Varicose Veins

Gamot sa Chronic Venous Disease

6/25/2025

5 Tips sa Pag-aalaga ng Chronic Venous Disease Tuwing Amihan

Overview

  • Ang malamig na panahon ay maaaring magdulot ng pagsikip ng blood vessels, na nagpapabagal sa circulation at maaaring magpalala ng varicose veins at Chronic
  • Venous Insufficiency (CVI). Pero may mga paraan para ma-manage ito at mapabuti ang pagdaloy ng inyong dugo.
  • P’wede mong gawin ang manatiling hydrated, mag-regular exercise, magsuot ng compression stockings, bawasan ang pagkain ng maaalat, at itaas ang iyong mga binti.
  • Sa pagsunod sa mga tips na ito, mas mapapagaan mo ang sintomas ng CVI at mapapanatili ang malusog na circulation ngayong Amihan season.

 

Introduction

Naaapektuhan ng weather changes ang blood flow at vein health, kaya p’wedeng lumala ang spider veins at varicose veins. Kapag malamig, sumisikip ang blood vessels, bumabagal ang blood circulation, at mas nagiging kapansin-pansin ang mga sintomas ng chronic venous insufficiency (CVI) tulad ng pamamaga at discomfort.

Karaniwan itong nangyayari tuwing Amihan season, na tumatagal mula Oktubre hanggang Marso, at pinakamalamig sa Disyembre hanggang Pebrero. Dahil dito, nahihirapan ang dugong dumaloy nang maayos, kaya mas nakakaramdam nang pamimigat at pagkapagod sa mga binti.

Narito ang ilang mga tips sa pag-aalaga ng chronic venous disease tuwing Amihan. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

 

babaeng umiinom ng tubig

Manatilihing Hydrated

Nakakatulong ang pag-inom ng tubig upang maging maayos ang blood circulation at mabawasan ang pamamaga at discomfort1. Tuwing malamig, hindi natin napapansin na nauuhaw tayo, at dahil mas tuyo ang hangin sa panahong ito, mas madaling ma-dehydrate ang ating katawan. Mas nagiging malapot ang dugo kapag kulang sa fluid ang katawan, kaya mas bumabagal ang daloy nito at lumalala ang sintomas ng CVI.

Kaya naman, siguruhing umiinom ka ng 8-10 baso ng tubig araw-araw. Maaari ka ring kumain ng mga pagkaing may mataas na water content, tulad ng pakwan, dalandan, pipino, at bell pepper.

Kung gusto mo naman ng mainit na inumin ngayong malamig ang panahon, subukan ang herbal tea o sabaw para sa dagdag na hydration at comfort. Bukod dito, mabuting bawasan mo ang pag-inom ng kape at alak3, dahil maaari itong magdulot ng fluid loss at lalo pang magpalala ng CVI symptoms.

 

naglalakad

Mag-regular Exercise

Isa sa mga pinaka epektibong tips sa pag-aalaga ng chronic venous disease tuwing Amihan ay ang pagiging active sa pamamagitan ng regular exercise4. Ang paggalaw ng katawan ay nakakatulong sa mas maayos na blood circulation, na mahalaga sa pagma-manage ng CVI at pag-iwas sa pag-ipon ng dugo sa mga binti.

Ang simpleng leg exercises—lalo na ang nagpapalakas sa calf muscles—ay makakatulong sa pagbawas ng pamamaga at discomfort. Mahalaga ang calf muscles sa pagpapabalik ng dugo sa puso, kaya’t ang pagiging active nito ay malaking tulong para maagapan ang mga CVI symptoms.

Narito ang ilang madaling exercises na puwede mong subukan:

  • Paglalakad: Isang simple at low-impact na paraan para mapabuti ang blood circulation at mabawasan ang pamamaga. Subukang maglakad nang mabilis sa loob ng 30 minutes kada araw.
  • Leg Lifts: Habang nakahiga, itaas ang isang binti nang sabay-sabay upang ma-stretch at ma-activate ang calf muscles.
  • Foot Rocking: Igalaw ang mga paa habang nakaupo o nakatayo para mapabuti ang pagdaloy ng dugo.
  • Calf Raises: Palakasin ang calves sa pamamagitan ng pagtaas-baba sa mga talampakan upang matulungan ang dugo na bumalik sa puso.

Kung may kondisyon sa kalusugan, siguraduhing kumonsulta muna sa iyong doktor bago magsimula ng bagong exercise routine. Sa pagiging aktibo ngayong Amihan, mas magiging magaan at suportado ang pakiramdam ng iyong mga binti.

