Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti
Pagiwas sa Chronic Venous Disease
Sanhi at Sintomas ng Chronic Venous Disease
3/4/2024
Maaari Bang Mapalala ng Panahon at Altitude ang Varicose Veins?
Overview
- Tinatayang 20% ng populasyon ang apektado ngunit may kakulangan pa rin sa kaalaman ukol sa epekto ng panahon at altitude sa ugat.
- Ang malaming na temperatura ang mas maganda sa varicose veins kaysa sa mainit. Subalit, maaaring magdulot ng problema ang sobrang mainit o malamig na panahon sa sirkulasyon ng dugo.
- Ang pagtaas ng altitude ay maaaring magdulot ng iba't-ibang epekto tulad ng mas mataas na bentilasyon at pressure sa pulmonary arteries.
Introduction
Karaniwang itinuturing ang varicose veins bilang isang kondisyon na maaaring makaapekto sa mga matatanda tulad ng pulikat sa binti. Bagaman hindi laganap ang sakit na ito, lumalabas sa pag-aaral na nasa 20% ng populasyon sa buong mundo ay mayroong varicose veins—mapa-bata man o matanda.1
Kaya naman mahalagang mayroon kang sapat na kaalaman patungkol sa kung ano ito at paano nakakaapekto ang ilan sa mga environmental factors.2
Para sa mga taong mayroon nito at nagpaplanong magbakasyon sa mga susunod na linggo o buwan, ating tatalakayin kung nakakaapekto nga ba ang pagbabago ng panahon at altitude sa varicose veins.
Mabuti Ba ang Mainit o Malamig na Temperatura sa Varicose Veins?
Sa normal na ugat, ang mainit na temperatura ay mas nakakabuti sapagkat mas maganda ang daloy ng dugo at ang taglamig naman ay maaaring magdulot nang pagtaas ng blood pressure. Ito’y magdudulot nang mababang pagdaloy ng dugo3.
Ngunit, ang malamig na panahon ay mas nakakabuti sa chronic venous insufficiency4, pero ang sobrang exposure dito ay maaaring magbigay ng negatibong epekto sa sirkulasyon ng dugo at maaaring magpalala ng iyong varicose veins, kagaya nang ipinapakita sa ibaba:
|
Malamig na Temperatura |
Mainit na Temperatura |
Direktang Epekto |
Lumiliit ang mga ugat sa katawan dahil sa malamig na temperatura. Nagdudulot ito nang mababang pagdaloy ng dugo5. |
Lumalapad naman ang daluyan ng ating mga ugat dahil sa mainit na temperatura. Ang prosesong ito ay tinatawag na vasodilation, na maaaring magpalala sa mga sintomas ng iyong vein disease6. |
Negatibong Epekto |
Maaaring magresulta sa venous disease ang iyong varicose veins dahil sa pagbagal ng daloy ng dugo sanhi ng sobrang malamig na temperatura, sedentary lifestyle, impeksyon, at pagtaas ng timbang7. |
Ang mainit na temperatura ay nagiging sanhi ng paglapad ng mga ugat upang mapadali ang paglipat ng init mula sa katawan patungo sa paligid nito. Sa puntong ito, nararanasan natin ang mabilis na pagtibok ng ating puso8. |
Positibong Epekto |
Dahil lumiliit ang mga ugat sa malamig na panahon, napapagaan nito ang sakit na dala ng varicose veins. Ang mabibigat na binti, cramps, at pamamaga ay hindi rin gaanong sumasakit sa mga panahong ito9. |
Ang vasodilation na dala ng mainit na panahon ay nakakatulong sa serkulasyon ng dugo sa katawan10. |
Altitude at ang Epekto nito sa Varicose Veins
Ang altitude o taas ng lugar ay maaaring magkaroon ng epekto sa varicose veins dahil sa pagbaba ng presyon sa atmosphere na nakakaapekto sa sirkulasyon ng dugo. Narito ang mga halimbawa:
Matatas na Bundok
Lingid sa kaalaman ng marami, ang altitude ay may mahalagang papel din sa kung paano nag-aadjust ang ating katawan at mga ugat sa mga external factors sa ating kapaligiran.
Tinatayang halos 40 milyong tao ang pumupunta sa mga mataas na lugar taon-taon, tulad ng mga biyahe sa bundok. Ngunit, kaunti lamang ang nakakaalam tungkol sa pisikal na epekto ng altitude sa katawan, lalo na para sa mga may varicose veins o chronic venous insufficiency11. Narito ang ilan sa mga epekto:
- Mas mataas na bentilasyon sa paghinga
- Mas mataas na pressure sa mga pulmonary arteries
- Mas mataas na aktibidad ng sympathetic system
- Tachycardia (mabilis na pagtibok ng puso)
- Mas mataas na blood pressure
- Pagbawas ng dami ng plasma
- Mas mataas na viscosity or paglapot ng dugo
Ang mahabang biyahe sa eroplano ay maaari ding magdulot ng mga nasabing epekto. Ito’y dahil ang mga cabins ay mayroong pressure. Kung kaya’t tinatayang 86% ng lahat ng mga biyahero ay maaaring magkaroon nang pamamaga sa ibaba ng paa dahil sa pinaikling capillary filtration, at nabawasan na espasyo at kakayahang gumalaw12.
