Chronic Venous Disease
Gamot sa Chronic Venous Disease
Varicose Veins
9/17/2024
Kahalagahan ng Compression Stockings Para sa Varicose Veins
Overview
- Ang compression stockings ay mahalaga para ma-manage ang varicose veins. Napapabuti nito ang daloy ng dugo at nababawasan din ang leg discomfort.
- Ang article na ito’y naka-focus sa paggamit ng compression stockings para sa varicose veins. Narito rin ang mga tips para sa tamang pagsuot nito.
Introduction
Ang varicose veins, na maaring sanhi ng sakit sa binti, ay nangyayari kapag ang dugo ay naiipon sa likod ng maliliit na valves ng ugat ng isang tao—sa halip na dumaloy ito nang maayos pabalik sa puso. Mas karaniwan ito sa mga binti at paa dahil mas mahaba ang distansya na nilalakbay ng dugo pabalik sa puso. Para maagapan ito, madalas na inirerekomenda ng mga doktor ang paggamit ng compression stockings para sa varicose veins.
Ang paggamit nito ay nakakatulong para mapabuti ang daloy ng dugo sa binti, mabawasan ang sakit o discomfort na nararamdaman dito. Sa article na ito, ating susuriin ang bisa ng mga stockings na ito upang mapanatili ang magandang kondisyon ng iyong mga binti.
Ano ang Compression Stockings?
Ang compression stockings ay specialized hosiery na nagbibigay nang mas mataas na pressure sa paligid ng bukong-bukong at mga paa, na unti-unting nababawasan pataas sa mga binti1. Ito ay tumutulong na itulak ang dugo pabalik sa puso, at pinipigilang maipon sa mga ugat para mabawasan ang pamamaga1.
Ang mga ito ay may iba't ibang sukat, haba, at compression levels upang umangkop sa pangangailangan ng bawat tao1. Madalas itong inirerekomenda ng mga healthcare professionals para mawala ang mga sintomas dulot ng mahinang sirkulasyon ng dugo, tulad ng pananakit, pamamaga, at discomfort mga binti. Kaya naman mahalaga ito para maisulong ang kalusugan ng mga ugat at maiwasan ang paglala ng venous disorders2.
Mga Tips sa Paggamit ng Compression Stockings
Ang tamang pagsusuot ng compression stockings ay makakatulong para ma-manage ang varicose veins. Narito ang ilang tips:
Isuot ang Compression Stockings sa Umaga
Naiintindihan namin na mahirap ang pagsusuot ng compression stockings. Gayunpaman, lubos na inirerekomendang isuot ito sa umaga3, bago ka bumangon mula sa kama. Sa oras na ito, ang mga binti mo ay hindi pa masyadong namamaga, kaya mas madali at maginhawa itong isuot.
Ito ay nakakatulong para maiwasan ang paghila at hirap sa mga susunod na oras dahil sa pamamaga na dulot ng matagal na pag-upo o pagtayo4. Binibigay nito sa iyong mga binti ng kinakailangang suporta, at hinahanda ka para umayos ang daloy ng dugo at mabawasan ang hindi maginhawang pakiramdam.
Gumamit ng Mga Application Aids Para sa Compression Stockings
Ang pagsusuot ng mga stockings, lalo na ang may mataas na compression level, ay mahirap isuot minsan. Upang mapadali ito, gumamit ng mga application aids5. Ang mga gamit na ito, na kadalasang kahawig ng mga mahahabang manggas, ay maaaring makatulong sa mga taong nahihirapang suotin ang compression stockings5.
Ang mga ito’y gumagana sa pamamagitan ng paglikha ng smooth surface sa paligid ng iyong mga binti, na nagpapadali sa pag-angat ng stockings nang hindi kinakailangang hilain o pilitin isuot. Pinapadali nito ang proseso, tinitiyak ang tamang pagsusuot at pinakamabisang epekto ng stockings5.
Suriin Muna ang Compression Stockings Bago Ito Gamitin
Ang maliliit na punit, butas, o sagitsit ay maaaring tila walang halaga, ngunit maaari nilang masira ang bisa ng compression stockings. Ang mga sirang stockings ay maaaring hindi magbigay ng tamang pressure gradient6, na nagiging hadlang sa kanilang kakayahang mapabuti ang daloy ng dugo at mabawasan ang pamamaga. Bukod pa rito, ang mga sira o lumang bahagi ay maaaring magdulot ng irritation sa iyong balat, na nagiging sanhi ng discomfort o posibleng impeksyon7.
Maraming benepisyo ang nabibigay kapag araw-araw mong sinusuri ang mga stockings tuwing umaga na tumatagal lang naman ng ilang minuto. Sa pamamagitan ng maagang pagtukoy sa anumang maliit na sira, mapapalitan mo ang stockings upang maramdaman mo ang magandang epekto nito7. Ang pag-aalaga ng iyong stockings ay isang investment para sa pangmatagalang kalusugan at kaginhawaan ng iyong mga binti.
Panatilihing Malinis ang Compression Stockings
Ang pagpapanatili ng tamang kalinisan ay mahalaga para sa kumportable at epektibong pagsusuot ng compression stockings8. Dahil ang mga ito ay suot mo ng matagal na oras, maaari silang makasalo ng pawis at moisture na maaaring magdulot ng irritation o impeksyon sa balat.
Hugasan ang mga ito araw-araw sa maligamgam na tubig gamit ang mild detergent na angkop para sa maseselang tela9. Iwasan ang paggamit ng matapang na kemikal, bleach, o fabric softeners dahil maaari nitong masira ang elasticity ng stockings. Hayaang matuyo nang husto ang mga ito bago muling isuot.
Mga Dapat Tandaan
Kung may nararanasang kang senyales10, maari kang makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa paggamit ng compression stockings para sa varicose veins. Makakatulong silang magpasya kung anong level ng compression ang angkop sa iyong pangangailangan at matiyak na makakahanap ka ng komportable at epektibong stockings para sa pinakamahusay na resulta.
Tandaan, ang pag-aalaga sa kalusugan ng iyong mga binti ay nagsisimula sa pagkonsulta sa iyong doktor. Tanggapin ang mga benepisyo ng compression stockings upang maranasan mo ang pagbabago na maidudulot nito sa iyong pangaraw-araw na buhay.
Kung ikaw ay may varicose veins, maaari mong subukan ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) at alamin kung paano ito makakatulong sa kalusugan ng iyong mga ugat at maaaring magpagaan ng mga sintomas tulad ng sakit sa binti, pamamaga, at varicose veins.
REFERENCES
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/321662#overview
- https://www.sciencedirect.com/topics/nursing-and-health-professions/compression-therapy
- https://ankleandfootcenters.com/how-to-put-on-compression-stockings/
- https://www.bhusriheart.com/blog/why-does-prolonged-sitting-increase-risk-for-varicose-veins#:~:text=The%20human%20body%20hasn't,population%20in%20the%20United%20States.
- https://www.nursingtimes.net/roles/older-people-nurses-roles/the-use-and-benefits-of-compression-stocking-aids-24-05-2005/
- https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S107858841100253X
- https://www.medi.de/en/faq/compression-garments/repairing/
- https://veinscalgary.com/blog/How+To+Use+Compression+Stockings+Safely/83
- https://heritageparklaundry.com/blogs/the-laundry-lowdown/how-to-wash-your-compression-stockings#:~:text=Choose%20a%20delicate%20wash%20cycle,fabric%20softener%20on%20compression%20legwear
- https://www.nhlbi.nih.gov/health/varicose-veins
2025