mga pangunahing kadahilanan sa panganib ng sakit sa mga ugat kapag naglalakbay. Kaya kung maaari, tumayo at gumalaw-galaw o maglakad-lakad.
- Piliin ang iyong mga sinusuot. Subukang huwag magsuot ng maraming patong ng damit, na maaring magdulot ng mataas na temperatura sa iyong katawan at pamamawis, at iwasan ang mga sobrang higpit na damit, medyas, at sapatos upang tulungan ang sirkulasyon ng dugo mula sa iyong baywang pababa.
- Konsultahin ang iyong doktor tungkol sa anumang venoactive na gamot. May iba't-ibang posibleng mga lunas depende sa kalubhaan ng chronic venous disease. Bago mo planuhing maglakbay sa malalayong lugar, napakahalagang kumonsulta muna sa isang espesyalista at sundin ang pinakamabuting hakbang nang paggamot para sa iyong sariling pangangailangan. Maaari mong isaalang-alang ang paggamit ng mga venoactive na gamot na epektibong iniiwasan ang paglala ng chronic venous disease dahil sa mga venous anti-inflammatory at venoprotective actions na mayroon ito.14
Ang mga kabataan ay maaari ding magkaroon ng venous disease, at ang mga dahilan maliban sa paglalakbay, tulad ng panahon, altitude, o pamumuhay ay maaari ding magdulot ng epekto sa paglala ng sakit sa mga ugat.
REFERENCES
- Blood Clots and Travel: What You Need to Know | CDC. (2022, June 1). Centers for Disease Control and Prevention. Retrieved September 19, 2022, from https://www.cdc.gov/blood-clots/risk-factors/travel.html
- Frequent travel is damaging to health and wellbeing, according to new study. (n.d.). ScienceDaily. Retrieved September 21, 2022, from https://www.sciencedaily.com/releases/2015/08/150803212554.htm
- Brand FN, Dannenberg AL, Abbott RD, Kannel WB. The epidemiology of varicose veins: the Framingham Study. Am J Prev Med. 1988 Mar-Apr;4(2):96-101.
- Clark, Stephanie L; Onida, Sarah; Davies, Alun (2017). Long-haul travel and venous thrombosis: What is the evidence?. Phlebology, (), 026835551771742.
- G, Schellack & Schellack, Natalie & A, Agyepong-Yeboah. (2013). Air travel and the risk of venous thromboembolism. South African pharmaceutical journal. Suid-Afrikaanse tydskrif vir apteekwese. 80. 23-27
- Study results released on travel and blood clots. (2007, June 29). Retrieved September 21, 2022, from https://www.who.int/news/item/29-06-2007-study-results-released-on-travel-and-blood-clots
- Watso JC, Farquhar WB. Hydration Status and Cardiovascular Function. Nutrients. 2019 Aug 11;11(8):1866. PMCID: PMC6723555. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6723555/
- Travel and Thrombosis. (2020, February 28). The Perth Blood Institute Limited. Retrieved September 19, 2022, from https://www.pbi.org.au/travel-thrombosis
- Krasiński Z, Chou A, Stępak H. COVID-19, long flights, and deep vein thrombosis: What we know so far. Cardiol J. 2021;28(6):941-953.
- Clarke M, Hopewell S, Juszczak E, Eisinga A, Kjeldstrøm M. Compression stockings for preventing deep vein thrombosis in airline passengers. Cochrane Database Syst Rev. 2006 Apr 19;(2):CD004002.
- Nakamura, Yumi; Watanabe, Hiroshi; Tanaka, Aiko; Yasui, Masato; Nishihira, Jun; Murayama, Norihito (2020). Effect of Increased Daily Water Intake and Hydration on Health in Japanese Adults. Nutrients, 12(4), 1191.
- Caffeine. (n.d.). Retrieved September 21, 2022, from https://medlineplus.gov/caffeine.html
- Harper, Kathryn M.; Knapp, Darin J.; Criswell, Hugh E.; Breese, George R. (2018). Vasopressin and alcohol: a multifaceted relationship. Psychopharmacology.
- Adapted from Nicolaides A, Kakkos S, Baekgaard N, et al. Management of chronic venous disorders of the lower limbs. Guidelines according to scientific evidence. Part I. Int Angiol. 2018;37(3):181-254.1
2024