Gamot sa Chronic Venous Disease

Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti

Sanhi at Sintomas ng Chronic Venous Disease

6/6/2023

Mga Lalaking May Varicose Veins: Mga Tips Para sa Sakit na Ito

Anu ang dapat mong malaman tungkol sa mga lalaking mayroong varicose veins?

  1. Ano ang mga sanhi ng mga varicose veins sa mga binti ng kalalakihan?
  2. Ano ang hitsura ng mga varicose veins?
  3. Mapanganib ba ang mga varicose veins?
  4. Mga tips para maiwasan ng mga kalalakihan ang pagkakaroon ng varicose veins

Ang mga varicose veins ay isang uri ng sakit sa mga ugat, na dulot nang pagluwang ng venous system ng mga binti. Ito’y karaniwang nagiging sanhi nang makirot at mabigat na mga binti.

Bagaman karaniwang maiuugnay ang mga varicose veins dulot sa pagtanda at mga kababaihan, ang sakit na ito’y ipinapakita ang iba’t-ibang paraan nang pagkakaroon ng chronic venous insufficiency (CVI) na maaring maapektuhan ang mga tao, at mabibilang dito ang mga kabataan at mga kalalakihan. Sa totoo nga nito’y mas maraming kalalakihan (39.7%)1 ang naiulat na may CVI at varicose veins kumpara sa mga kababaihan (32.2%) ayon sa isang pag-aaral noong 2003 sa Edinburgh2.

Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang mga sanhi ng mga varicose veins sa mga binti ng kalalakihan, kung ang mga ito ay mapanganib, at ilang tips upang makatulong sa pag-iwas sa mga ito.

varicose veins sa lalaki

Anu-ano ang mga Sanhi ng mga Varicose Veins sa mga Binti ng Kalalakihan?

Ang chronic venous disease na siyang sanhi ng pagkakaroon ng varicose veins ng mga lalaki ay kadalasang dulot ng pagbabago sa valves ng kanilang mga ugat, na maaaring sanhi ng injury, pagtaas ng mga ugat, o vasodilation o ang paglapad ng mga blood vessels.

Ang mga karaniwang sanhi ng CVD sa mga kalalakihan ay posibleng isa sa mga sumusunod:

  • Namamana
  • Edad
  • Pagda-diet na may kasamang sobrang calories
  • Laging nakaupo
  • Pagtayo o pag-upo nang matagal dahil sa trabaho
  • Pagtira sa lugar na may mataas na temperatura
  • Paninigarilyo

Ang pagtayo nang matagal sa trabaho ay nagdudulot ng pagkakaroon ng mga sakit tulad ng varicose veins.

Kaya naman, kung ikaw ay kinakailangang tumayo o umupo nang matagal sa iyong trabaho ay importanteng mag-ingat at bumisita sa doctor kapag nararamdaman mo ang mga senyales na ikaw ay mayroong varicose veins, tulad ng pamamaga, pananakit, at pagkakaroon ng mabibigat na binti.

Sa artikulong ito, malalaman mo ang mga tips tungkol sa pananakit at pamimigat ng mga binti habang nasa oras ng trabaho.

varicose veins

Ano ang Itsura ng mga Varicose Veins?

Ang mga varicose veins sa mga kalalakihan ay maaaring lumitaw sa ibabang parte ng kanilang mga binti, habang ang iba pang mga senyales na makikita ay eczema (tuyong balat na makati), pamamaga, o kapansin-pansin na pagbabago ng kulay ng balat.

Ang kondisyon ay maaaring samahan din ng alinman sa mga sumusunod na sintomas:

  • Pamimigat ng mga binti
  • Pagod na mga binti
  • Edema
  • Kirot, pangangati
  • Pananakit ng mga binti sa gabi
  • Varicose thrombosis

Ang mga varicose veins ay may dugo sa loob nito, at ito ang dahilan kung bakit tila mas madilim o namamaga ang hitsura nito sa mga binti3.

Mapanganib ba ang mga Varicose Veins?

Ang mga varicose veins ay maaaring hindi maging mapanganib, ngunit kung hindi ito ginagamot, maaari rin itong magdulot ng malubhang problema sa kalusugan. Madalas itong nangyayari sa mga kalalakihan, kahit na paniniwalaan na mas karaniwan ito sa mga kababaihan4. Dahil dito, ang mga varicose veins sa mga kalalakihan ay potensyal na mapanganib kung titingnan natin ang mas mataas na bilang ng mga kalalakihan na hindi humihingi ng tulong hanggang sa umabot ito sa malalang sakit5.

Ang mga varicose veins at chronic venous disease ay mga kondisyong unti-unting lumalala na maaaring magdulot ng marami at mas malubhang komplikasyon, tulad ng:

 

Pulmonary embolism

Nabubuo ang isang blood clot sa mas malalim na mga ugat sa mga binti at maaaring maging mapanganib kapag ito ay naghiwalay at tumungo sa mga baga. Alamin ang iba pang kaibahan sa pagitan ng deep vein thrombosis at venous disease6.