Ayon din sa mga pag-aaral na isinagawa patungkol sa exposure sa matataas na altitudes, ang mga environmental conditions tulad ng hypoxia (mababang antas ng oxygen), dehydration, hemoconcentration, mababang temperatura, at ang paggamit ng maitim na kasuotan ay maaaring maging mapanganib at magdulot ng paglitaw ng mga thrombotic disorder, at magpalala sa sakit sa mga venous insufficiency diseases kagaya ng varicose veins13.
Destinasyong Dagat
Ngayong alam na natin na ang tuktok ng bundok ay may dalang panganib at potensyal na paglala ng mga sakit na may kinalaman sa vein insufficiency tulad ng varicose veins, paano naman ang kabilang dulo ng spectrum? Sa Mariana Trench na mas malalim pa kaysa sa taas ng Mount Everest—paano ang scuba diving?
Kahit hindi madalas pag-aralan ng mga mananaliksik, ang scuba diving ay nagdudulot ng mas malaking pahirap sa daloy ng dugo, kung kaya’t mas makabubuti na ang mga may edad na 45 pataas ay sumailalim sa masusing pagsusuri ng kalusugan bago gawin ito. Mayroong ding malawak na listahan sa mga alituntunin kung sino ang hindi nararapat mag-scuba diving14.
Key Takeaway
Hindi man direkta ang epekto nang pagbabago ng panahon at altitude sa varicose veins, mahalagang tandaang anumang sobra ay nakakasama. Kaya naman sa susunod mong bakasyon, isaalang-alang mo ang iyong kalusugan at magpakonsulta sa doktor bago ang lahat.
Para sa epektibong pangangalaga sa varicose veins, subukan ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay isang napatunayang gamot na nakakatulong sa pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo at pagbawas ng mga sintomas ng varicose veins. Huwag nang tiisin ang sakit, konsultahin ang iyong doktor at bumili na ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ngayon!
REFERENCES
- NCBI - Varicose veins: Overview. Retrieved September 27, 2022, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279247/
- Jawień, A. (2003). The influence of environmental factors in chronic venous insufficiency. Angiology, 54(1_suppl), S19–S31. https://doi.org/10.1177/0003319703054001s04
- Blood pressure: Is it affected by cold weather? (2022, March 24). Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/expert-answers/blood-pressure/faq-20058250
- Sun, Z., Yue, J., & Zhang, Q. (2017). Local warming therapy for treating chronic wounds. The Cochrane Library. https://doi.org/10.1002/14651858.cd011728.pub2
- Goke Akinwande, MD. (n.d.). How the cold weather affects circulation and veins: Midwest Institute for Non-Surgical Therapy: Vascular and Interventional Radiologists. https://www.mintstl.com/blog/how-the-cold-weather-affects-circulation-and-veins
- Professional, C. C. M. (n.d.). Vasodilation. Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/23352-vasodilation
- Staff, C. (n.d.). Does weather affect varicose veins? https://www.cardio.com/blog/does-weather-affect-varicose-veins
- Yousef, H. (2023, May 1). Physiology, thermal regulation. StatPearls - NCBI Bookshelf. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK499843/
- Inoviaveindev. (2023, March 13). How cold weather affects varicose veins. Inovia Vein Specialty Centers | Northwest Vein Treatment Clinics. https://inoviavein.com/how-cold-weather-affects-varicose-veins/
- Lumen Learning & OpenStax. (n.d.). Blood flow, blood pressure, and resistance | Anatomy and Physiology II. https://courses.lumenlearning.com/suny-ap2/chapter/blood-flow-blood-pressure-and-resistance-no-content/
- Mikołajczak, K., Czerwińska, K., Pilecki, W., Poręba, R., Gać, P., & Poręba, M. (2021). The impact of temporary stay at high altitude on the circulatory system. Journal of Clinical Medicine, 10(8), 1622. https://doi.org/10.3390/jcm10081622
- News-Medical. (2023, July 18). How does airplane travel affect the human body? https://www.news-medical.net/health/How-Does-Airplane-Travel-Affect-the-Human-Body.aspx
- Gupta, N., & Ashraf, M. Z. (2012). Exposure to high altitude: a risk factor for venous thromboembolism? Seminars in Thrombosis and Hemostasis, 38(02), 156–163. https://doi.org/10.1055/s-0032-1301413
- Jepson, N., Rienks, R., Smart, D., Bennett, M. H., Mitchell, S. J., & Turner, M. (2020). South Pacific Underwater Medicine Society guidelines for cardiovascular risk assessment of divers. Diving and Hyperbaric Medicine, 50(3), 273–277. https://doi.org/10.28920/dhm50.3.273-277
2025