Pagiwas sa Chronic Venous Disease
Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti
9/14/2023
Ang Tamang Pagkain at Inumin para Mapabuti ang Pagdaloy ng Dugo
Karaniwang kinabibilangan ng mga pangkaraniwang hakbang sa paggamot ng chronic venous disease ang kombinasyon ng reseta ng gamot, rekomendasyon na magdagdag ng aktibidad, at regular na ehersisyo, pati ang paggamit ng mga compression stockings. Kasama rin sa mga aspetong ito na puwede nating gawin ay ang paggawa ng mga hakbang na magpapabago sa ating dietary habits.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga pangunahing aspeto na maaaring magpalakas sa pangkalahatang kalusugan ng ating mga ugat, na nakatuon sa mga pagkain at inumin para mapabuti ang daloy ng dugo, pati na rin ang mga pagkain na dapat iwasan.
Anong pagkain ang makabubuti para sa pagdaloy ng dugo?
Ang paggawa at pagsunod sa isang malusog at balanseng diyeta ay pinakamahusay na paraan upang mapabuti ang iyong pangkahalatang kalusugan. Gayunpaman, may ilang mga pagkain na maaaring magdulot ng magagandang benepisyo sa daloy ng dugo at kalusugan ng mga ugat. Nasa ibaba ang listahan ng mga uri ng pagkain, pati na rin ang mga sangkap nito, na maaaring makatulong sa pagpapabuti ng daloy ng dugo.
Pagkain na may Bioflavonoids
Ang bioflavonoids ay matatagpuan sa matitingkad na kulay na prutas at gulay kung saan ang natural structure nito ay makakatulong sa mga antioxidants sa pagprotekta sa atin mula sa oxidative damage, na maaaring humantong sa venous insufficiency at pamamaga.1 Ang mga ito ay kilala rin upang mapahusay ang pagkilos ng bitamina C sa ating katawan. Matatagpuan ang mga ito sa iba't-ibang mga pagkaing halaman at katas kabilang ang mga bunga ng citrus at iba pang mga halamang gamot.2
Ang mga halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa bioflavonoid ay ang broccoli, cucumber, bell peppers, spinach, at tofu, pati ang mga ubas, cranberry, blackberry, strawberry, mansanas, lemon, orange, limes, at grapefruits, bukod sa iba pang mga citrus fruits.
Fiber
Ang mga fiber ay mga non-digestible complex carbohydrates na matatagpuan sa mga pagkaing halaman na mahalaga upang gumalaw nang tama ang dumi. Ang kakulangan ng fiber sa iyong dyeta ay maaaring humantong sa constipation o pagtitibi, na maaaring humantong sa mataas na tiyansang panganib sanhi ng varicose veins3 at iba pang venous diseases dahil maaari nitong mapataas ang stress sa sirkulasyon ng dugo sa ibabang parte ng ating katawan. Dahil dito, ang dyeta na may mataas na fiber ay maaaring makatulong upang maiwasan ang overexertion dahil sa constipation o pagtitibi at para mas lumusog ang mga ugat.
Ang ilang halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa fiber ay ang lentils, chia seeds, flaxseeds, brown rice, at oatmeal.
Madahong Gulay
Ang mga madadahong gulay tulad ng celery, lettuce, kale, o collard greens ay pinagmumulan ng magnesium, isang mahalagang mineral pagdating sa pagpapanatili nang malusog na daloy ng dugo at sirkulasyon sa loob ng katawan.
Dagdag pa roon, ang mga madadahong gulay ay may mahusay na natural diuretic na makakatulong sa pagbawas nang pamamaga ng mga binti dulot ng varicose veins o iba pang mga sakit sa mga ugat.
