Sanhi at Sintomas ng Chronic Venous Disease

Chronic Venous Disease

8/15/2024

Bye-bye Varicose Veins: Paano Alagaan ang Mga Varicose Veins Habang Buntis

Paano alagaan ang mga varicose veins habang buntis?

  1. Iwasang matagal na pag-upo o pagtayo
  2. Magsuot ng maluwag na damit at compression stockings
  3. Uminom ng maraming tubig at baguhin ang diet
  4. Matulog sa iyong kaliwang tagiliran

 

Overview

  • Ang varicose veins sa pagbubuntis ay sanhi ng puwersa ng matris sa mga ugat. Ito ay nagdudulot nang hirap sa pagdaloy ng dugo.
  • Ang regular na paggalaw at pag-iwas sa matagalang pag-upo o pagtayo ay makakatulong sa varicose veins.
  • Ang pagsuot ng maluwag na damit at compression stockings ay magpapabuti sa daloy ng dugo at magpapabawas nang pananakit.
  • Ang pag-inom ng maraming tubig at pagkain ng maraming fiber at pagbabawas ng sodium ay nakakabuti.
  • Ang pagtulog sa iyong kaliwang tagiliran at pagtaas ng iyong paa ay makakatulong sa magandang sirkulasyon ng dugo. Ito rin ay nagbabawas ng pressure sa mga ugat.

 

Introduction

Maraming komplikasyon ang puwedeng mangyari kapag buntis tulad ng pagtaas ng presyon, pagkahilo at pagsusuka, iron-deficiency anemia,1 at varicose veins. Ang mga ugat na ito ay makikita sa ibabang bahagi ng katawan. Nangyayari ito kapag ang matris ay naglalagay ng presyon sa malaking ugat (ang inferior vena cava) na nagdadala ng dugo pabalik sa puso mula sa mga paa at binti.13

Mahalagang matutunan kung paano alagaan ang varicose veins habang buntis. Bagaman hindi ito nagdudulot ng malaking panganib, puwede kang makaramdam nang pagkabalisa, pangangati, at pananakit.2 Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang paraan upang ma-manage ito sa tulong ng mga simpleng paraan na puwede mong gawin sa bahay.

 

pagupo ng matagal at buntis

Iwasan ang Matagal na Pag-upo o Pagtayo

Mahirap ang madalas na paggalaw kapag buntis. Ito ay nagdudulot ng strain sa iyong pelvic area at mga kasu-kasuan.3 Ngunit, mahalaga ang paggalaw upang ma-manage ang varicose veins. Ang pag-eehersisyo ay magandang idagdag sa iyong gawain. Ito ay nakakatulong sa mga sintomas ng pagbubuntis tulad ng pagkapagod, constipation, at pananakit ng likod.4 Inirerekomenda ang 20-30-mininutong ehersisyo.3 Ang paglakad o pag-stroll ay simpleng aktibidad na maaari mong gawin, nakakatulong ito sa pagdaloy ng dugo sa iyong mga binti.5

Gayunman, ito ay nakadepende pa rin sa iyong sitwasyon. Kung iniisip mong mag-ehersisyo habang buntis, mas mabuti pa ring kumonsulta sa iyong obstetrician o vein specialist upang malaman kung alin ang mga ehersisyong makakabuti sa iyo.13

Kapag hindi inirerekomenda ang ehersisyo, ang pag-iwas sa pag-upo o pagtayo ng matagal ay importante.6 Puwede kang mag-stretch ng iyong mga binti para sa maayos na daloy ng dugo.4

 

compression stockings at buntis

Magsuot ng Maluwag na Damit at Compression Stockings

Ang masisikip na damit ay hindi praktikal suotin habang buntis. Ito ay maaaring magpalala ng intestine transportation, autonomic nervous system, at food digestive function. Maari rin itong magpataas ng panganib sa mga issues sa lumbar area.

Subalit, ang pagsusuot ng compression stockings ay inirerekomenda sa pagma-manage ng venous disease. Nagbibigay ito ng diin at tuluy-tuloy na pressure sa mga ugat. Ito ay nagpapabuti ng daloy ng dugo sa pagitan ng mga binti at puso.4 Nababawasan din nito ang discomfort na maaaring maramdaman mo sa iyong mga binti.

Bagaman dinisenyo ito upang magbigay ng kaunting higpit, hindi ibig sabihin na kailangan mo ang pinakamahigpit na compression stockings13. Nag-iiba-iba ang mga ito sa laki, estilo, at pressure.8 Mahalaga ang paghingi ng payo mula sa isang doktor upang makapili ng tamang uri para sa iyo.