 

compression stockings

Magsuot ng Compression Stockings

Ang compression stockings ay tumutulong sa pagdaloy ng dugo pabalik sa puso sa pamamagitan ng bahagyang pagpiga nito sa mga binti. Dahil sa banayad nitong pressure, sinusuportahan nito ang vulnerable veins at nakakatulong para hindi bumigat ang mga binti. May iba’t ibang antas ng compression ang stockings, at madalas na ginagamit ang Class 1 (18-21 mmHg) para sa mga may varicose veins, sa mga madalas nakaupo o nakatayo nang matagal, o sa mga nais maiwasan ang pamamaga ng binti habang nasa biyahe.

Pero kahit nakakatulong ito sa discomfort at pamamaga, hindi nito kayang solusyunan ang mismong dahilan ng CVI. Para sa mas epektibong ginhawa, mainam itong gamitin kasabay ng mga gamot5 tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ayon sa mga pag-aaral, ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay may therapeutic benefits sa pagma-manage ng CVI6.

 

ingat sa pagkain ng asin

Bawasan ang Pagkain ng Maaalat

Sa malamig na panahon dulot ng Amihan season, mas sumisikip ang blood vessels, kaya bumabagal ang daloy ng dugo sa katawan. Kapag mataas ang sodium sa diet7, mas maraming tubig ang nire-retain ng katawan, na nagdadagdag ng pressure sa veins at nagpapataas naamn ng blood volume. Dahil dito, puwedeng lumala ang sintomas ng CVI, gaya ng pamamaga at pamimigat ng mga binti.

Habang tumatagal, ang labis na sodium sa katawan ay maaaring magdulot ng pagkapuwersa sa blood vessels, pagkahina ng vein valves, at pagbabara ng ugat8. Maaari rin nitong patigasin ang blood vessels, na nagpapataas ng risk para sa cardiovascular issues.

Ang pagkontrol sa salt intake ay nakakatulong para maiwasan ang fluid retention, mabawasan ang pamamaga, at mapanatili ang maayos na circulation. Lalo na ngayong Amihan season, kung kailan mas mataas ang posibilidad na maapektuhan ng malamig na klima ang daloy ng dugo, malaking tulong ang balannced diet sa pangangalaga ng vein health.

 

mga nakataas na binti

Itaas ang Iyong Mga Binti

Ang pag-angat ng mga binti9 nang mas mataas sa puso ng 15-30 minutes ay nakakatulong para mapadali ang pagdaloy ng dugo pabalik dito mula sa lower extremities. Nababawasan nito ang hydrostatic pressure sa veins, kaya hindi masyadong napupuwersa ang vein valves at mas gumaganda ang circulation.

Kapag mas malamig ang panahon, mas nagiging limitado ang physical activity, na maaaring magdulot ng pag-ipon ng dugo sa mga binti. Ang pagtaas ng mga binti ay nakakatulong para maiwasan ito, habang pinipigilan ang fluid build-up na nagdudulot ng pamamaga at discomfort.

Sinusuportahan din nito ang lymphatic drainage, na tumutulong sa pagtanggal ng toxins at pagbabawas ng inflammation. Kung madalas kang nakaupo o nakatayo nang matagal lalo na kapag tag-lamig, mas tumataas ang pressure sa veins at lumalaki ang posibilidad ng varicose veins. Ang pag-angat ng binti ay nakakatulong sa pag-drain ng excess blood, kaya nababawasan ang pressure at naiiwasan ang posibleng komplikasyon.

Gumamit ka ng unan o recliner para maabot ang tamang taas. Bagamat epektibo ito, mas mainam na isabay ang regular movements at exercise.

 

Key Takeaway

Sa pagsunod sa mga simpleng hakbang na ito, mas mapapagaan mo ang sintomas ng chronic venous insufficiency at mapapanatili ang healthy circulation ngayong Amihan season.

Para sa mas epektibong ginhawa, subukan ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)—isang subok na paraan para mapabuti ang vascular health at mabawasan ang sintomas nito!

REFERENCES

  1. https://veinreliever.com/dos-and-donts-healthy-veins/
  2. https://www.metroveincenters.com/blog/vein-health-nutrition
  3. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/19774754/
  4. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC6463841/
  5. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/11510597/
  6. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16193222/
  7. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC5431073/
  8. https://www.stridecare.com/blog/how-salt-effects-vein-care/
  9. https://www.healthline.com/health/elevating-legs

2025