Bawang: Natural na Pampatunaw ng Dugo
Sa loob ng maraming siglo, ang bawang ay kilala bilang isang natural na gamot na tumutulong sa pag-iwas sa mga sakit sa puso4 at maaaring pababain ang alta-presyon pati na rin ang presyon ng ating dugo.5
Naipakita na ang pagkonsumo ng bawang bilang basehan ng malusog na diyeta ay naiuugnay sa 16%-40% porsiyentong bawas sa panganib ng cardiovascular event. Ipinakita rin ng iba't-ibang mga pag-aaral na, kapag kinonsumo ito nang dalawang beses sa isang araw sa loob ng tatlong buwan, ang bawang ay maaaring magpabuti ng daloy ng dugo ng 50% (ayon sa obserbasyon sa upper arm artery).6
Luya
Ang luya ay mahalagang elemento sa tradisyonal na gamot sa India at China dahil sa maraming benepisyo nito sa kalusugan. Pagdating sa pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo, ito ay tumutulong sa pamamagitan nang pagbaba ng panganib ng mataas na presyon ng dugo,7 na isa sa pinakamalalang kaaway ng blood flow.
Fatty Fish
Ang mga fatty fish tulad ng salmon o mackerel ay ang pinagmumulan ng omega-3 fatty acids na kilala sa kanilang mabubuting epekto sa sirkulasyon at malusog na daloy ng ating dugo, pati na rin sa pag-iwas sa pagbuo ng mga blood clots.8
Ang mga fish oil supplements, na mayaman sa omega-3 fatty acids, ay maaari ring pababain ang mataas na presyon ng dugo at mapabuti ang daloy ng dugo patungo sa mga binti, lalo na pagkatapos ng ehersisyo.9
Mga Inumin upang Mapabuti ang Sirkulasyon ng Dugo
Kasama ng pagkain, ang pag-inom ng sapat na tubig ay ang pinakamahusay na kasangga sa pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo at pag-iwas sa panganib ng paglala ng anumang sakit sa mga ugat.
Ang wastong pagpapa-hydrate ay isang mahalagang bahagi ng malusog na pamumuhay ngunit, isang bagay na madalas na kinakaligtaan ng marami. Ang pagka-dehydrated ay maaaring lubos na mabawasan ang kakayahan ng ating katawan na gumana sa pinakamahusay na paraan, kung saan apektado ang mga vital organs tulad ng bato at puso, na nagpapababa ng ating energy levels at mental faculties, habang nagiging sanhi ito nang paglala ng sirkulasyon ng dugo10 at pagtaas ng ating core body temperature.
Isama pa ang mas mahaba at mas mainit na tag-araw na may mga record-breaking heatwaves at ang epekto nito sa kalusugan ng mga ugat, kung kaya’t maaaring ipangatuwiran na wala pang mas mahalagang oras upang tunay na maunawaan ang kung ano nga ba ang hydration.
Tubig ang dapat na pangunahing pinagkukunan ng hydration sa ating pangaraw-araw na buhay, ngunit tingnan natin ng mas malalim ang iba pang mga inumin, at paano ang mga partikular na inuming ito ay makakatulong at magpapabuti sa sirkulasyon ng ating dugo.
Green Tea
Ang green tea11 ay kilala sa taglay nitong antioxidant na katangian na nagpo-protekta sa ating katawan laban sa mga free radicals. Ito ay maaari ring magtaguyod ng vasodilation sa pamamagitan nang pagpapabuti sa daloy ng ating dugo.
Kaya't ang green tea ay isang mahusay na pagpipilian na inumin sa buong araw, ano man ang kondisyon ng panahon, mainit man o malamig sa labas.
Pomegranate Juice
Ang pomegranate juice ay isang kahanga-hanga at mabuting pagpipilian para sa pagpapabuti ng sirkulasyon12 ng dugo dahil ito ay mayaman sa mga antioxidants at iba pang mga sustansiya at bitamina, tulad ng bitamina C, na kilala na tumutulong sa pagpapalakas ng mga daluyan ng dugo. Isa itong magandang inumin na may magandang mga katangian tulad ng anti-inflammatory na lubos na inirerekomenda sa mga taong may varicose veins.
Mga Katas ng Prutas at Smoothies
Ang mga katas ng prutas at smoothies ay isa sa mga pinakamagandang paraan upang ilagay ang lahat ng makabuluhang bitamina at sustansiya sa loob ng isang baso: isang magandang paraan upang makamit ang aming inirerekomendang "5-a-day" target.
Pagdating sa mga smoothies, subukan ang pagdagdag ng turmeric o luya upang lumikha ng isang super-charged boost para sa mas malusog na sirkulasyon.