 

dyeta ng buntis

Uminom ng Maraming Tubig at Baguhin ang Diet

Ang pag-aasikaso ng varicose veins ay kadalasang pagsunod sa lifestyle changes. Ang pag-inom ng maraming tubig ay magandang habit na dapat mong sundin upang alagaan ang kondisyong ito.6 Nakakatulong ito sa paglabnaw ng ating dugo upang mas madali ang pagdaloy ng dugo.9 Ang malapot na dugo ay tanda ng isang dehydration. Ito ay nagbibigay ng mas malaking panganib ng blood clotting at insufficiency. Bukod dito, nagiging mas halata ang ugat sa iyong mga binti.

Iba pang kailangan mong baguhin sa iyong diet ay ang pagkain ng mas maraming fiber at pagbawas sa sodium.6 Maaari kang kumuha ng fiber mula sa mga pagkain tulad ng almonds, oats, at chia seeds.10

 

pagtulog  ng buntis

Matulog sa Iyong Kaliwang Tagiliran

Maraming sleeping positions ang masakit gawin kapag buntis. Ganito rin ang sitwasyon kapag may varicose veins ang iyong mga binti. Habang mayroong mga tips kung paano matulog, may isang posisyon na laging inirerekomenda.13

Ang pagtulog sa iyong kaliwang tagiliran ay isang paraan upang ma-manage ang iyong kondisyon.8 Pinananatili nito ang daloy ng dugo, inaalis ang pressure mula sa iyong inferior vena cava. Ito ay isa sa mga malalaking ugat na nagdadala ng dugo sa iyong puso mula sa iyong binti.11

Bukod dito, ang pag-angat ng iyong mga binti ay magpapabuti rin ng sirkulasyon ng dugo.12 Ang pagtaas ng iyong mga paa ng three-four inches ay nakakabawas ng pressure sa iyong mga ugat.

 

Mga Dapat Tandaan

Ang pag-alam kung paano alagaan ang varicose veins habang buntis ay mahalaga para sa mga nagdadalang-tao. Ito ay may malaking epekto sa kanilang kondisyon.

Habang ang pagbabago sa pamumuhay ay isang magandang paraan upang labanan ang sakit ng varicose veins, mahalaga pa ring gawin ang mga kinakailangang hakbang. Ang paghingi ng tulong sa propesyonal ay kinakailangan upang agad na magawa ang tamang aksyon. Ang paggamit ng tamang gamot ay mahalaga rin upang labanan ang sakit.

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay iyong over-the-counter na gamot para sa varicose veins. Ito ay isang oral treatment na binuo upang mapabuti ang kalusugan ng iyong mga ugat. Depende sa iyong kalagayan o payo ng health professional, maaari mo itong inumin isang beses sa isang araw. Mahalaga ang maingat na pag-unawa sa mga tagubilin upang masiguro ang iyong paggaling.

REFERENCES

  1. https://www.nichd.nih.gov/health/topics/pregnancy/conditioninfo/complications
  2. https://www.babycenter.com/pregnancy/your-body/varicose-veins-during-pregnancy_271  
  3. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21895-pregnancy-constipation
  4. https://www.whattoexpect.com/pregnancy/pregnancy-health/best-home-remedies-varicose-veins-pregnancy/
  5. https://veinscalgary.com/blog/5+Steps+to+Manage+Your+Varicose+Vein+Symptoms+While+Pregnant+/60
  6. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/23331-varicose-veins-in-pregnancy
  7. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4593137/#:~:text=Women%20may%20be%20unaware%20that,a%20pregnant%20woman%27s%20changing%20shape.
  8. https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/heart-and-vascular-blog/2018/june/varicose-veins-during-pregnancy
  9. https://veinreliever.com/dos-and-donts-healthy-veins/#:~:text=Water%20is%20crucial%20in%20almost,so%20it%20flows%20more%20freely.
  10. https://www.theveininstitute.com.au/the-best-and-worst-diet-for-varicose-veins/
  11. https://my.clevelandclinic.org/health/body/22619-vena-cava
  12. https://indianavein.com/not-sleeping-varicose-veins-might-be-the-reason/#:~:text=Sleep%20on%20your%20left%20side,the%20heart%20pump%20more%20efficently.
  13. https://kidshealth.org/en/parents/veins.html#:~:text=Varicose%20veins%20are%20a%20common,%2C%20uncomfortable%2C%20or%20even%20painful

2024