 

Ulser sa mga binti

Kilala rin bilang mga venous ulcers. Karaniwan itong nabubuo malapit sa bukung-bukong ng mga mas mababang bahagi ng katawan kapag hindi sapat ang daloy ng dugo. Ang mga ulser sa mga binti ay mahirap gumaling at lubhang masakit.7

compression stockings

Mga Tips Para Maiwasan ng mga Kalalakihan ang Pagkakaroon ng Varicose Veins

May ilang mga pagbabago sa pamumuhay ng isang lalaking mayroong varicose veins na magdudulot ng positibong epekto upang maiwasan ang pagkalala ng varicose veins. Narito ang ilan sa mga karaniwang rekomendasyon upang maiwasan ang chronic venous insufficiency.

 

Mag-ehersisyo at gumalaw nang madalas upang mapabuti ang daloy ng dugo

Iwasan ang matagal na pag-upo o pagtayo, magpalit-palit ng posisyon at maglakad nang madalas, at kung ikaw ay nakaupo o nakatayo nang madalas, siguraduhing gawin ang mga maliit na ehersisyo para sa mga binti tulad ng pagtayo sa mga kalahati ng paa.

 

Bigyan ng prayoridad ang malusog na pagkain at panatilihin ang tamang timbang

Alamin kung ano ang dapat kainin at inumin upang mapabuti ang daloy ng dugo.

 

Iwasan ang paninigarilyo

Dahil maaaring mas lalong mapababa ang daloy ng iyong dugo sa mga mas mababang bahagi ng katawan8, kasabay ng iba pang malulubhang epekto sa kalusugan, mainam na itigil o iwasan ang paninigarilyo.

 

Gamitin ang mga compression stockings

Ang paggamit nito ay isa sa mga standard na paggamot para sa pag-iwas sa deep vein thrombosis. Malaki ang tulong nito sa pagpapabuti ng daloy ng dugo pabalik sa puso.9

 

Regular na magpakonsulta sa iyong doktor

Susuriin ng doktor kung aling mga gamot o mga paggamot ang mas angkop sa iyong kaso. Itanong sa kanila ang mga oral na gamot tulad ng venoactive drugs na maaaring lubhang epektibo sa paglaban sa pinagmumulan ng problema.10

 

Magkaroon ng kaalaman sa mga venoactive na paggamot

Isa ito sa mga pinakamahusay na solusyon upang tulungan ang pagpapalakas ng mga ugat at mapigilan ang chronic venous insufficiency. Mapapagaan nito ang mga sintomas tulad ng kirot at pamamaga ng mga binti.

Tulad ng anumang sakit, napakahalaga na bisitahin ang isang espesyalista upang malaman ang mga sanhi, bunga, at mga tips upang maiwasan ang paglala ng sakit. Ang mga varicose veins ay maaaring maapektuhan din ng panahon at taas ng lugar, kaya't lubos naming pinapayuhan na seryosohin ang sakit na ito at maghanap ng paraan upang labanan ito.

Inirerekomenda naming sagutan ang aming self-assessment test upang malaman mo kung ikaw ay maaring makaranas ng chronic venous insufficiency.

REFERENCES

  1. Barstow C, Kassop D. Cardiovascular Disease: Chronic Venous Insufficiency and Varicose Veins. FP Essent. 2019 Apr;479:16-20.
  2. Lee AJ, Evans CJ, Allan PL, Ruckley CV, Fowkes FG. Lifestyle factors and the risk of varicose veins: Edinburgh Vein Study. J Clin Epidemiol. 2003 Feb;56(2):171-9.
  3. NCBI - Varicose veins: Overview. Retrieved September 20, 2022, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279247/
  4. Jawien, A; Grzela, T; Ochwat, A (2003). Prevalence of chronic venous insufficiency in men and women in Poland: multicentre cross-sectional study in 40,095 patients. Phlebology, 18(3), 110–122.
  5. Banks, I. (2001). No man's land: men, illness, and the NHS. BMJ, 323(7320), 1058–1060.
  6. Stone J, Hangge P, Albadawi H, Wallace A, Shamoun F, Knuttien MG, Naidu S, Oklu R. Deep vein thrombosis: pathogenesis, diagnosis, and medical management. Cardiovasc Diagn Ther. 2017 Dec;7(Suppl 3):S276-S284.
  7.  NCBI - Venous Leg Ulcer. Retrieved September 20, 2022, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK567802/
  8. Gourgou S, Dedieu F, Sancho-Garnier H. Lower limb venous insufficiency and tobacco smoking: a case-control study. Am J Epidemiol. 2002 Jun 1;155(11):1007-15.
  9. Mota GR, Simim MAM, Dos Santos IA, Sasaki JE, Marocolo M. Effects of Wearing Compression Stockings on Exercise Performance and Associated Indicators: A Systematic Review. Open Access J Sports Med. 2020 Jan 22;11:29-42.
  10. Adapted from Nicolaides A, Kakkos S, Baekgaard N, et al. Management of chronic venous disorders of the lower limbs. Guidelines according to scientific evidence. Part I. Int Angiol. 2018;37(3):181-254.1

2025