Pagkain para sa Mahinang Sirkulasyon: Ano ang Dapat Iwasan
Upang maiwasan ang pag-unlad ng mga varicose veins o anumang uri ng chronic venous insufficiency, may mga pagkain at inumin na dapat iwasan o bawasan hangga't maaari.
- Bawasan ang asin at taasan ang pagkain ng potassium. Ang asin ay maaaring magdulot ng pag-iipon ng tubig na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa varicose veins. Dagdag pa roon, ang asin ay maaaring magdulot ng pamamaga ng mga ugat kasabay ng pagtaas ng presyon ng dugo.13 Sa kabilang dako, ang mga pagkain na mayaman sa potassium (tulad ng saging, beans, kabute, patatas, kalabasa), ay maaaring makatulong sa pagbawas nang pag-iipon ng tubig at pagbaba ng presyon ng dugo.14 Mahalagang tandaan na ang dalawang simpleng electrolyte na ito ay hindi namumuhay sa isa't isa sa cellular level sa loob ng ating mga katawan: kapag pumapasok ang potassium, ang asin ay lalabas kaagad!
- Bawasan ang pagkain ng mga processed meat. Ang processed red meat ay ipinakita na may posibilidad na dagdagan ang panganib nang pagkakaroon ng cardiovascular disease.15 Ang iba pang processed meat tulad ng mga sausages at bacon ay may mataas na laman ng asin at may kaugnayan sa panganib ng mataas na presyon ng dugo.16 Sa halip, piliin ang mga gulay at kung kinakailangan, bawasan ang pagkain ng processed meat.
- Iwasan ang highly-processed foods. Ang mga uri ng pagkain na ito ay gumagamit ng mga sangkap na karaniwang hindi ginagamit sa mga bagong lutong pagkain sa bahay, tulad ng mga colorant, flavorings, hydrogenated oils, at iba pang mga artipisyal na pampalasa. Ang patuloy na pagkain ng highly-processed foods ay maaaring magkaroon ng pangkalahatang negatibong epekto sa ating kalusugan.17
Bilang buod, ang pagsunod sa malusog na diyeta, kasama ang regular na ehersisyo upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo, ang pag-iingat sa tamang antas ng hydration, at pagbawas ng stress ay mga mahuhusay na paraan upang mapanatili ang malusog na mga ugat at maiwasan ang panganib ng pagkakaroon ng venous disease.
Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa iba pang mga pagbabagong pamumuhay na maaaring isagawa upang labanan ang chronic venous disease at mapabuti ang kalidad ng buhay kung mayroong venous disease, isang kondisyon na maari ring magdulot ng seryosong problema sa kalusugan tulad ng mga sugat sa binti.
Inirerekomenda naming kumonsulta sa inyong doktor tungkol sa venoactive drug na maaaring angkop sa inyong indibidwal na kaso.
Ang kronikong sakit sa mga ugat ay maaring magdulot ng seryosong problema sa kalusugan tulad ng ulcer, kaya naman tulad ng maraming sakit na unti-unting nagiging mas malala, ang oras ay napakahalaga; at habang ang mga creams ay maaaring magbigay ginhawa, ang ilang oral treatments ay maaaring agad na kumilos, tumatama sa pangunahing suliranin at hindi pinapayagang lumala ang chronic venous disease.18
REFERENCES
- Panche, A. N., Diwan, A. D., & Chandra, S. R. (2016). Flavonoids: an overview. Journal of nutritional science, 5, e47. https://doi.org/10.1017/jns.2016.41
- Citrus Bioflavonoids Boost Blood Vessel Health. FNPA. Accessed on 12th September 2022. https://www.fnpa.org/citrus-bioflavonoids-boost-blood-vessel-health/
- Amanda J. Lee, Christine J. Evans, Cathyrn M. Hau, F.Gerald R. Fowkes,Fiber intake, constipation, and risk of varicose veins in the general population: Edinburgh Vein Study, Journal of Clinical Epidemiology, Volume 54, Issue 4, 2001, Pages 423-429, ISSN 0895-435, from https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0895435600003000
- Banerjee SK, Maulik SK. Effect of garlic on cardiovascular disorders: a review. Nutr J. 2002 Nov 19;1:4. doi: 10.1186/1475-2891-1-4. PMID: 12537594, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC139960/
- Ried K. Garlic lowers blood pressure in hypertensive subjects, improves arterial stiffness and gut microbiota: A review and meta-analysis. Exp Ther Med. 2020 Feb;19(2):1472-1478. doi: 10.3892/etm.2019.8374. Epub 2019 Dec 27, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6966103/#:~:text=Garlic%20supplements%20have%20shown%20effectiveness,levels%20and%20blood%20'stickiness
- Mahdavi-Roshan M, Mirmiran P, Arjmand M, Nasrollahzadeh J. Effects of garlic on brachial endothelial function and capacity of plasma to mediate cholesterol efflux in patients with coronary artery disease. Anatol J Cardiol. 2017 Aug;18(2):116-121. doi: 10.14744/AnatolJCardiol.2017.7669. Epub 2017 May 24, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5731260/
- Wang Y, Yu H, Zhang X, Feng Q, Guo X, Li S, Li R, Chu D, Ma Y. Evaluation of daily ginger consumption for the prevention of chronic diseases in adults: A cross-sectional study. Nutrition. 2017 Apr;36:79-84. doi: 10.1016/j.nut.2016.05.009. Epub 2016 Jun 3, from https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28336112/
- Cohen MG, Rossi JS, Garbarino J, Bowling R, Motsinger-Reif AA, Schuler C, Dupont AG, Gabriel D. Insights into the inhibition of platelet activation by omega-3 polyunsaturated fatty acids: beyond aspirin and clopidogrel. Thromb Res. 2011 Oct;128(4):335-40, from https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/21621252/
- Pearson SJ, Johnson T, Robins A. Fish oil supplementation, resting blood flow and markers of cellular metabolism during incremental exercise. Int J Vitam Nutr Res. 2014;84(1-2):18-26, from https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25835232/
- Watso JC, Farquhar WB. Hydration Status and Cardiovascular Function. Nutrients. 2019 Aug 11;11(8):1866. doi: 10.3390/nu11081866. PMID: 31405195; PMCID: PMC6723555, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6723555/
- Din USU, Sian TS, Deane CS, Smith K, Gates A, Lund JN, Williams JP, Rueda R, Pereira SL, Atherton PJ, Phillips BE. Green Tea Extract Concurrent with an Oral Nutritional Supplement Acutely Enhances Muscle Microvascular Blood Flow without Altering Leg Glucose Uptake in Healthy Older Adults. Nutrients. 2021 Oct 29;13(11):3895. doi: 10.3390/nu13113895. PMID: 34836149; PMCID: PMC8619110, from https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15226633/
- Trexler ET, Smith-Ryan AE, Melvin MN, Roelofs EJ, Wingfield HL. Effects of pomegranate extract on blood flow and running time to exhaustion. Appl Physiol Nutr Metab. 2014 Sep;39(9):1038-42. doi: 10.1139/apnm-2014-0137. Epub 2014 May 16, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4146683/
- Edwards DG, Farquhar WB. Vascular effects of dietary salt. Curr Opin Nephrol Hypertens. 2015 Jan;24(1):8-13, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5431073/
- Reducing sodium and increasing potassium may lower risk of cardiovascular disease. (2021, November 16). News. Retrieved September 14, 2022, from https://www.hsph.harvard.edu/news/press-releases/reducing-sodium-and-increasing-potassium-may-lower-risk-of-cardiovascular-disease/
- Red meat consumption linked to increased CVD mortality. Nat Rev Cardiol 9, 312 (2012), from https://www.nature.com/articles/nrcardio.2012.50
- David C. Paik, Thomas D. Wendel, Harold P. Freeman, Cured meat consumption and hypertension: an analysis from NHANES III (1988-94), Nutrition Research, Volume 25, Issue 12, 2005, Pages 1049 -1060, from https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0271531705002290
- Elizabeth L, Machado P, Zinöcker M, Baker P, Lawrence M. Ultra-Processed Foods and Health Outcomes: A Narrative Review. Nutrients. 2020 Jun 30;12(7):1955, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7399967/
- Mansilha A, Sousa J. Pathophysiological Mechanisms of Chronic Venous Disease and Implications for Venoactive Drug Therapy. Int J Mol Sci. 2018 Jun 5;19(6):1669. doi: 10.3390/ijms19061669. PMID: 29874834; PMCID: PMC6032391.
2025